"Busy na si David sa school. Sa messenger nalang kami nakakapag-usap. Malapit na debut ko. Sabi ko sa kaniya okay lang na mahigit isang taon na kaming hindi nagkikita, basta sa debut ko siguraduhin niyang a-attend siya.""May theme ka na ba para sa debut mo?" tanong ni Larrick. Masaya akong tumango. "Ano 'yun? Para makapaghanda na rin kami!"
"Boho! Sa beach ako magce-celebrate! Si papa kasi ang sasagot ng party ko. Nasabi ko na ba sa inyo na nagkaayos sila ni mama last month? Hindi pa rin naman kami ayos ni papa pero nag-insist siyang gastusan ang 18th birthday ko." Chineck ko ang phone ko. Wala pang reply si David. Busy na siguro talaga ang isang 'yon sa course niya.
"Todo check? Naku, baka nahuhulog ka na sa David na 'yon. Anong sabi niya sa 'yo? Huwag ma-fall sa kaniya at para mo na siyang kuya. Saka down bad ang isang 'yon kay Zelena. Same pa sila ng course oh. Kung hindi si Zelena ang nililigawan n'on, si Clara." Ang chismosa talaga ni Rissa.
"Sino si Clara?" tanong ko.
"Kaibigan ni David. Hindi mo siya kilala? Sandali, hindi ka pa ba pinapakilala ni David sa mga kaibigan niya?"
"Larissa, hindi naman sila mag-boyfriend girlfriend. Baka nakakalimutan mo na?" sabad ni Larrick. Iyon din sana ang sasabihin ko.
Umismid si Rissa, "Pero kapag 18 na ang Solana natin, puwede na sila ni David. Kilala kita, Sol. Alam kong may gusto ka na sa lalaking 'yon. I mean, sino naman kasi ang hindi magkakagusto sa kaniya?"
"Hindi ko siya gusto! Baka crush, puwede pa. Pero kapatid ang turing sa 'kin ni David. Kaya malabo talaga."
The next month was David's month! I prepared a surprise celebration for him. Simple lang iyon. Humingi ako ng tulong sa isang friend niya. With his help, nagkaroon ako ng access sa kuwarto ni David.
I filled his floor with balloons. Sa kama niya ay nilagay ko ang letter ko for him, bouquet of flowers, at ang isang box. His friend called their friends when we were already done preparing everything. Sasama ang mga 'yon kay David pauwi. I took some pictures while waiting for them. Dapat documented 'to!
After over half an hour, they were already downstairs. His friend lit the candle of the cake I was holding. Kinakabahan na na-eexcite ako. Ngayon palang kami ulit magkikita at sa special day pa niya. When I heard the door being unlocked, I started singing the Happy Birthday song. David stopped by the door and smiled. When he noticed that his friend was recording, he playfully winked at the camera.
"Happy birthday, Mav," I whispered as he came closer after the song. He smiled at me and pinched my cheek. "Make a wish!"
He closed his eyes and took some moment. When his eyes opened, he blew the candle. His friends cheered and sang again. Natawa nalang si David sa kalokohan ng mga kaibigan niya.
"Ikaw nag-ayos ng lahat?" mahinang tanong sa 'kin ni David. Nakangiti akong tumango. "Thank you, Sol. I appreciate it a lot."
Niyakap niya ako gamit ang isang braso. I looked at Jeremiah to ask for help. Naintindihan niya naman kaagad ang gusto kong mangyari. Kinuha niya ang cake mula sa mga kamay ko. Humiwalay ako kay David at kinuha ang bouquet of flowers. Inilahad ko 'yon kay David. Nagulat pa siya ro'n.
"This is for me?" I nodded. "Solana... First time kong makatanggap ng bouquet of flowers. Thank you.." Nanigas ang katawan ko nang yakapin niya ako't halikan ang aking noo.
"Oh to have a sister like Solana! Iba ka, Sol. Sana ganiyan din sa 'yo kapatid kong babae. Kaso hindi, attitude masyado 'yun." Nagtawanan ang mga kaibigan ni David. Habang ako... Nakatulala, pilit pa ring nilalabanan ang kakaibang naramdaman.
To my surprise, walang maarte sa pagkain sa mga kaibigan ni David. Ang saya pa nga nila sa Jollibee! Kahit naman ako, sobrang saya sa Jollibee. Bida talaga ang saya sa Jollibee.
