Chapter 15

28 3 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 15:
"MY TWO LIFETIME FIRSTS AND ONE REASON TO STAY"


Months after the Christmas break is the end of the school year. Good thing we did great kaya proud ang parents namin dahil ang ganda ng aming academic performance namin. Nagdiriwang pa nga ang mga kapamilya ko sa Bohol dahil sa achievement ko.

For the whole two months of vacation, nag take ako ng summer job sa isang café sa umaga tapos sa gabi naman ay sa isang 24/7 convenience store para matulungan si mama sa gastusin sa bahay.

Kamakailan pa lang ako nagtatrabaho sa convenience story nang isang gabi, sumakay ako sa isang taxi papunta sa condo nang makita ko si Leo na lumabas galing sa isang bar, lasing na lasing.

Napalingon pa nga ako sa likod to make sure if siya ba iyon. After confirming it was him, nagbibigay senyales ako sa driver na itigil ang sasakyan.

"Manong, hinto muna tayo dito. Babalik lang ako." Agad sinunod ni Manong ang utos ko at agad akong lumabas at tumakbo patungo sa kaniya. Agad ko siyang tinulungan na tumayo pero ang ginawa niya lang ay kumakanta ng kung ano-ano; usually songs from bands.

May nakita akong isa sa mga staff doon at lumapit siya sa akin nang makita niya ako.

"Miss, boyfriend niyo po ba ang lalaking 'to?"

"Hindi. Kaibigan lang." Sagot ko.

"Sobrang lasing niya, Miss. Sinabihan na namin siya na masyadong marami na siyang nainom pero hindi siya nakinig." Sabi ng waiter at tinuruan pa niya ang isang round table, punong-puno ng mga botilya. "Inubos niya po lahat iyan." Sabi ng waiter dahilan para mapanganga ako sa gulat.

The table is literally filled with bottles of beer, all empty.

Ganoon karami ang nainom niya?

Napatingin ako sa kaniya na patuloy pa rin sa pagkanta. "Ano bah talaga mas gustoh ko~" He sang and waves his hand as if parang siya'y nasa isang concert.

"Nabayaran na ba lahat ng iyan?" Tanong ko sa waiter at tinuro ang mga botilyang nasa mesa.

"Tapos na maam. Masyadong malaki ang binayaran niya. In fact, may sukli iyon pero sabi niya ikeep na lang daw ang change."

Hindi ganito si Leo kapag uniinom dahil kahit high ang kaniyang alcohol tolerance ay may full control siya sa kaniyang sarili. Kahit pa may pinagdaanan or whatsoever, he usually has full control of himself and not getting himself too drunk.

Pinilit kong umakbay si Leo sa akin kahit mabigat siya. "Sige. Ako na po ang bahala sa kaniya." Sabi ko sa waiter.

"Sige ma'am, mag-ingat po kayong dalawa." Tumango ako at naglalakad kasama si Leo patungo sa taxi na ngayo'y nahirapang maglakad ng maayos.

Imbes na uuwi ako sa condo, sa apartment na lang nila Leo ako matutulog dahil kailangan kong iuwi si Leo sa kanila. Itetext ko lang mga kaibigan ko na bukas na ako uuwi.

I have to take care of Leo first. Because from the looks of it, he needs me more than anyone else.

Nang nakarating na kami sa apartment ay agad siyang pumunta sa CR at sumuka. Nandiyan lang ako sa kaniyang sala, nakaupo sa couch.

Lumilinga-linga ako sa paligid and he keeps his place clean as always. Naisipang pumunta sa kusina at kumuha ng tubig para sa kaniya. Pagkatapos ay pumunta ako sa CR at naghintay hanggang sa matapos na siya sa ginawa niya.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon