Chapter 20

32 2 1
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 20:
"YOURS AND MINE"


"Ma'am. Ako na po ang magbubuhat diyan."

Iyon ang sabi ng isa sa mga lalaki na nakasalubong namin nang pinarada ni Leo ang kaniyang sasakyan sa harapan namin.

Paglabas ng lalaki ay binigay na lang din namin ang mga gamit namin at sumakay kami sa pick-up truck ni Leo. Siya na ang nagmamaneho.

May iba din siyang mga kasama na tila mga blockmates niya. Medyo familiar kasi ang kanilang mga mukha.

"Happy birthday Leo. Salamat sa pag-invite sa'min ah. It's been a while na kasi since I last went to a resort." Bati ni Luna kay Leo at kinawayan si Leo. Bumati din si Jhen.

"Happy birthday Leo." I said.

Napangiti naman siya. "Thank you."

Looking at the people around, nagtataka ako bakit wala sina Lyn at si Jeiffer.

"Sakay na kayo Ma'am." Sabi ng lalaki at tinulungan niya sina Luna at Jhen na makaakyat sa likod.

"Ma'am. Doon na lang kayo sa shotgun seat, tabi ni Sir Leo." He said in a seemingly teasing yet friendly tone.

From the way na tinawag niya si Leo na 'Sir', it made me think that he's working for him.

After remembering what I saw last night, nadidisgust akong makita man lang si Leo. In the first place, I want to go sa resort dahil gaya ni Luna, it's been a while since I last went to one. Pero nang makita ko sila, parang ayaw ko nang pumunta dahil parang determinado na talaga ako na makamove-on kay Leo to the point na kahit kaarawan niya, gusto kong 'di pumunta... Pero pinilit ako nina Luna at Jhen dahil sabi nila kay Leo na pupunta talaga sila and they don't want to break their promise sa kaniya. Sinabihan ko sila na sila na lang pupunta pero ayaw nilang pumunta kapag wala ako. Kaya ayun. Mapilit kasi 'tong mga kaibigan ko.

Hays.

Umiiling ako sa lalaki. "Dito na lang ako sa likod... Kasama mga kaibigan ko." Sagot ko sa lalaki.

"Ay MJ, dito kami sa loob kasi masisira hair-do namin." Sabi ni Luna at inayos pa ang kaniyang buhok.

"Same. Mainit din." Si Jheniyah ang nagsabi. "Doon ka na lang sa shotgun seat."

Ayaw ko talaga doon. Makatabi ko si Leo. Umiiling ako.

"Ay sure ka ma'am? Mainit pa naman." Sabi niya at tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang kamay dahil sa init.

Umiiling ako, ayaw ko talagang makatabi si Leo. "Okay lang. Dito na lang ako sa likod. Gusto ko kasi mahangin." Palusot ko. Tsaka, parang mas gusto mong umupo diyan sa shotgun seat at makatabi si Leo kesa sa'kin e. Baka happy crush mo si Leo. Charot.

"O sige. Hiramin mo na lang 'tung sombrero ko para naman 'di magiging kamatis yang mukha mo dahil sa init." Sabi ni Luna at binigay sa'kin ang kaniyan sombrero.

Ngayon ay bumiyahe kami patungo sa resort kung saan doon ang venue sa birthday ni Leo. Nasa isang pick-up truck kami nakasakay at si Leo. Nasa likod ako, kasama ang limang blockmates niya. May iba pa siyang na inimbita pero sa ibang sasakyan na sila, nakasunod sa'min.

Medyo madami palang naimbita si Leo... tapos puro mga seniors namin. Kami ata ang pinakabata dito.

While travelling to Bataan, I heard Luna and Jhen, making friends with the guy from earlier. That's when I learned his name is Jonathan. He seems to be a nice guy and always close to Leo. Ano kaya meron sa kanila?

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon