38

230 7 20
                                    

TW: Violence



I slowly opened my eyes when I felt David moving. When I looked at his side, he was already preparing for work. Nakapagbihis na siya. Nag-aayos nalang siya ng mga gamit.



I pulled the sheets higher to cover my entire chest. David must've noticed it. He looked at me and automatically smiled. He delved in to kiss my lips. Nahiya pa ako dahil siya nakapaglinis na ng buong katawan. Pero mukhang wala naman iyon kay David! Hindi pa siya nakuntento, humirit pa siya.



"Tama na, sobra na 'yan. Nakailan ka na kagabi." Natawa siya nang maintindihan ang sinabi ko. "Kumusta kaya si Tahlia kay Mama?"



"I'm sure your mom is taking good care of her." Napabuntong-hininga nalang ako. "Stop worrying, love. By the way, are you sore? Can you move around? I'll skip work if you can't-"



"David, you're a doctor, you can't just skip work! And I'll be fine. This isn't the first time, okay?" Tumawa nalang siya at tumango. "Thank you... for supporting what I want."



"It's the least I can do. Stop looking at me like that. I don't want to go now."



"Mavi ko, you have to go now. Male-late ka sa work mo. Sige na, I'll be fine." Umupo na ako. Binigyan ko siya ng tatlong halik sa labi. Natawa ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. "Ang clingy... Parang ayaw mo na talaga akong pakawalan, ah?"



"I'll be back, my love." He kissed my neck. "Ahh, it's so hard to go. I want to make bawi pa."



"Oh, bakit? Puwede pa namang bumawi kapag nakauwi ka na. Mabilis lang ang trabaho, David. Mamaya nandito ka na ulit." Ako na ang humiwalay sa yakap kaya napanguso si David. "Sige na, kailangan ka na ng mga pasyente mo."



Naglinis ako ng bahay pagkaalis ni David. Pagkatapos ay nakangiti akong nagluto para sa sarili. Hanggang sa pagkain ko ay hindi matanggal ang ngiti ko sa mga labi. Nang i-text na ako ni Mama na gusto nang umuwi ni Tahlia ay agad akong nag-ayos. Naligo lang ako at nagsuot ng simpleng bestida.



Nagmamadali akong nag-book sa Joyride. Kaagad namang nakarating ang rider. Sa pagmamadali ay hindi na ako nakapag-ayos ng mukha. Baka kasi umiiyak na si Tahlia. Ang hirap pa naman patigilin sa pag-iyak ang anak namin. Lalo na't hindi pa siya sanay na hindi kami nakikita. Nakarating naman ako agad sa tinitirahan namin noon.



Ngumiti ako sa iilang nakakilala sa akin. Gulat siguro silang makita ako. Dumiretso na ako sa bahay. Nadatnan ko si Tahlia na umiinom ng paborito ko noon, Zest-O. Tumakbo kaagad siya papunta sa akin nang makita ako. Nagmano ako kay mama at papa habang hawak-hawak si Tahlia sa isang kamay.



"Anak mo nga siya, Zest-O lang ang katapat." Sabay kaming natawa ni papa sa sinabi ni mama. "Si David, anak?"



"May trabaho po. Nasa hospital siya ngayon."



"Bisitahin ninyo kaya ni Tahlia? Pero bago 'yan, paglutuan mo naman siya! Tutulungan kita, anak." Napangiti ako sa suhestiyon ni mama. "Halika na, magluto tayo ng menudo. Apo, laro muna kayo ni lolo, ha?" Tumango naman si Tahlia kay mama kaya napangiti ako.



Nang ayain siya ni papa na maglaro ng Barbie niya ay lumapit kaagad siya. Kami naman ni mama ay nagtungo na sa kusina. Pinaghiwa kaagad ako ni mama ng mga sangkap.



"Napag-uusapan na ba ninyo ni David ang kasal?" Napalingon ako kay mama nang itanong niya 'yon. Bahagya akong ngumiti saka tumango. "Oh, kailan kayo magpapakasal?"



"Wala pang date, Ma. Napag-uusapan palang po. Dumadami na rin kasi ang gastusan namin. Lumalaki na rin si Tahlia, lumalaki na ang gastusan sa pag-aaral niya. Hindi po namin kayang isingit sa ngayon. Hindi naman po kami nagmamadali, e."



