Chapter 25

40 2 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 25:
"AMADEUS"


Ilang araw na ang nakalipas since nakauwi ako sa bahay, bukod sa pagtulong nila sa gawaing bahay, inaaliw ko ang sarili ko by doings things that I love: gaya ng pagguhit ng kahit ano na pumapasok sa isip ko, kumakanta at nakikinig ng music, nag-explore ng mga bagong bagay na gusto kong gawin, at pumunta sa mga bahay ng aking mga kaibigan para bisitahin sila.

Isang araw, wala akong masyadong ginawa pagkatapos kong tapusin ang mga gawaing bahay kaya naglakad ako papunta sa bahay ng kaibigan kong si Phlynda, ang aking matalik kong kaibigan.

Kumatok ako sa kanilang pintuan at nang binuksan niya ang pinto ay nakita ko siyang nakamake-up. Nagsuot siya ng shorts, oversized na rainbow t-shirt at apron.

Si Phylnda ay isang bakla. Flynn ang totoong pangalan niya. Iniba niya lang ang spelling kasi gusto niya panibagong dating na naman. Masyadong ma-arte ang baklang—uh I mean, babaeng to.

"Hi ghurl!" Sabi ko.

"Jusmeyo marimar ka, Jadhey. I miss you so much na Tey!" Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Sinuklian ko din siya ng yakap.

Best friend ko siya simula nung kinder pa kami. Girly na siya noong una ko siyang nakita; at palagi siyang binu-bully ng mga lalaki dahil doon. She told me that she was at her lowest during those times she was bullied for being who she truly is. The old me naman, naawa ako sa kaniya dahil inaway siya ng mga lalaki noon. Kaya tinulungan ko siyang i-comfort, i-embrace at mahalin kung sino talaga siya kaya naging best friends kami. Tinulungan ko din siyang i-defend ang sarili niya sa mga bullies at balewalain lang sila. Dahil doon ay naging malakas ang samahan namin. Nandiyan din siya nung time na ako na naman ang nangangailangan ng tulong kasama si Jheniyah. Dahil doon ay mas lalong nag-develop ang friendship naming dalawa.

E kasi naman, nung una ko siyang nakita, ang unang impression niya ay iba siya sa lahat... napaka-unique niya. Plus, strong and beautiful with a heart din si Phlynda dahil sa dami ng kaniyang pinagdadaanan, pinipili niyang lumalaban at nagsisikap para tuparin ang kaniyang mga pangarap sa buhay. People discriminating her about her gender doesn't stop her from achieving what she wants to be in life; and I admire and respect her for that.

"Musta ang life sa Manila ghurl—ayy, pasok ka muna. Perfect timing kasi gumawa ako ng cookies." Sabi niya at pumasok sa bahay nila.

Malapit sa ilog ang kanilang bahay kaya minsan ay sumakay ako sa kanilang bangka at nag-explore sa ilog na may maraming mga alitaptap tuwing gabi.

Pumasok ako sa kanilang pamamahay at napagtantong may konting pagbabago ang interior. Tumingin ako sa mga pictures sa pader at nakita ko ang mga photos naming dalawa nung gumraduate kami ng kinder, nung gumala kami sa mga pasyalan sa barangay namin at sa bahay. Dahil doon ay napangiti ako. "Thank you ghurl." Sabi ko nang binigyan niya ako ng cookies.

Umupo ako sa sofa at nakaharap sa kaniya. "Musta ang Manila life Tey? Miss na miss na talaga kita." Sabi niya at nagpa-cute pa.

I smiled. "Okay naman. Hindi ako sanay pero maganda naman doon." Sagot ko.

"Mmm... Mukhang maganda ang buhay mo doon ah. Hindi ka na nag-update sakin, Sis."

"Busy ako usually nung panahong iyon kaya wala akong time mag-update." Sagot ko.

"Teka, saan pala si Lor?" Tanong ko sa kaniya, tinutukoy ko si Flora na kapatid ni Phlynda. Isa siyang tomboy na mas bata pa sakin ng ilang taon.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon