"Ma, anong ulam?" sigaw ko pagkapasok sa bahay. Nasa taas si mama ngunit sa sobrang lakas ng bunganga ko, narinig niya ang tanong na iyon."Mangutang ka muna kay Aling Myrna! Hinulog ko na sa paluwagan iyong kinita ko sa ice candy kanina! Kumain na ako, Sol!"
Inilapag ko ang backpack ko sa upuan naming yari sa bamboo. Paglabas ko ng bahay, nakita ko ulit 'yung kabit ni papa. Hindi ba talaga siya aalis? Ang kapal ng facelalu ha.
"Solana..." she called me. Napapikit ako at napabuntong-hininga. Hinarap ko siya. "Hindi ba uuwi ang papa mo?"
"Hindi naman siya umuuwi rito. Matagal na siyang hindi umuuwi rito. Ni sustento nga, hindi niya maibigay sa amin. Sinasayang mo lang oras mo."
"Ito kasi 'yung binigay niyang address. Solana, hindi ko alam na may asawa't anak siya. Nakilala ko siya sa isang dating app. Single raw siya. Mukha pa siyang bata. Noong nagkita kami, inamin niyang 40 years old na siya. Wala naman iyong problema sa akin. Pumatol ako dahil akala ko... hindi siya pamilyado. I'm sorry, Solana. I'm sorry..." Lumapit siya sa akin. Naramdaman ko nalang ang yakap niya. Nakatayo lang ako, hindi alam ang gagawin. "B-buntis ako, Solana."
"Humingi ka ng sustento sa tatay niyan. Bakit sa 'kin mo sinasabi 'yan? Wala akong pakialam sa inyo. Matagal ko nang kinalimutan na papa ko siya. Wala na akong papa. Hindi ko siya kaano-ano kaya hindi ko na kailangang malaman 'yan." Humiwalay siya sa akin at nakita ko kung paano tumulo ang kaniyang mga luha. "Tama na... Masakit na."
"I'm sorry, Solana." Hindi na natigil ang pag-iyak ko nang subukan niyang punasan ang mga luha sa aking pisngi.
"'Wag kang magpapakita kay mama, baka kung ano pang mangyari sa inyo ng baby mo." Naglakad ako palayo sa kaniya. Tumakbo ako palabas ng eskinita.
Nang makarating ako sa labasan, nanikip ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga... Napabaling ako sa jeep na pinupuno, ang iilang pasahero ay nakatingin na sa akin. I tried breathing normally but I couldn't.
Napaupo ako sa malamig na semento. I knew crying would just make it worse but when I realized that I could die soon, I cried. Walang tumulong sa akin... Nakatingin lang sila, parang nanonood lang ng pelikula. I held my chest as pain traveled to my chest. When the pain reached my throat, I held the hem of my skirt and my tears won't stop.
"Solana!" I felt someone fixing my position as he called my name. "Look at me, Sol." I tried to look at the person who was helping me. "Let's not cry, okay?"
David carried me and made me sit on a chair. Nasa bahay na kami ni Aling Myrna. He fixed my position. I heard him telling Aling Myrna to tell the people to leave. They were watching...
"Sol, I need to unbutton your top. It will help you breathe properly. Will that be okay?" I nodded at him. He was so fast. I felt him unbuttoning my top while looking at me in the eyes. "Now breathe like you're about to whistle."
Ginawa ko ang pinapagawa niya. Aling Myrna started applying some oil to my head and neck. It had a cooling effect. I unconsciously held David's hand while doing what he said.
"Solana?! Solana! Anak!" Nang makita ko si mama na natataranta, tumulo nanaman ang mga luha ko. "Bakit ganiyan ang hitsura ng anak ko?!"
"Ma'am, please calm down. It's part of first aid. I called the nearest hospital, they'll be here soon-"
"Magiging okay naman ang anak ko, hindi niya kailangang magpa-ospital! Sol, tara na! Uuwi na tayo." Sinarado ni mama ang aking blusa at inalalayan na ako patayo.
YOU ARE READING
To Love the Dawn
Roman d'amourWhere and when does happiness begin? Solana Eos De Cardenas, a sunshine girl, was having fun being the typical student who doesn't worry about her studies but gets disappointed when she gets low scores. She has always been late for her classes whic...