"Ang mahalaga ay mahal ninyo ang isa't isa. May tiwala naman ako kay David na kaya niyang ayusin kahit ano pa man na hindi pagkakaintindihan. Kapag hindi na kaya, magpahinga. Dahil pagkatapos ninyong magpahinga, siguradong babalikan ninyo pa rin ang isa't isa." Ngumiti si mama sa akin. Kita ko sa mga mata niya na mula sa puso ang mga sinabi niya.



Pinaliguan at inayusan ni mama si Tahlia habang inaayos ko ang mga dadalhin namin kay David. Tuwang-tuwa si Tahlia nang matapos ang pagb-braid ng kaniyang buhok. Nag-ayos din ako ng mukha at buhok. Binigay nalang sa akin ni mama ang lipstick niyang hindi pa nagagamit. Iyon lang ang naging kolorete ko sa aking mukha.



Nag-book nalang ako ng Grab para hindi na ako mahirapan. Hinatid pa kami ni papa sa labasan. Niyakap ko siya bago ko inalalayan si Tahlia na makasakay sa loob. Nang makasakay na rin ako ay tiningnan ko ang oras. Sakto at lunch break na ni David. Sana lang ay walang emergency.



Dumiretso kami sa front desk nang makarating kami sa hospital. I asked them to call David. Good thing, off duty siya. Kita ko ang pagguhit ng isang ngiti sa labi ng anak ko nang malamang makikita namin ang daddy niya.



"Daddy!" Tinuro ni Tahlia ang naglalakad na lalaki. It was really David. "Mommy, let's go!"



I stopped Tahlia when I saw a man approaching David. The man held David's shoulder and was so close to him. I immediately knew it was a private matter. But I felt a weird feeling in my stomach.



"Security!" I immediately covered Tahlia's eyes when the security went near as the man earlier left the place. "We need assistance here!"



"Lia, c-can you cover your ears?" Tahlia nodded at me. "Mommy will be back, o-okay? D-daddy... He needs to be s-somewhere." I held Tahlia's hand and gently pulled her toward the front desk. "Puwede b-bang pakibantayan ang anak ko? 'Y-yung..."



"Ma'am, kami na po ang bahala. Hi, baby girl, may kailangan lang gawin si mommy." Hinalikan ko ang noo ni Tahlia bago ako tumakbo pabalik kay David.



Bumuhos ang mga luha ko nang hindi ko siya makita. May isang nurse na lumapit sa akin at inalalayan ako patungo sa operating room. Sa mga sandaling iyon ay napaluhod na lamang ako sa sakit at pag-aalala.



Nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Nang dumilat ako't tumingin sa paligid, nakita ko ang pamilya ko at pamilya ni David. Nang makaalis ang doktor ay kaagad nila akong nilingon. Lumapit sina mama at papa sa akin. May bahid ng pag-aalala ang kanilang mga mukha.



"Sol, buti at nagising ka na. Nag-collapse ka kanina. Ang sabi ng doktor, iwasan mo raw na ma-stress-"



"Si David?" Nang hindi umimik si mama ay nilingon ko na ang mga magulang ni David. "Si David po? N-nakalabas na po ba siya ng o-operating room?"



"Ang sabi ng mga doktor, kailangan pa raw na obserbahan si David. The stab was directed to his heart, but David was able to avoid it. Unfortunately, he was stabbed twice in the area near his gallbladder. The second wound was not that deep according to the doctors. But the first one was..."



"Nasaan na po siya-"



"Anak, magpahinga ka muna. Okay na si David. Kailangan niya ring magpahinga tulad mo. Si Tahlia nasa bahay kasama si Marinel. Kaya huwag ka nang mag-alala, ha?"



"M-ma, kailangan kong m-makita si David..." Umiling sa akin si mama at pinilit akong ihiga. "Pa..."



"Sol, ayaw namin na makita kang nahihirapan. Sa ngayon, hayaan mo na munang magpahinga si David. Ayaw namin na umabot sa puntong umatake ang dati mong sakit." Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan sinabi ni papa. "Magpahinga ka muna, anak."



__________________________________

To Love the DawnWhere stories live. Discover now