"Manong, hindi pa po ba umuwi si David?" It was already past 2 am. Kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko. Dahil ba ito sa breakup namin? "Paki-contact naman po si David.""Hindi ba nasabi sa 'yo ni David kung saan siya pupunta? Birthday niya ngayon kaya nag-inuman sila ng mga pinsan niya sa mansyon ni gov. Sinalubong nila ang birthday ni David. Baka roon na 'yon matulog. Iniimbitahan nga sana ako kaya lang hindi kita kayang iwan dito, Sol." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Manong Jude. "Magkaaway ba kayo ni David?"
"Hindi po-"
"Ba't gising pa kayo?" Napalingon kami ni manong sa nagsalita. It was David. His hair was messy and he was just wearing a hoodie and a pair of sweatpants. "Manong, matulog ka na po. Ako na ang bahala rito."
"Oh sige, maiwan ko na kayo. Babalik na ako sa pagtulog." Tumango ako kay Manong Jude bago siya umalis at nagtungo sa kuwarto niya.
"Sol, why are you still awake? It's not good for our baby-"
"I got worried. Akala ko kung napaano ka na at muntik ko pang isipin na dahil 'yon sa naging desisyon ko kanina. I'll go back to bed now." I went upstairs with a heavy chest. "Stop following me, David."
Nang harapin ko siya ay gano'n na lamang ang gulat ko. Sa sobrang lapit niya sa akin ay amoy na amoy ko ang mint sa hininga niya. Mukhang sinadya niya 'yon upang matakpan ang amoy ng alak. Binuksan ni David ang pinto ng kuwarto at nauna siyang pumasok sa loob.
"May kailangan ka ba?" marahang tanong ko nang masarado ko ang pinto.
"Sleep. I want you to sleep now. Take a rest." Lumapit siya sa akin at inilebel niya ang kaniyang mga labi sa aking tainga. "I'm not in my best state right now, so please... Just follow what I said... Just this time, Sola."
"H-happy birthday, Mav." I held onto his broad shoulders and kissed his cheek. "I'm sorry."
"You don't have to say sorry. Naiintindihan kita, Sol." Tears formed in the corner of my eyes when David kissed my shoulder. "Thank you for saving us. I want you in my arms for the last time, Solana. May I?"
I held his face and kissed his lips. The next thing I knew, we were in bed. I was crying while we were kissing. The sweetness of David's lips mixed up with the saltiness of my tears.
I woke up without him. Mahina akong napangiti nang mapagtantong binihisan niya pa rin ako. Without second thoughts, I'd call him a gentleman.
Nang makaligo na ako't lahat, bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Nakahanda na ang almusal sa lamesa. Kumunot ang noo ko nang makita si Manong Jude na nag-aayos ng mesa. Kung hindi siya ang nagluluto ngayon... Napalingon ako sa may stove at nakita si David na nagluluto. Nag-iwas kaagad ako ng tingin, takot na magtama ang mga paningin namin.
Iminuwestra ni manong ang isang silya. Umupo ako sa silyang hinila ni manong para sa akin. Habang naghihintay na matapos si David ay napansin kong pabalik-balik ang tingin ni manong sa amin ni David. Alanganing ngiti ang iginawad ko sa kaniya. Nang bumaling siya kay David ay napailing siya. Sakto naman at tapos na si David sa pagluluto. Tinulungan na siya ni manong sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa. Tahimik lamang akong nag-antay na matapos silang dalawa.
Umupo si manong sa kabisera nang maupo si David sa silyang salungat sa puwesto ko. Muling napailing si manong nang magsimula akong magsandok ng kanin. Ano ba ang problema ni manong?
"Magkaaway ba kayo?" Sabay kaming umiling ni David. "Bakit hindi kayo nagpapansinan?"
"Break na," mahinang saad ni David. Napataas tuloy ako ng isang kilay. Parang nagsusumbong siya kay manong!
"Ano? Nabibingi na yata ako." Ginalaw-galaw pa ni manong ang tainga niya.
"Break na nga po. Kung nagtataka kayo kung ba't nandito pa rin si Sol, ang totoo po niyan ay buntis siya. Kaya ingatan n'yo po ang isang 'yan. Hindi ko talaga kakayanin, Mang Jude, kapag may nangyaring masama riyan." He said that on a serious way, making me smile. Even after a breakup, really, David?
"Bakit kayo naghiwalay? Akala ko ay mahal na mahal ninyo ang isa't isa?" Napatigil sa pagkain si David at nag-angat ng tingin sa akin. "Kung mahal ninyo ang isa't isa, hindi kayo maghihiwalay nang ganito kadali."
"Hindi po sa lahat ng oras sapat ang pagmamahal para manatili kayo sa isa't isa. Baka nga po 'yang pagmamahal na 'yan ang sisira sa mga planong hindi sakop ng relasyon ninyo." I couldn't help but agree with David. Kung ako rin ang tatanungin, hindi talaga sapat ang pagmamahal para kumapit ka sa isang relasyon.
"Naku, ngayon pa kayo naghiwalay kung kailan may nabuo na." Umiling-iling si manong. "Paano ang pag-aaral mo, Sol?"
David dropped his utensils on his plate when he heard that. Maging si manong ay natahimik. Tumingin ako kay David at kaagad na nagtama ang mga paningin namin. Sa tingin ko'y hinihintay niya ang sasabihin ko.
"Magpapatuloy po ako. Kapag malaki na po ang tiyan ko, saka po ako titigil. Wala na po sa isip ko ang graduation. Gusto ko lang na madagdagan ang kaalaman ko. Pero hindi ko na po siguro itutuloy ang pangarap ko. Mas importantante po ang anak namin ni David." Isang malungkot na ngiti ang iginawa ko.
I knocked on the door thrice before opening it. I immediately saw David doing some workouts. He's doing some pushups to be exact. He stopped when he felt my presence. He sat on the mat, with his arms supporting his weight. He was covered with sweat yet he still had this attractiveness. Anyone would fall for him.
I headed straight to his desk to return the things I borrowed from him. Napatigil ako nang makita ang isang drawing. It was a portrait... of me. Kuhang-kuha ang features ko. Tinabig ko ang nakapatong na libro sa papel upang makita ko ang signature. Bagsak ang panga ko nang mapagtantong drawing iyon ni David. Hindi ko nalang masyadong binigyan ng pansin sa pag-aakalang matagal na 'yon.
"David, about dating..." Nilingon ko siya. Mukhang kanina pa siya nakatingin sa akin. "Being a father of my child doesn't mean that you can't date other girls anymore. You can date if you want, I won't mind."
"Sola, we just broke up. But thanks for telling me that." Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Uuwi na ako sa Manila tomorrow morning. Manong Jude will take care of you. Siya rin ang maghahatid at susundo sa 'yo. Every month, I'll send enough money for groceries, bills, and other expenses. If you need anything, you can message me."
"Hindi ka na uuwi ulit?" By that, I meant this house...
"I will but I don't know when. I'll be very busy with med school. Please take care of yourself." Napatango nalang ako kay David. "Babalikan kita, Sol."
"Mmm, mag-iingat ka sa Manila. Abutin mo ang mga pangarap mo. Nandito lang ako."
__________________________________
YOU ARE READING
To Love the Dawn
RomanceWhere and when does happiness begin? Solana Eos De Cardenas, a sunshine girl, was having fun being the typical student who doesn't worry about her studies but gets disappointed when she gets low scores. She has always been late for her classes whic...