Chapter 27

26 2 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 27:
"WE MEET ONCE AGAIN"


"Maginoong lalaki ang Amadeus na 'yon noh? Paano mo siya nakilala Jading?" Tanong ni Tita sa akin habang kumakain kami ng hapunan. Bukod ni Tita ay kasama ko din si Mama at mga pinsan ko. Umuwi si Amadeus kaninang hapon kaya hindi namin siya nakasama ngayong hapunan.

Kinuwento ko sa kanila ang buong pangyayari at masasabi kong nabaguhan sila kasi doon pala nila nalaman na kamakailan lang kami nagkakilala ni Amadeus. Sinabi ko din sa kanila kung gaano sila ka-related ng kaibigan kong si Kuya Zacch. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na magkapatid silang dalawa. No wonder he's familiar. He looks like Kuya Zacch, pero mature lang. Sinabi ko din sa kanila na in-love talaga sa akin si Amadeus kahit sa konting oras na pagkakilala namin.

"So nung una namin sila nakita dito, kakakilala niyo pa lang doon?" Tanong ni Seo Joon sa akin. Tumango naman ako senyales na tama iyon. Hindi makapaniwala si Seo Joon sa sagot ko.

"At sinabi pa niyang nais niyang manligaw sa'yo sa harapan ko? Padaloy-daloy siya ah. Remember ang agreement natin patungkol sa mga manliligaw, MJ." Seryosong sabi ni Mama sa akin. Napalunok ako at tumango. Hindi ko pa rin sinabi nina Mama na may jowa ako noon. Natatakot pa rin akong sabihin sa kaniya dahil paniguradong magagalit 'yon kapag malaman niya.

Ikaw kasi, MJ. Wala kang control sa sarili mo kaya hayaan mo lang na maging kayo ni Leo na hindi mo man lang iniisip ang masasabi ng Mama mo sa'yo. Hala ka, MJ. Lagot ka! Sabi ko sa sarili ko.

"Pero college na si Unnie Tita. Bakit hindi pa siya pwede na nasa tamang edad naman si Unnie para mag-entertain ng mga suitors?" Tanong ni Seo Young.

"Hindi para sa akin, Young-ah." Sagot ni Mama. "Pwede lang magka-crush ang Ate MJ niyo pero hindi pa sa mga panliligaw o pagjojowa. Kapag may trabaho na ang Ate MJ niyo, she can enter a relationship with someone." Dagdag pa niya.

"Pero kung si Kuya Amadeus ay nais mangligaw kay Ate, papayagan mo ba?" Tanong ni Seo Young. "Sabi mo kasi sa akin na okay lang naman siya."

"Pero hindi iyon ibig sabihin na payag ako na mag-enter ang Ate MJ niyo ng ganiyan." Sabi naman ni Mama.

"It's MJ's decision to let him or not. Besides, MJ is not a child anymore. And Amadeus seems to be a great guy." Pumasok si Tita Lexi sa usapan.

"Lexi." Tawag ni Mama kay Tita, tila nagsasabi na dapat nasa side ni Mama si Tita.

"Don't be too hard sa pamangkin ko, Unnie. Pinalaki mo siya na isang mabuti at masunuring anak. Let her experience some things to at least give spice in her life. You even had your first and last relationship since high school at nilabag mo pa sina Mom at Dad noon ng maraming beses." Sabi ni Tita at natahimik naman si Mama.

Nakita kong hindi masaya si Mama sa sinabi ng kaniyang kapatid. "'Don't shift the topic at 'wag mong i-bring up ang past ko, Lexianne. And don't even try to parent my daughter when you have your own pair of twins. I did this for her own good. At tama ka, hindi ako naging masunurin nina Mom at Dad for a lot of times and I'm lucky MJ never disobeyed me like how I used to. Kaya nga ginawa ko'to dahil ayaw kong gawin niya ang parehong pagkakamali na ginawa ko noon, which was the worst mistake I ever made." Sabi ni Mama at agad umalis sa hapag-kainan.

"U-Unnie... Don't say that." Hinang sabi ni Tita Lexi at napatingin sa akin. Hindi ko naintindihan ang kanilang pinagsasabi at napabuntong-hininga siya. She smiled a bit sa akin at umalis na din, tila para sundin si Mama at kausapin siya.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon