Chapter 26

27 2 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 26:
"THE ONE"


Nang makita ko ang text na iyon, natigilan ako saglit, pina-process kung totoo ba talaga tung nakita ko. Ilang beses kong pinikit ang aking mga mata at tiningnan ang text kung totoo ba o hindi. Sinasampal ko ang aking pisngi at kinukurot ang aking braso para siguraduhin na hindi ako nananaginip. Pero hindi! Hindi ako nananaginip!

Napatayo ako sa aking kama at napaharap sa salamin, tinitingnan ang sarili ko. Hindi ko nakikita ang sarili ko na isa akong magandang babae gaya ng akala nila sa akin, lalong-lalo na sa mga lalaking matataas ang mga standards gaya ng mga mayayaman at gwapong lalaki gaya nina Leo at Amadeus. There's nothing good in me that'll suit their type or taste; kaya masasabi kong swerte lang ako na may nagka-gusto sa akin, lalong-lalo na kapag siya ay isang varisty basketball player, ang isang heartthrob ng campus, at ang isang maginoong lalaki na type na type ko.

But back to Amadeus specifically, we don't know each other like childhood best friends. WE LITERALLY JUST MET! And why does confessing to a girl seem so easy for him? Why did he confess so easily and so early then?

In situations like these, I deal guys having feelings or someone confessing to me seriously. Minsan, napatanong ako sa sarili ko bakit sila nagka-gusto sa akin kahit hindi ako maganda at sexy. Napaisip ako na baka gagamitin o lolokohin lang ako sa huli. Pero sa huli, lahat ng mga lalaking nag-confess sa akin, hindi ako nagdadalawang-isip na i-reject sila; it's because isa lang ang lalaking gusto ko nung panahong iyon.

Balik sa reyalidad, pagkatapos ng 'confession' ni Amadeus, maraming pang mga katanungan ang bumuo sa isipan ko. Pero sa kabila ng mga sinabi niya, pinili kong magbuntong-hininga ako at tiningnan ulit ang text. Then, nagbubulong ako sa sarili ko:

"Hindi 'to totoo. Nagbibiro lang 'tong si Amadeus."

Yes yes, nagbibiro lang si Amadeus, MJ. Don't overthink. Don't assume. Ikaw lang naman ang masasaktan kung mag-aassume ka.

Bumalik ako sa reyalidad nang napagtanto kong magwawalis pa pala ako sa iba't-ibang sulok ng bahay. Tumayo agad ako at inayos ang aking higaan. Pagkatapos ay nilinis ko ang aking mga gamit at nagwalis sa aking kwarto. Pagkatapos ay nagwawalis ako sa sala, kusina, at sa terrace. Napag-isipan kong mamaya na lang ako magwawalis sa aming bakuran kasi mainit na ngayon para magwalis sa labas. Tsaka, hindi naman masyadong madumi ang bakuran dahil nilinis naman iyon nina Mama at Tita nung mga nakaraang araw.

Binuksan ko ang mga bintana sa bahay dahil ayaw namin na masyadong mainit ang bahay. Habang ginagawa ko iyon ay nagluluto na sina Mama at si Tita Lexi ng aming almusal since iyon naman ang kadalasan nilang gawain. Si Seo Young at si Seo Joon ay natutulog pa sa kanilang kwarto.

Pumunta muna ako sa terrace at naglinga-linga sa lugar. Ang ganda talaga ng tanawin at presko pa ang hangin. Walang masyadong usok ang makita dito dahil bihira lang ang mga trak na pupunta at dadaan dito. As I look around the place, my eyes widened as I saw someone from the distance, catching the eyes of many people. Nagsuot siya ng black t-shirt, blue jeans at rubber shoes. His looks were new to the people here. They never saw a man like this rich-looking, coming to a simple place like this. People were whispering around him, asking themselves who that man is; but they whispered even more when they see him walking to our house and smiled at me.

"Good morning, MJ." Bati niya sa akin.

"A-Amadeus, anong ginawa mo dito?" Takang tanong ko sa kaniya.

"I wanted to know more about you and that's why I'm here. I forgot to inform you about me coming here last night. My apologies." Sabi niya. "I must've surprised you or something."

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon