Chapter 24

27 2 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

Chapter 24:
"HOME"


"P*t*ng*n* MJ! Saan ka ba nanggaling?! Alalang-alala kami sa'yo ni Jhen!"

Nang makarating ako sa condo ay agad kong nakasalubong ang galit na boses ni Luna. Pero nang makita niya ako ay natigilan siya at nagulat sa porma ko—basang-basa at nabasag, nagkapira-piraso.

"MJ!" Tawag ni Jheniyah at tumakbo patungo sa'kin at alalang tiningnan ang kalagayan ko. She kept caressing my cheeks and fixed my hair while looking at me with her eyes full of sorrow.

"Anong nangyari, bunso?" Tanong ni Jhen at niyakap ako. Nang nagawa niya iyon, tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Tuloy-tuloy ito hanggang sa niyakap ko si Jhen, hindi kayang tiisin ang sakit na naramdaman ko. Lumapit si Luna sa'kin at sumali sa'min ni Jhen.

"Iiyak mo muna 'yan lahat, MJ." Bulong ni Luna at hindi na sila nag-abalang tanungin kung ano talaga ang nangyari kanina.

"Basang-basa mo, MJ. Maligo ka muna. You might get sick." Sabi ni Jhen at tumayo patungo sa kusina. "Luna, bigyan mo siya ng towel. Ipaghanda kita ng sikwate." Utos ni Jhen kay Luna at agad kumilos.

Tumayo na din ako at sumunod kay Luna. Dumeretso ako sa bathroom at habang naliligo ako, binigyan ako ni Luna ng towel. Naligo ako for about five minutes at agd dumeretso sa kwarto para magbihis. Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para sa sikwate na hinanda ni Luna para sa'kin.

As I took a sip from my cup, I tried to calm myself down and avoid tearing up too much gaya kanina. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Napakasakit, napakasakit maramdaman ang pinagtaksilan ka sa taong minamahal mo. Parang unti-unting nawala ang kulay ng mundo at sinaksak ng maraming beses sa puso.

"Jhen. Luna." Tawag ko sa kanila at agad naman silang napalingon, tinitingnan ako na para bang handa sila makinig sa nangyari kanina.

"Pwede ba tayo umuwi ngayon? Gusto ko nang umuwi sa Bohol." Sabi ko sa kanila.

Natigilan sila. "T-teka, medyo napaaga ka ah. Akala ko sa katapusan pa ng Marso tayo uuwi. At anong nangyari? Bakit nagka-ganiyan ka bigla?" Takang tanong ni Luna.

Ayaw ko talagang pag-usapan bakit. Sa totoo lang aski, ayaw ko nang makita si Leo dito sa Manila at sa ibang sulok ng mundo. Malaking tyansa talaga na magtagpo kami dito. It feels so heavy to even think of him, let alone seeing him again.

"G-gusto lang ko muuli. Gimingaw nako nila Mama." Palusot ko, pero partly I am telling the truth. Miss na miss ko na sila.

*Translation: "Gusto ko lang umuwi. Miss ko na sila Mama."*

Napabuntong-hininga sila. "Alam namin 'yon. Miss na miss ko na din sila Mommy, Daddy, at si Sol; But I'm sure you have other reasons. I'm sure something's not right with you and Leo." Sabi ni Luna, tila hindi kumbinsido na 'yon lang ang rason ko.

"Luna. Let her be. I mean, maybe hindi pa siya handang sabihin 'yon. 'Wag natin siya piliting sagutin. Maybe she doesn't have the heart to say it yet." Jhen responded.

"Oh come on. Gusto ko lang siyang tulungan ah."

"Alam kong may good intentions ka Luna. But we don't even know ano ang rason bakit siya nagkaganito. It's up for her to decide to tell or n—"

"Hiwalay na kami ni Leo." I said then silence conquered the room.

Nakita ko ang kanilang mga mukha, natigilan sa sinabi ko. "Ano?" Luna ang nagsabi, hindi makapaniwala sa narinig niya mula sa'kin.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon