Chapter 35

29 1 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 35:
"ONCE AGAIN"

-FLASHBACK-

"Kinakabahan ako, Kuya Zacc." Kinabahang sabi ko habang tiningnan ang mga madla galing sa backstage. Kasama ko ang buong BEST Band ngayon. Lahat ng myembro maliban sa'min ni Kuya Zacc ang nasa front stage, nagtutulungan sa pag-set up ng kanilang mga instruments. 

Tiningnan ako ni Kuya Zacc habang inaadjust ang mga tuning pegs sa kaniyang gitara. He lightly smiled. "Let me guess, first time mo bang mag-perform sa labas ng school?" Tanong niya.

Hindi ko masabi na ganun dahil naranasan ko nang mag-perform sa labas ng school. Kinakabahan ako dahil ang daming tao; to make things worse, kadalasan sa mga kanila ay mga tao galing sa ibang bansa. Ang dami pa nila. 

Tiningnan ako ni Kuya Zacc at patuloy na tinapik ang aking likod habang nakangiti sa'kin. Si Kuya Zacc kung ngumiti, parang isang ball of sunshine. "Natural lang naman na kabahan ka, MJ. Everyone gets stage-fright when they perform." Sabi niya.

Ngumuso ako. "Ang dali lang sa'yo sabihin 'yan dahil may experience ka sa mga ganito." 

He chuckled. "And what did you think I feel when I first perform on stage with no experience at all?"

Napatingin ako sa kaniya. "Kinakabahan ka din sa mga ganito?" Tanong ko.

Nang tinanong ko siya ay napatawa siya. "Syempre. Lalong-lalo na nung una kong hinawakan ang mic sa harap ng madla. Sobrang kinabahan ako noon na muntik akong maiihi sa harap ng stage." Tawang sabi niya. When he said that, napagaan ang loob ko dahil nagbibigay siya ng positive vibes. Napatawa ako ng konti sa kwento niya. 

"But kidding aside. Natural lang ang nararamdaman mo. Even I get nervous or stage-fright every performance. Pero dapat nangingibabaw ang confidence mo and conquer your stage-fright." Sabi niya. 

"Alam mo ba ang rason bakit ikaw ang piniling one and only female vocalist out of all na mga singers sa club?" Tanong niya. Come to think of it, after performing with them for a year, they never had a female singer except for me. Ako lang ang pinili ng aming music teacher na music coordinator din sa campus na maging female singer pagkatapos ng performance ko sa acquaintance party; pero hindi ko alam bakit. As a result, umiiling ako, hindi alam ano ang isasagot sa kaniyang tanong. 

"You're chosen because you're the best singer in the club. Kwento ni Ma'am Castro sa'kin na you've been in that club since elementary at nasaksihan niya kung gaano ka kagaling mag-perform at kumanta. She chose you because she believed in you and your talent. Tinulungan ka lang namin na talunin ang stage-fright mo." Paliwanag niya.

He then smiled gently. "Alam mo, you remind me of my childhood best friend whom I met at a small kindergarten school. He's just like you; he gets nervous nung panahong iyon dahil first time niyang magperform sa harap ng maraming tao. Pero nagawa niyang i-conquer ang kaniyang takot sa stage dahil sa mga simpleng rason... Way simpler than mine..." Kwento niya.

In addition to his story about sa kaniyang kaibigan, gagkaibigan sila since kindergarten dahil seatmates sila at kasama pa sa mga theatrical plays sa kanilang old school. He told me that he has been desperate for his parent's attention dahil nakakita daw siya ng mga movies at pictures ng mga bata na kaedad niya na kasama ang kanilang mga magulang. 

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon