8

310 13 35
                                    






"La, kailangan mo pong kumain bago ka uminom ng gamot. Ano pong hinihintay ninyo?" Umupo ako sa tabi ni lola.



"Asan si David?" Napailing ako sa sagot ni lola. Simula noong makilala niya si David, hindi na nawala ang lalaki sa isip niya.



"La, busy po 'yun. Ako nalang magsusubo sa 'yo. Huwag mo muna hanapin si David. Nandito naman ako, e."



"Tao po?" Napalingon ako sa mababang gate at nakita si David. Ang isang 'to talaga. Tumayo ako at pinagbuksan siya. Diri-diretso naman siya papasok ng bahay. "La, kumusta?"



"Apo!" Niyakap ni David si lola nang pilit nitong abutin si David. "Sabi ko na nga ba, darating ka! Itong si Solana sabi'y huwag ka na munang hanapin."



"Talaga po? Sinabi 'yon ni Sol?" Nilingon ako ni David at pinaningkitan. "Binibiro lang po kayo ni Sol."



"Pinapaasa mo naman si lola," bulong ko kay David nang makalapit ako. Umakbay siya sa akin at inilapit ang kaniyang mga labi sa aking tainga.



"Bibisita naman ako rito every weekend and kapag may pagkakataon." Lumapit na ulit siya kay lola at kinuha ang platong hawak ko kanina. "Lola, susubuan kita, ha? Tulad lang noong una kong punta rito."



David took care of lola Solidad while I was busy with my school admission. Kinailangan kong umalis dahil magta-take ako ng entrance exam. Si David ang naiwan kay lola.



While I was taking the exam, I saw a familiar face looking at me. Napailing nalang ako at nag-concentrate. Hindi dapat ako magpa-distract. May iilang questions akong chinambahan dahil hindi ko talaga makuha-kuha. Mahirap pala sa college. I was the second to the last one to pass the papers. Na-pressure pa nga ako habang sumasagot dahil naiwan na kami nung isa.



Masaya akong umuwi sa bahay. Bago ako dumiretso sa bahay, bumili muna ako ng banana cue, turon, at soft drinks. Nakangiti akong naglakad habang tumatalon-talon. Nang makapasok ako sa loob, nadatnan ko si David na nagwawalis. Natigilan ako nang mapansing wala siyang suot na pang-itaas. Lumapit siya sa 'kin at kinuha ang mga dala ko. Napasinghap ako nang makita kung gaano kaganda ang kaniyang katawan. Nanghina rin ako sa bango niya. Shit, kahit pinagpapawisan na't lahat, mabango pa rin.



"Hi. Kumusta exam?" tanong niya sa akin habang naglalakad siya papunta sa kusina. Nang makabalik siya, may dala na siyang mga plato at tinidor. "Mahirap?"



"O-okay lang..."



Tumatawang lumingon sa puwesto ko si David, "Anong okay lang? Okay ka lang ba?"



"O-oo! Ako na magpapakain kay lola-"



"Ako na, diyan ka na muna. Gutom ka na ba? Kung hindi pa, sabay nalang tayong magmeryenda. Asikasuhin ko lang si lola." Hindi na ako nakaimik nang magtungo si David sa kuwarto ni lola. May dala na siyang banana cue sa isang plato at isang baso ng tubig.



Para akong bata habang nakaupo at naghihintay sa sofa. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Hindi ako mapakali. Dahil ba 'to sa katawan ni David? Dahil ba sa exam? Shit, nababaliw na yata ako.



Nang lumabas si David, awtomatiko akong napalingon sa TV na naka-off naman. Napalunok ako nang ilapag ni David ang meryenda namin sa center table na gawa sa bamboo. Sa sobrang kaba na nararamdaman ko, sa tingin ko'y magigiba na iyong sofa kahit yari iyon sa bamboo. Nadagdagan pa ang kaba na 'yon nang umupo si David sa tabi ko.



"What is happening to you? Kanina ka pa hindi mapakali. Sigurado ka bang okay ka lang?"



"B-baka gusto mong m-magbihis. Nakakailang... 'yung ano mo. 'Yung katawan.." Umawang ang kaniyang labi bago siya nagpakawala ng isang mahabang tawa. "Nakakainis ka. Asar e, 'no?"



To Love the DawnWhere stories live. Discover now