Chapter 17

34 2 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 17:
"SEVENTEEN"

Ever since then, Leo and I started to grow close again na para bang wala lang iyong halos dalawang buwan na hindi nagka-imikan. And we had it without explaining everything from each other. Wala naman kaming nararamdaman na galit sa isa't-isa. Hindi ko talaga alam paano nangyari iyon but I'm just glad to have that bond that we used to have back kaya hindi ko na binigyan ng pansin iyon.

But this time, it turned out to be much better to the point he would always let me visit his condo after my work at the cafeteria bago ako pumunta sa convenience store para magtrabaho sa night shift. He'd also visit sa'min pero minsan lang iyon dahil nahihiya daw siya nina Luna at Jhen. Mas gusto niya kasi na ako lang daw ang kasama niya.

Dahil doon ay hindi na ako kadalasan maka-uwi sa condo. I would sometimes even sleep at his place when I get too sleepy or tired, and scared to go home by myself. Leo never failed to make me feel safe; just like he promised me. Doon ako sa guest room natutulog dahil maiilang ako at hindi din ako papayagan ni Mama na lalaki ang katabi ko matulog.

Kaya umaapaw ang hiya sa aking sarili dahil hindi na ako madalas umuwi, dahil hindi na ako araw-araw maliligo dahil sa kulang ng oras ng tulog ko.

Isang araw, nagtrabaho ako sa convenience store since shift ko ngayon. Habang nasa counter ako ay tumingin ako sa CCTV or mag-cellphone dahil wala naman akong magagawa.

Nakakapagod dahil malapit na alas dose sa hatinggabi; at nabuhayan ang sistema ko nang tumawag si mama sakin.

Bakit hindi pa siya tulog sa oras na ito? I thought to myself.

"Oh Ma. Bakit gising ka pa?" Tanong ko kay mama.

[Ichecheck ko lang sana kung tulog ka pa ba hanggang sa sinagot mo ang tawag ko. Ako dapat ang magtanong niyan.]

"Ah. Trabaho ma." Maikling sagot ko.

[Teka, saan ka ba nagtrabaho anak? E medyo na overtime ka a.]

"Sa 24/7 convenience store ako sa gabi tapos sa umaga naman ay sa isang cafe." Sagot ko.

[Anak naman.] Sabi ni mama. Yung tono niya ay parang hindi niya nagugustohan ang sagot ko. [Hindi mo naman kailangang iover-do mo'to e. Kaya kong magbigay ng sapat na pera padala diyan para sa pag-aaral mo.]

"Ma, gamitin mo na lang ang perang naipon mo para pangangailangan niyo diyan. Nag-iipon din ako dito para matulungan ka sa mga gastusin at gusto ko ding mag-ipon para sa sarili ko. Tsaka, gusto ko ding masanay na magtrabaho habang bakasyon pa." Sagot ko.

Bumuntong-hininga si mama. [Nag-alala na ako sa kalusugan mo anak. Kulang ka na ng tulog. Baka magkasakit ka niyan. Wala pa naman ako diyan para mag-alaga sa'yo tapos yung mga kaibigan mo, may sariling mga gawain diyan. Tsaka, gusto ko na mag-enjoy ka din diyan habang nasa Manila ka.]

"Ma, ayaw kabalaka kay dili ko maghimo ug mga butang nga makapadagdag sa imong mga problema. Alagaa lang ang inyong kaugalingon diha ug mga sunod semana, makapadala kog kwarta bisag ginagmay ra para makatabang sa mga bayronon diha or inkaso nga naay emergencies. Nya, nag-enjoy man sad ko diri, samot na kay naa akong mga amigo." Sagot ko.

*Translation: Ma, wag kang mag-alala dahil hindi ako gagawa ng mga bagay na makadagdag sa mga problema. Alagaan mo lang ang inyong sarili at sa susunod na linggo, makapadala ako ng pera kahit konti lang para makatabang sa mga gastusin diyan o kung sakaling may emergencies. Tsaka, nag-enjoy naman ako dito, lalong-lalo na kapag kasama ko ang aking mga kaibigan.*

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon