21

284 10 30
                                    






"Kapag lumabas na 'yang inaanak ko, tuturuan ko talaga 'yan maging mabuting tao. Para kapag tinanong siya kung sino ang nagpalaki sa kaniya dahil ang ganda ng ugali niya, ako ang ipapakilala niya." Napailing nalang ako kay Warren. Mas excited pa yata siya kay David. "Hindi ko pa alam ang sex ng anak mo pero wala namang sex ang damit, 'di ba? Kaya namili na ako ng iilang damit. Hindi ko alam kung damit ba 'to or balot. Magmumukhang mummy ang anak mo nito."



"Ang bastos mo naman, ninong!" Tinawanan lang ako ni Warren. "Mag-anak ka na rin para may kalaro na 'tong anak namin."



"Tangina, wala akong perlas. Kung makasabi ka naman na mag-anak na ako, 'kala mo talaga may lalabas na bata sa akin." Humagalpak ako ng tawa nang maintindihan ang joke ni Warren. Ang taba talaga ng utak. "Sa'n na ba tatay niyan? Ilang buwan na ah... Wala pa ring paramdam?"



"Apat na buwan palang naman-"



"Apat na buwan, Sol. Apat na buwan. Sa tingin mo ba hindi pa iyon mahabang panahon? Dala-dala mo ang anak ninyo. Ni kumustahin ka, wala man lang? Baka busy na ang gagong 'yon sa babae niya-"



"May bago na ba si David?" Napailing si Warren sa tanong ko. Kumunot ang noo ko sa inasta niya. "May alam ka ba?"



"Umaaligid ang tatay ng anak mo sa dati niyang gusto. Buti nalang talaga at binubuhay ka niya." Umaaligid siya kay Zelena... "Gusto mo bang sumama sa Manila?"



"Ano naman gagawin ko sa Manila? Wala na 'kong pamilya ro'n, Warren."



"May naghahanap sa 'yo... Sophia raw ang pangalan niya." Si Pia, iyong kaibigan ni David. Bakit niya ako hinahanap?



It was Friday evening when Warren and I went to Manila. Dahil under renovation ang condo unit ni Warren, inaya niya nalang akong mag-hotel. Magastos pero wala na kaming ibang choice. Kinumbinsi ko siya na isang kuwarto nalang ang kuhanin para makatipid kami at hindi rin ako mag-alala.



Nang makarating kami sa hotel room, kaagad kong hinanap ang Facebook ni Pia. Lumabas naman 'yon kaagad dahil mutual namin si David. I immediately messaged Pia that I'm in Manila. Tinanong niya kaagad kung nasaan ako. I told her my exact address and she told me that she'll visit me. She was one of the few people I fully trust. She was a good friend to David and was a good person to me.



Hapon na nakabisita si Pia. She brought a basket of fruits and some stuff for pregnant women. Hindi ko alam kung sinabi na sa kaniya ni David o matagal niya nang naisip na buntis ako.



"Fourth month mo na pala. So what are your plans now? Baka maging mahirap na ang pagbubuntis mo next month." Pinanood ko si Pia habang nagbe-blend siya ng fruits. Nagdala talaga siya ng blender!



"I'm dropping out of school. Baka kausapin ko rin si David na kung puwede, mag-stay na rin ako rito sa Manila. Si Warren lang naman kasi ang nakakasama ko sa probinsya. Mas marami akong kakilala rito." Nilagay ni Pia ang ginawa niya sa isang baso at inilahad iyon sa akin. Kinuha ko 'yon at ngumiti. "Thank you."



"Dito ka nalang para palagi rin kita mabisita. David's busy with his med school. Hindi ko na nga nahahagilap ang isang 'yon. Oh, by the way, aayain sana kitang i-meet si David bukas kaya lang may flight ako. Domestic flight lang naman pero magho-host kasi ako sa birthday sa hapon. Hirap na-"



"Sol, nandito si David!" Naputol ang sasabihin ni Pia dahil sa biglang pagsigaw ni Warren. Nagpaalam ako kay Pia at dumiretso na sa may pintuan. Tinitingnan ni Warren si David habang palinga-linga ito sa paligid. "Pahangin lang ako. Sophia, magpahangin ka rin!"



To Love the DawnWhere stories live. Discover now