MLS: YOU'RE THE ONE
CHAPTER 5:
"OUR PATHS ONCE AGAIN INTERSECT"
"Hello Manila!" Sabi ni Luna nang makarating kami sa isang international airport dito sa Manila.Malaki, maganda at malawak ang airport na ito. Noon ay sa tuwing pumunta ako sa isang internet cafe ay doon ko lang nakikita ang picture ng airport. Sa picture pa lang ay malaki tingnan ang picture. Pero mas malaki kapag nasa loob ka ng airport mismo.
Pumunta kami sa labas ng airport dahil doon kami mag-aabang ng taxi papunta sa condo.
Nagkwentuhan kami hanggang nakarating na kami sa condo ng pamilya nina Luna. Sabi niya na pwede dito kami tumira sa Manila dahil bihira lang bumisita ang pamilya ni Luna dito at sayang naman kung walang titira o gagamit sa condong ito.
Malapit ang condong ito sa unibersidad. In fact, limang-daang (500) metro lang ang layo sa paaralan at iyon lang ang pinakamalapit na condo sa unibersidad.
Sobrang ganda ng condong tinutuluyan namin. It's not a surprise since it's the Alvarez's place. And knowing their family, they have high standards and choosy when it comes to hotels, condos, apartments and stuff, especially when we talk about interior designs.
Pagkatapos ay pumunta kami sa SFDHU (St. Francis Dream High University) para magtake ng SFDHU College Entrance Exam.
Naghintay kami para sa results hanggang sa nalaman naming nakapasa kami ilang araw pagkatapos sa entrance exam. Masaya talaga kaming tatlo dahil bukod sa hindi na kami mag-enroll sa ibang paaralan, hindi kami mahihiwalay sa isa't-isa.
***
Huling araw ngayon sa buwan ng Mayo na napag-isipan naming bumili ng mga gamit dito sa condo, especially yung mga necessities and everyday needs namin gaya ng pagkain at inumin at iba pa. Wala na kaming bibilhing mga appliances at furnitures dahil meron na sa condo pagpasok namin.
Then, pumunta kami sa ibang shop para mamili ng mga school supplies. Ang laki ng mall nila dito. Since first time kong pumunta rito, I can say that I could easily get lost. Napalinga-linga ako sa mga palapag at parang nanaginip lang akong nakapunta dito sa Manila. It's like a dream.
But the thing is that, I AM NOT DREAMING.
"Mm... Bili muna ako ng notebooks at pens dun sa aisle na iyon." Turo ko sa aisle na malapit lang sa counter. Tumango ang mga kaibigan ko at pumunta sa ibang aisle, iniwan ako sa aisle na walang tao kundi ako lang.
Naglakad ako sa aisle kung saan maraming mga magaganda at makapal na notebooks. Tiningnan ko ang disenyo nila at hindi ko maiwasang hindi mamangha. Maraming mga notebooks. Makapal at manipis, may spirals at wala, may designs at plain color ang cover, white at may iba ay iba-ibang color at malaki at maliit.
Tatlong notebooks ang binili ko na may 100 leaves each. Ayaw ko sa spirals kasi lefty ako at para sa aming mga lefties ay spirals are #1 enemy when it comes to writing. Kung lefty ka, wag kang mag-alala... hindi ka nag-iisang nag-struggle sa mga nakaka-b*w*s*t na spirals ;).
Ang tatlong notebooks na iyon ay iba-iba ng color. Ang isa ay blue na may flowery design, ang isa ay white na mukhang modernong white tiles ang disenyo at yung last naman ay gray and white marble tiles ang design. Gosh, ang unique ng designs na ito kaya kinuha ko iyon dahil baka hindi na ako makakita ng ganitong disenyo kapag bibili naman ako.
Pumunta na naman ako sa mga aisle kung saan may mga pens na may iba't-ibang kulay. Namangha ako kasi hindi lang sa ganda tingnan ang mga pens, kundi sa arrangement nito. Para siyang rainbow. May sets din sa kabilang dulo. Arranged din siya, from the least number of pens sa set to maximum numbers of pens in one set.
BINABASA MO ANG
You're The One
RomanceMY LOVE STORY TRILOGY #1 MJ GONZALES: "When our eyes met for the first time, I knew he is "The One" for me. I knew I found my love of a lifetime. I knew that I'll walk down the aisle to him one day as I pictured myself in the future with him... Wit...