Pinagmasdan ko si David habang tahimik siyang kumakain. Panay ang lingon niya sa bouquet. Kinikilig 'ata masyado. Nahuli ko pa siyang pinipicturan 'yon. Natigil ako sa paninitig nang tumalsik ang manok ko. Tumawa si David at tahimik iyong pinulot gamit ang tissue. Itinabi niya 'yon at kinuhanan ako ng bagong chicken. Hindi pa siya nakuntento, tinanggalan niya pa ng buto para 'di na ako mahirapan.
After eating, nag-movie marathon kami with his friends. Kahit na walang babae, naging komportable naman ako. Hindi kasi galawang manyak ang mga kaibigan ni David. Nakakatawa lang dahil sila pa iyong tumitili sa tuwing may jump scare. Ang titinis ng tili nila. Halatang hindi nila 'yon pinipilit, 'yun talaga ang totoong tili nila.
"Sol, kumusta ka na?" David whispered. Napalingon ako sa kaniya at napangiti.
"Bumubuti na... Nagkaayos na sina mama at papa. Kung ako 'yon, 'di ko na tatanggapin ulit 'yung asawa kong nagloko. Pero si mama 'yon, e... Basta masaya siya, okay na rin ako."
"Mmm, we can leave if you want. We can talk about your feelings the whole day. I'll make time for you, Sol. I'll make time for you..." I looked up when he said that, trying to stop the tears. "Hey, do you want to cry? You can cry."
"I don't want to cry, Mav. Not in front of anyone, not in front of you."
"Nasa gilid naman ako-" Nahampas ko ang braso niya. Tawang-tawa naman siya dahil nasira ang pag-eemote ko! "It's nice to see you growing as an individual, Sol."
"Dahil sa 'yo nag-grow ako."
"Hindi ako tubig o sunlight-"
"Bakit? Mukha ba 'kong halaman na dapat dinidiligan?!" All eyes were on us. It was then I realized that I said something a bit wrong. David looked at me and signaled me to shut up. I pursed my lips together and cleared my throat.
Months passed so quickly. Graduation ko na. I've realized that I'm only months away from starting a new path. College na ako sa next school year.
I saw David in the midst of the crowd. I ran toward him. He laughed when he noticed that. I hugged his neck when I stopped in front of him. Out of excitement, I kissed his cheek. He didn't seem to mind. He wrapped his arms around my waist.
"Congrats..." he whispered. I smiled even though he couldn't see my face. "You made me proud again, Dawn."
"I'm proud of myself too, although I still haven't processed the fact that I am the salutatorian of our batch. Thank you so much for being my support system." I slowly withdrew from the hug, enabling my heels to touch the ground.
"Credits mo naman sarili mo." He pinched my cheeks and chuckled. "May kasama ka ba ngayon?"
"Meron. Kasama ko sina mama at papa. Tara, ipapakilala kita sa kanila." I held his hand and pulled him with him. Nang huminto kami sa tapat ng mga magulang ko, nilingon nila si David. "Ma, pa, si David po. Kaibigan ko pa siya. Siya po 'yung sinasabi ko na palaging tumutulong sa 'kin."
"Sigurado bang kaibigan lang, anak?" tanong ni papa, hindi pa rin inaalis ang tingin kay David. "Bibihira sa lalaki ang tutulungan ka dahil ang tingin sa 'yo ay kaibigan."
"Sir, pasensya na po kung sisingit ako. Gusto ko lang pong linawin na hindi ko nakikita si Sol bilang isang babae na pakakasalan ko o aayain ko na gumawa ng mga bagay na... Alam n'yo na po 'yon. Hindi po ako gano'n. Nakikita ko po kasi kay Sol 'yung kapatid ko na babae na hindi ko nailigtas at hindi ko natulungan noon." The last line... I didn't know that. He didn't tell me that.
I glanced at David as I tightened my grip on his hand. So, that's why... That's the exact reason why he's being like this to me.
__________________________________
YOU ARE READING
To Love the Dawn
RomanceWhere and when does happiness begin? Solana Eos De Cardenas, a sunshine girl, was having fun being the typical student who doesn't worry about her studies but gets disappointed when she gets low scores. She has always been late for her classes whic...