Chapter 2

33 3 0
                                    

MLS: YOU'RE THE ONE

CHAPTER 2:
"THE MAN WHO GAVE COLOR TO A BLANK PAPER"


"MJ, vanilla ice cream yung sa'kin." Sabi ni Luna.

"Chocolate yung sa'kin." Sabi naman ni Jheniyah.

Nasa mall kami ngayon. Dito kami dumeretso pagkatapos ng art session na naging sanhi bakit nandoon kami sa paaralan kanina. Kumuha ako ng pera sa aking wallet pambayad sa medium-sized na ice-cream na ililibre ko sa kanila at sa aking sarili.

Kinuha ko ang singkwenta pesos galing sa wallet ko at binigay iyon sa store owner. "Isang medium-sized vanilla, chocolate at mango ice cream po kuya." Sabi ko sa kaniya at tumango ito.

"Sobrang init ngayong araw. Parang hindi ko na matiis ang heat sa mundo." Maarteng tugon ni Luna.

"Naiinitan nga pero hindi naman napapawisan." Sabi ko pa dahilan para mapatawa si Jheniyah.

"Anong-Hindi naman kailangan ng pawis para masabing naiinitan ka." Depensang sabi ni Luna.

"Wala din naman akong sinabi na kailangan may pawis sa katawan para masabing nainitan ka." Reply ko naman dahilan para mapatawa na naman si Jheniyah.

"Tsk. Pilosopo ka talaga, MJ." Singhal ni Luna.

"Ano namang magagawa ko kung ganito ako?" Sabi ko pa.

Binigay samin ng lalaki ang tatlong ice cream na hinihintay namin at may kasama pang sukli. "Salamat kuya." Sabi ko sa lalaki at agad na umalis.

***

Ilang minuto na kaming naglalakad sa mall. Maraming mga tao sa paligid, naglalakad na may dalang binili, at may iba ding turista na may suot na maikli na shorts at sleeveless na mga damit o sando. Ang ganda ng mall na pinasok namin ngayon. May apat na palapag ang mall na ito at makikita mo ang mga shops sa bawat palapag.

Ang first floor ay dito matatagpuan ang grocery store department, ang mga sikat na restaurants, mga smoothie at mga refreshing stalls, bakeshops at marami pang iba. Sa ikalawang palapag naman ay maraming stores na nagbebenta ng damit, sapatos at jewelry kung saan more into clothing. Ang pangatlong floor naman ay nandoon ang mga pambahay na gamit-furnitures, gamit pang-kusina, pangdisenyo ng bahay, tiles, mga instrumento at marami pang iba. Sa ika-apat na palapag naman ay naglalaman ng mga gadgets at palaruan o maliit na amusement park para sa mga bata.

Nasa unang palapag kami ni Luna at Jheniyah kumain ng ice cream sa mga benches malapit sa stand. "Mmm... ang sarap ng ice cream." Papuring sabi ni Luna habang dinilaan niya ang vanilla ice cream na nilibre ko sa kaniya.

"By the way, saan pala tayo kakain ng lunch? 1 hour na lang, magsisimula na ang lunch." Tanong ni Jheniyah sa amin dahilan para mapatigil kami sa pagkain ng ice cream.

"Doon siguro sa restaurant na iyon." Sagot ni Luna habang tinuturo ang isang fast-food restaurant sa 'di kalayuan. Isa iyong Filipino restaurant, at favorite ko din ang restaurant na iyan dahil sa sarap ng manok at pangsawsaw. "Ako na ang manlilibre satin sa lunch kaya wag kayong mag-alala." Sabi ni Luna dahilan para mapatuwa kaming dalawa ni Jheniyah.

Si Luna ay palaging nanlilibre samin tuwing pupunta kami sa mall. Si Luna kasi ang pinakamayaman sa aming tatlo. Ang kaniyang mga magulang ang nagmamay-ari sa isang sikat na hotel dito sa Bohol at sa Cebu. Ang hotel na ito ay naging sikat nationwide at kadalasan pinupuntahan ng mga artista.

Ilang minuto kaming nasa bench na iyon nagkukwentuhan about sa mga complicated tasks at sa aming mga teachers. Nagtatawanan din kaming nagkwentuhan tungkol sa trash-talker ko noon. Binahagi ni Jheniyah iyon kay Luna since si Luna ang walang alam tungkol sa nagbubully sakin noon.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon