1

736 19 67
                                    






Q1 Assessment in Mathematics

Name: Solana Eos A. De Cardenas
Grade and Section: 10 - C
Score: 13/50



Tangina, mas marami pang mali kaysa tama. Ganito ba talaga ako ka-bobo? Simpleng equations hindi ko nasagot! Well, simple para sa iba pero para sa 'kin pang-college level na 'to. Hindi ko talaga kaya 'tong math.



Sa inis ko, pinunit ko ang papel ko. Pero kaagad ding nataranta nang maalalang ilalagay ko pa iyon sa aking portfolio! Tumakbo ako patungo sa Gate 3 at kaagad na hinarang ng guard. Hindi nga pala pinapalabas ang junior high. Parang tanga naman. Masyadong malayo ang bilihan ng school supplies sa campus. Pero no choice ako. Maglalakad na sana ako palayo nang matanaw ko si David kasama ang iilang lalaki na nasisiguro kong mga kaibigan o kaklase niya.



Hinanda ko na ang ngiti ko at masayang hinarang si David. Tumingin sa akin ang mga kasama niya, nagtataka ngunit may mapang-asar na tingin. Tinaasan ako ng kilay ni David, hinihintay ang aking sasabihin.



"Hindi ka JHS, 'di ba? Puwede bang magpabili ng tape? 'Yung clear lang. Diyan sa tindahan pagkalabas lang, meron diyan tape." Kumunot ang noo ni David at bumaba ang kaniyang tingin sa hawak kong papel. "Napunit ko kasi... Kailangan 'to sa portfolio ko."



"What's that? Is it really important? Baka naman may activity lang kayo at nakalimutan mong magdala ng tape-"



"Kung ayaw mo 'kong bilhan, sabihin mo nalang! Sinasayang mo oras ko. Porque marami kang oras!" Tumalikod na ako at bumalik sa building namin. Nakakainis talaga ang VP ng SSG!



Naikot ko na ang classroom namin pero wala ni isang may dalang tape. Mamayang 5 pm pa naman ang checking of portfolio para sa week na 'to. Siguro kaya pa naman after ng last subject ko. Papapasukin pa naman siguro ako ng guard kapag sinabi kong may ipapasa ako.



Nang sumapit ang hapon, nakatulog ako sa Science class. Math at Science talaga ang kalaban ko. History class na nang magising ako. Okay naman sa akin ang History, medyo marami nga lang sasauluhin. Pero keri boom boom naman kumpara sa Math! Filipino ang pinakapaborito ko dahil bukod sa mga kuwento o nobela, pinag-aaralan namin ang tamang paggamit ng mga salita. Sa tingin ko, importante iyon!



Natigil ang teacher namin sa pagdi-discuss nang makarinig ng katok. Ipinikit ko ang aking mata at muling ipinatong ang ulo sa lamesa. Maraming maraming salamat sa kumatok, mukhang makakaidlip pa ako.



"Good afternoon, ma'am. I'm sorry for interrupting your class. I'm here for Solana. I'll just give her something."



"Yieee!"



"Si VP?! Hala, akala ko ba single 'yan!"



"VP, 'di kayo bagay ni Sol! 'Di kayo magkakaintindihan niyan!"



"Class! Quiet!" Agad na natahimik ang buong klase sa pagsaway ni ma'am. "Ms. De Cardenas, Mr. Ponce de Leon is looking for you. You're excused. Go ahead."



Tinatamad akong tumayo at lumabas ng classroom. Natagpuan ko si David na nakasandal sa pader. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na halatang bagong biling tape.



"Ano 'yan?" Turo ko sa hawak niya kahit obvious naman na tape iyon.



"You need this, right?" Itinaas niya iyo bago inilahad sa akin. "Sorry for being rude earlier. It was supposed to be a joke and I realized that it wasn't funny."



To Love the DawnWhere stories live. Discover now