Chapter 22

22 2 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 22:
"FIGHT (WITH) YOU"


Leo has been busy since malapit na ang kaniyang graduation. I gave him space to work on his remaining tasks while I also did my remaining tasks in the final semester of the year.

But I saw him change a lot, lalong-lalo na sa kaniyang personality. I can sense that he's stressed. Dahil ata sa mga projects at tasks na kailangan niyang i-submit. At nag-alala naman ako dahil makakaapekto iyon sa kaniyang kalusugan.

Knowing that he has no time to make himself happy, naisipan kong ayain ko siyang mag-date sa isang restaurant.

"YAM, punta tayo sa mall. Let's date." Sabi ko sa kaniya. I thought kasi na kung mag-date kaming dalawa, baka gagaan ang loob niya. Sabik na sabik na akong makasama siya muli.

"I'm busy YAM. Maybe next time." Sabi niya at nagpatuloy sa kaniyang ginawa. Binisita ko siya dito sa apartment since wala akong magawa sa condo; at gusto ko ding makasama si Leo, kahit presensya lang niya, okay na ako.

Pinagbigyan ko na lang siya dahil mukhang busy naman talaga siya. Ako na lang ang nag-offer magluto ng kaniyang paboritong ulam para man lang makafocus siya sa kaniyang ginagawa. Pinagtimpla ko din siya ng kape at bumili ng tinapay across the street for him to focus.

Pero sa huli ay nakita ko siya na konti lang ang kinain niya sa mga pagkaing hinanda ko para sa kaniya. Ilang oras ang nakalipas ay hindi pa rin siya kumakain and he was busy. "YAM, nag-alala na ako sa'yo. You should eat." Tatlong oras na kasi ang nakalipas since lunch time. "You shouldn't starve yourself. Mag-focus ka diyan mamaya."

"Teka lang, tatapusin ko muna 'to."

"Pero YAM, it's three hours past lunch time. Alam mo namang 'di ko gusto na late ka sa lunch m-"

"JUST LET ME BE! LEAVE ME ALONE!"

Natigilan ako sa pagsasalita nang sinigawan niya ako. I sighed and just keep myself distant from him by reading one of his books na nasa bookshelf. I see na hindi pa niya inayos yung mga libro sa kaniyang bookshelves one year ago na ang nakalipas. It was like his reminder of how I confessed my love para sa kaniya.

Palagi ko siyang inaaya na mag-date whenever I have the chance, kahit sa pagpunta lang sa kaniyang apartment para makasama man lang siya; but he always gives me various replies:

From: ♡YAM♡
Busy ako.

From: ♡YAM♡
Not today please. Let's do it another time.

From: ♡YAM♡
I have other plans.

I suddenly feel a bit lonely dahil doon. To cure it, I decided to go with my friends instead. Nabaguhan sila bakit hindi ko kasama si Leo recently pero sabi ko sa kanila na busy siya at may iba siyang mga plans. Totoo naman iyon. I just hope na hindi na magiging ganito during vacation na. Nami-miss ko na kasi siya.

One day, pumunta ako sa kaniyang apartment without telling him dahil gusto ko sana siyang sorpresahin at gusto kong makasama at makausap siya. Ilang linggo na kasi ang nakalipas and we haven't been the same anymore since we confirmed our friends tungkol sa relasyon namin.

"Y-YAM, anong ginawa mo dito?" Tanong niya, halatang hindi niya inaasahan ang presensya ko. He doesn't seem to be happy about it either.

"I just came to surprise you. Nami-miss na kasi kita at gusto kong tulungan ka whenever you need something." Paliwanag ko sa kaniya. Dalang-dala ko pa ang sketchpad ko dahil umaasa ako na magguguhit kami. I also brought his favorite snacks.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon