"Pero hindi ko po 'to sinabi para magpaawa sa inyo. Gusto ko lang pong malaman ninyo na magiging nanay na ako." Isang malungkot na ngiti ang iginawad ko kay mama. "Aalis na po ako. Hindi na po ako magpapakita sa inyo. Pakisabi na rin po kay papa na hahanap nalang ako ng paraan para masuportahan ang pag-aaral ko."
Lumuluha kong tinalikuran si mama. Bitbit ang mabibigat na bag, naglakad ako patungo sa sakayan. Wala na akong ibang naisip na maaaring puntahan. Si Warren lang ang pinakamalapit na kaibigan ko rito. Hinatid ako ng tricycle driver sa mansyon ni Mayor Alcalde. Tinulungan pa ako ng driver sa pagbitbit ng mga gamit ko. Nang mamukhaan ako ng security guard ay kaagad nitong binuksan ang gate. Pagod man ay pinilit ko pa ring ngumiti sa kaniya.
Kinuha niya ang mga gamit ko mula sa driver at inutusan ang dalawang gwardya na dalhin ang mga ito sa loob. Kaagad namang lumabas si Warren at nag-aalalang tumingin sa akin. Inalalayan niya ako papasok ng bahay nila nang walang tanong. Pero alam kong batid niya na may nangyari sa akin. Isang tawag lang ni Warren ay may lumapit kaagad sa amin at nag-abot ng isang baso ng tubig.
"Sol, tumawag sa akin si David. Hindi ka niya ma-contact, nag-off ka raw ng phone. May quiz daw siya kanina kaya hindi siya nakasagot sa tawag mo. Nasa byahe na siya ngayon. Gusto mo bang i-contact ko siya tapos sabihin kong nandito ka?" Tumango ako kay Warren. Inabot niya ang phone niyang nasa center table at nag-dial. "David? Si Warren 'to. Kasama ko na si Sol. Nandito siya sa bahay, send ko nalang sa 'yo address. I still don't know what happened but I'm pretty sure something happened."
"S-sabihin mo sa kaniya na mag-ingat siya."
"You heard that? Mag-ingat ka raw sabi ni Sol. Yes, she..." Tinuro ni Warren ang mga gamit ko. Nakuha ko agad ang nais niyang sabihin. Tumango nalang ako. "She brought her things with her. Lahat yata, bro. It seems like she... Yeah, she ran away from home. I'll take care of her. It's fine, pamilya ko rin si Sol."
Nakatulog na ako sa kuwarto ni Warren sa tagal ng paghihintay ko kay David. Nagising na lamang ako na may katabi sa higaan. Sa pag-aakalang si Warren lang 'yon ay hindi na ako nag-abalang magmuklat ng mata. Ngunit nang malanghap ko ang pamilyar na pabango ay kaagad akong napadilat. Tulog si David sa tabi ko. Hawak niya ang isang kamay ko habang siya'y nakadapa sa kama.
Nagsipag-unahan ang mga luha ko. Ni minsan hindi ako sinukuan ni David. Kaya niyang iwan ang lahat para sa akin. Kaya niyang talikuran lahat para masigurong ayos lang ako. Humigpit ang hawak ko sa kamay ng mahal ko. Hindi ko ninais na mawalay sa kaniya at nasisiguro kong hindi iyon mangyayari kahit na may mabuo man na pader sa pagitan namin. Na kahit may distansya man sa aming mga puso, hindi kami mapaghihiwalay. Lalo na't nabigyan pa kami ng panibagong rason...
Tahimik kami ni David habang nasa byahe papunta sa bahay nila rito sa probinsya. Wala siyang ibang tanong maliban sa palagi niyang tinatanong sa akin. Siguro'y naisip niyang hindi pa ako handa na sabihin sa kaniya kung ano man ang nangyari.
David informed me that only three security guards and one caretaker are in their house. Si Manong Jude ang caretaker ng bahay nila. Siya ang naglilinis doon at nagluluto para sa mga bantay. Ang bilin ni David sa kaniya ay alagaan ako sa tuwing nasa Manila siya. Nang makarating kami sa bahay nila, kaagad na sumalubong ang dalawang gwardya at tinulungan kami sa mga gamit. Ang sa tingin kong caretaker ay nanitiling nakatayo sa malaking pintuan ng bahay. Malaking ngiti ang iginawad niya sa amin ni David.
"David, ang laki mo na! Ito ba si Solana?"
"Opo, girlfriend ko po." Hinapit ako ni David palapit sa kaniya. "Handa na po ba 'yung kuwarto sa taas?"
"Ay aba syempre naman, David. Samahan ko na kayo sa taas-"
"Hindi na po. Mag-uusap pa po kasi kami ni Sol. Bababa nalang po kami kapag may kailangan kami." Tumango-tango si Manong Jude kay David.
"Magluluto na muna ako ng tanghalian natin. Sige na, mauna na kayo sa loob."
Nagpatianod ako kay David papasok ng bahay. Wala ni isang salita, sabay kaming dumiretso sa ikalawang palapag. Binuksan ni David ang isang kuwarto at kaagad na ini-lock ang pinto nang makapasok kami. Pinanood ko lang siya habang binubuksan niya ang aircon. Mag-uusap ba talaga kami o magpapahinga lang siya?
"Ate Divina texted me." David sat on the edge of the big bed. I stood in front of him. "Is there something that needs to be said, Sol?"
"Nag-away kami ni mama-"
"Save that for later, that's not what I want to hear right now." David stood up and towered over me. My tears began to blur my vision as they covered my eyes. "Are you pregnant?"
"I... I am." Humagulhol ako nang sa wakas ay masabi ko 'yon. "B-buntis ako, David... Sorry-"
"Why are you saying sorry? I'm not mad, Sol. Anak natin ang pinag-uusapan natin dito." He wiped the tears off my face and gave me a soft kiss on my lips. "I won't leave you."
"David, can we... stop depending on each other?" Napahiwalay sa akin si David. "Ayokong nahihirapan tayo sa relasyong 'to. Pareho pa tayong nag-aaral, marami tayong dapat bigyan ng atensyon."
"Sol, I know it's hard sometimes but I won't give up if it's about you-"
"Hindi mo ba naiintindihan? Pagod na pagod ka na. Pagod na pagod na rin ako, Mav. Gusto ko na mag-focus sa mga bagay na dapat unahin ko pero hindi ko magawa kasi halos lahat ng atensyon ko sa 'yo ko na binibigay. Hindi kita sinisisi kasi kasalanan ko na naging pabaya ako... Muntik na akong bumagsak sa isang major.. Muntik ko nang makalimutan na may quiz kami kasi excited ako na magkita tayo. Pero lahat ng 'yan hindi mo kasalanan. Kasalanan ko at ako lang ang dapat na mag-ayos diyan." I held his nape and caressed it. "Pagod na ako, Mav."
"How about our baby?" It was a whisper. David was breathing heavily. It was obvious that he was controlling his emotions.
"Let's not make our baby suffer. Huwag nating iparamdam sa kaniya na... separated ang parents niya. We can do co-parenting. Let's do everything for our baby, Mav. Kahit na 'di tayo okay, basta siya okay." I smiled weakly when David nodded. He started to cry as he leaned over to hug me. "Alam kong pagod ka na rin... Magpahinga ka naman. Magtira ka naman para sa sarili mo."
"I won't stop you. I told you, you'll always have the decision in your hands. And I'm here to respect that. Thank you for being a considerate partner, Sola. Nandito lang ako... lagi." Niyakap ko si David nang mahigpit. "Live here. Ako ang bahala sa inyo ng anak natin."
"Paano kapag nanganak na ako?"
"Sola, I need to tell you something." Humiwalay siya sa akin at umalis sa puwesto niya. Nang makabalik siya ay may dala na siyang isang envelope. Inilahad niya 'yon sa akin at kaagad ko namang kinuha. "Documents for our future house. May pinapagawa akong bahay sa Makati. Hindi ko pa sana sasabihin sa 'yo kasi ayokong ma-pressure ka."
"Sobra naman 'ata 'to-"
"Hindi 'yan sobra. Para naman 'yan sa future natin." Ngumiti sa akin si David. Iyong ngiting makukumbinsi kang ayos lang siya. "Lahat ng plano ko, kasama ka, Sol."
__________________________________
YOU ARE READING
To Love the Dawn
RomanceWhere and when does happiness begin? Solana Eos De Cardenas, a sunshine girl, was having fun being the typical student who doesn't worry about her studies but gets disappointed when she gets low scores. She has always been late for her classes whic...