Chapter 23

23 2 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 23:
"PAIN"


"MJ, ayaw ko sanang sabihin to pero nakita ko si Leo... may kasamang babae." Sabi ni Jheniyah. I thought of it as nothing of a big deal para sa akin dahil okay lang naman sa akin kung may kasamang babae si Leo. Pero kakaiba ang tono sa kaniyang boses na para bang iba ang pinahiwatig niya. Kaya, napatingin ako kay Jheniyah na mukhang hindi nagustohan ang kaniyang nakita.

Si Leo? May kasamang babae? Hindi naman iyon bago. Pero bakit pakiramdam ko hindi siya gaya sa mga babaeng nakasama ni Leo gaya ng mga blockmates, matatanda, at kaibigan ang tinutukoy ni Jheniyah? Bakit ba ako kinakabahan nang masabi niyang may kasamang babae si Leo?

May kasama ba si Leo na babae? Saan? Kailan? Sino?

MJ, stop asking too much questions for now. Dapat focus ka sa exam dahil malapit na iyon.

Kami ay nasa kwarto ni Luna, nag-aaral para sa upcoming final exam. Inaantay ko talaga ito at Lumingon ako sa kaniya. Pagkatapos naming mag review ay agad kong tinanong si Jheniyah tungkol sa sinabi niya sa akin kanina.

"Sino ang tinutukoy mo kanina, Jheniyah?" Tanong ko kay Jheniyah.

Lumapit sa akin si Jheniyah at nagpaliwanag. "Hindi ko nakita ang mukha pero parang nilalandi niya ang boyfriend mo. Pero kakaiba ang reaksyon ni Leo nang makita niya ang babaeng iyon. Parang kilala niya talaga ang babaeng iyon." Paliwanag ni Jheniyah.

Nilalandi niya ang boyfriend ko? Sure akong nilalandi niya si Leo dahil aside sa bihirang kagwapohang taglay niya, hindi niya alam na may girlfriend ang lalaking nilalandi niya. Shemays, gusto ko talagang sampalin ang babaeng iyon. Makakatikim talaga siya sa aking mabigat na kamay.

But I stopped thinking about it for I was thinking too much about it. Baka sa huli ay mali pala ang hinala ko.

Pero sa totoo lang, hindi ko mapigilang mapatanong pa kay Jheniyah sa kaniyang nakita dahil mausisa akong tao pagdating sa mga babaeng nais lumapit sa kasintahan ko, lalong-lalo na yung mga taong kilala at 'lumalandi' kay Leo. Tsaka, bakit naman magsusumbong ng hindi totoo sa akin si Jhen? Kilala ko si Jheniyah; she would never lie to me when it comes to these situations. And the way ng pagsusumbong niya sa akin, nabasa ko sa ekspresyon sa mga mata niya na parang nagsasabi siya ng totoo.

"Kailan mo sila nakitang magkasama Jheniyah?" Tanong ko.

Napatingin si Jheniyah sa ilaw, tila inaalala ang nakita niya.

"Sabado ata 'yon if I'm not mistaken. Nakita ko sila sa mall nung bumili ako ng mga groceries natin. Hindi ko nakita ang mukha ng babae dahil nakatalikod siya nang makita ko silang dalawa." Paliwanag niya. "Mukhang mayaman ata ang babaeng nakasama niya dahil ang mga suot ay pang-bigtime tapos branded pa." Dagdag niya.

I'm starting to jump into conclusions na baka obsessed fangirl niya or kasama niya sa department ang may gusto sa kaniya. Pero gaya ng sinabi ko kanina, hindi dapat ako mag-jump into conclusions dahil one-sided lang ang storyang ito. Kailangan ko ang side ni Leo.

"Talaga? Itanong ko kaya sa kaniya tungkol diyan. Baka kaibigan niya ata iyon o blockmate niya sa engineering department or maybe, katrabaho niya sa kompanya." Sabi ko.

Umiwas si Jheniyah. "Parang ganoon na ata. Itanong mo na lang sa kaniya para sure."

I watched and read this kind of situations sa mga pocketbooks, novels at sa mga teleseryes. Usually, it ends up in a misunderstanding and the scene ended where they both faught and ended up breaking up. Ayaw ko namang mangyari iyon samin. In a relationship, it needs deep understanding to avoid fights. No matter how strong your bond is with that person, time will come that it will snap in an instant and everything you have with that person will be gone. Ayaw ko talaga mangyari iyon sa aming dalawa.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon