Chapter 30

22 2 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 30:
"REMINISCE: SAFE WITH HIM"


[Did you get home safe?] Tanong ni Leo sa akin about five minutes pagkatapos niya akong hinatid sa highway. Bago siya umalis, sabi niya na magvideo-call kami habang naglalakad ako patungo sa bahay para siguradong ligtas ako. Ayaw ko sa desisyon niyang iyon pero hindi daw siya aalis kung hindi ko gagawin ang gusto niya. 'Concerned and worried' daw siya kaya sumang-ayon na lang ako para lang umalis siya.

Malapit na mag alas sais nang nakarating ako sa bahay. Dumeretso ako sa kwarto at pinababa ko ang volume para hindi nila marinig ang boses ni Leo. Nang pumasok ako sa kwarto, agad kong in-off ang camera para magbihis na ako sa aking pangbahay na suot.

"Kararating ko lang." Maikling sagot ko.

I heard a sigh of relief. [Good. You can never be too safe these days especially in the night.] Sabi niya.

"Sinabi mo bang hindi ako ligtas sa barangay namin? Na mapanira ang mga tao na nakatira dito?"

[I didn't say that. It's just that, I'm worried that something bad might happen to you while I'm away.] Sagot niya.

"Hoy. Feel ko nga mas ligtas ako kung wala ka e. Tsaka, tigilan mo ang pagiging concern mo sa akin. OA nito." Sabi ko sa kaniya habang inaayos ang aking damit at niligpit ang aking maliit na bag na dinala ko kanina.

[Alam ko namang hindi mo kailangan ng care at concern ko. Pero hindi ko lang mapigilang mag-alala para sa'yo. Especially dahil babae ka, who knows what will people do to you sa daan.]

"Hoy, just because I'm a woman, it doesn't mean that I'm weak that I can't protect or defend myself. Tsaka, tigilan mo ang pagiging concern mo sa akin kung ganoon dahil ikaw lang ang malulugi sa ginagawa mo. Kilala ko ang mga tao dito sa amin. They mean no harm." I said. Pagkatapos ay umupo ako sa aking kama dahil katatapos ko lang sa pagligpit ng aking mga gamit.

[I'm not saying you're weak. Ayaw ko lang na may masamang mangyayari sa'yo. And you may know something about your neighbors, but that doesn't mean you know everything. What if you encounter them drunk, maniac, or even a killer. Tsaka, may mga bagay na hindi mo matitigilan kahit gaano pilitin. Gaya ng pag-alala ko sa'yo.] Sabi niya. He sure talks a lot.

"HAHA! Funny mo noh? Masyado kang paranoid that you even thought my neighbors could be a crazy murderer. Maraming mga bagay ang pwedeng matitigilan; gaya ng pagiging paranoid mo at sa pag-alala mo sa akin." Sagot ko.

[You're right. Baka paranoid lang ako. And when you said na maraming mga bagay na pwedeng matitigilan, does that include the hatred you feel on me?] Tanong niya, dahilan para matigilan ako. [Things will be stopped. No matter what. That's what you just said...]

[I guess that includes your hatred on me after all.] He said. He seems to be happy, dahilan para mapikon ako.

H-hoy! Exception kaya iyon! I'll still hate you! Patuloy ako sa pag-hate ko sa'yo, b*w*s*t ka! Hindi ako magsasawa, as in!

"H-hoy! Hindi ah! Never!" Depensa kong sabi.

[You can never be too sure.] Tuksong sabi niya.

"I hate you, b*w*s*t ka." Galit at pikon kong sabi.

[Yeah, right.] Sabi niya. [I have to go. May aasikasuhin pa ako.]

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon