3

427 14 41
                                    






SexBomb 🌻 @soladidadidi • 1m
medyo tanga ako sa part na galit na galit ako pag tinatawag niya 'kong "Dawn"



SexBomb 🌻 @soladidadidi • 50s
tanga talaga amputa, meaning pala yun ng pangalan ko

Issa Not Pressman 🔒 @rissamanoban • 23s
paki-remove ng "medyo," tanga ka talaga sis



Tinapon ko ang cellphone ni mama sa kama. Nang biglang pumasok si mama sa kuwarto ko, kaagad kong ni-log out ang account ko. Nakangiti kong ibinalik kay mama ang phone niya. Mukhang naguluhan pa siya dahil bigla nalang akong ngumiti.



Kinabukasan, nakangiti akong nagtungo sa eskwelahan. Feeling ko ang special ko. Tinatawag niya akong Dawn. Ano ba, ako lang 'to!



Nakakatuwa lang dahil may isang taong gano'n ang trato sa akin. Kaya ngayon, kakaibiganin ko na talaga si David! Napaka-solid niyang tao. Feeling ko magkakasundo kami. Feeling ko bagay kaming magkaibigan. Ang dami naming similarities, e. Pero marami ring pagkakaiba. Ano naman? Hindi naman iyon ang batayan ng isang maganda at matibay na samahan!



"Solana Eos A. De Cardenas, you're late again. Punishment? You'll work for us whether you agree or not. Here, that's a late slip." Natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita si David sa harapan ko. Gago, late na pala ako?! "'Di ka exemption sa rule, sorry."



"Okay okay, hindi na po lalaban, VP. Thanks sa slip! Babush!" Nahihiya akong naglakad palayo. Perfect timing talaga!



Nang sumapit ang lunch time, hinila nalang ako ni Rissa. Pinilit niya akong dumaan sa classroom nila David. Simula noong nakita niya kami ni David na magkasama, lagi niya na akong inaasar. Nadidiri na nga ako minsan dahil nasa legal age na si David. Minor pa ako! Hindi naman 'ata tama iyon.



Pero ngayon, lumalabas na ang katotohanan. Mukhang si Rissa ang may gusto kay David. Hay, bahala siya diyan! Pero napapaisip ako kung papatol ba si David sa minor. Kung oo, nakakadiri siya. Hindi na ako makikipag-usap sa kaniya kung gano'n. Tanungin ko kaya siya? Curious na tuloy ako!



"Yiiii! Zelena pala, master David!"



"Crush daw ni Zelena si Xhaiven," David replied. "Siguro kapag binigyan nalang ako ng sign ni Lord."



"May gusto siya kay Zelena?" bulong ni Rissa. Napalingon tuloy ako sa kaniya. "'Di mo ba 'yun kilala? Ka-batch siya ni David. Maganda, mayaman, at sikat. Pero ang chismis, in love sa anak ng kabit ng tatay niya. Si Xhaiven, iyong sikat din na guwapo."



"Sabi ko naman sa 'yo, Rissa. Hindi 'yan magkakagusto sa akin. Bukod sa minor ako, hindi ako type ni David. Saka kaibigan lang din ang tingin ko sa lalaking 'yan."



"Solana?" Nahampas ni Rissa ang braso ko nang marinig ang boses ni David. "Nag-lunch na kayo?"



"Uyyy, si master papatol 'ata sa bata?" pang-aasar nung isang lalaking kasama ni David. David looked at him and I saw how his brows furrowed and his jaw clenched.



"Gawain mo ba 'yan? Ang pumatol sa bata? Man, that's disgusting. I got goosebumps. Gusto mong makulong? Kasi kaya ko 'yang gawin-"



"Joke lang naman! Masyado ka namang pressed, master!" The guy tried to touch David but the latter caught his arm. "M-master..."



To Love the DawnWhere stories live. Discover now