5

345 14 26
                                    






"De Cardenas, Solana Eos. With Honors."



David smiled at me before guiding me upstairs. Nang makarating kami sa gitna ng stage, inabot sa kaniya ang medalya. Sinuot iyon sa akin ni David at napangiti siya. Proud na proud ang isang 'to, e. Nang malaman niya ngang walang a-attend sa graduation ko, nag-volunteer siya.



"Related kayo?" tanong ni principal. Napangiti ako at umiling. "Lovers..."



"Hindi po, magkaibigan."



"Ay gano'n. Congrats, Solana!" Nakipagkamayan kami ni David sa mga naroon. Tumingin kami sa cameraman. Malaki ang ngiting iginawad ko.



Nang makababa na kami ng stage, pinanood ko ang paglakad ni David papunta sa area ng parents at guardians.



When the ceremony ended, my eyes automatically searched for David. When I saw him, I went to him and pulled him. Inaya ko siyang mag-picture picture. G na g naman siya. Nag-selfie kami... Nagpa-picture sa stage... May mga picture pa nga na suot niya ang medal ko.



"Dala ko kotse ko ngayon. Gusto mo kain muna tayo sa labas?" Napangiti ako ro'n. Tumango ako sa kaniya. "Sandali, hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?"



"Umuwi si mama sa probinsya, sa lola ko. Kaya walang naghihintay sa 'kin sa bahay." Inabot ko ang kamay ni David at unti-unti siyang hinila palabas ng event hall. "Five hundred lang ipon ko. Saan ba tayo kakain? Puwede na ako sa Jollibee!"



"Sol, libre ko na. Ako guardian mo today. Itago mo nalang muna 'yang pera mo. Saka mo na gastusin kapag kailangan na kailangan na. Pero sana gastusin mo 'yan para sa sarili mo."



Nakangiti tuloy ako habang naglalakad kami patungo sa parking area ng school. Nang huminto si David, tumambad sa aking mga mata ang isang halatang mamahaling sasakyan. Pinatunog ni David ang sasakyan niya bago ako pinagbuksan ng pinto.



Manghang-mangha ako nang makaupo sa loob. Minsan lang ako makasakay sa kotse. First time ko 'ata ngayong umupo sa passenger seat. Nang maisara na ni David ang pinto sa gilid ko, umikot na siya patungo sa driver's seat. His moves were so smooth. He put the seatbelt on for me. When he started the engine, I prepared myself. Baka magsuka ako, nakakahiya!



David asked me if I was comfortable in my seat. Ayos naman ako. Kung assumera nga ako, iisipin kong pinasadya 'yung position ng upuan dahil sakto lang iyon sa tangkad ko. Hindi ko pinakialaman ang mga bagay-bagay sa kotse ni David. Baka magalit siya.



"You look heavenly with that headband," David whispered. I smiled at him. Suot ko kasi ngayon iyong binili niyang butterfly headband para sa akin. "You can explore my car if you want. You've been checking the interior."



"Observant ka masyado, 'no?" pagpuna ko. Natawa naman siya.



"Virgo things," tumatawang aniya.



"Taurus ako," nakangiting tugon ko. Sabi sa ilang websites, compatible raw ang Virgo at Taurus. Kaya siguro kami nagkasundo.



I watched how David's hands manipulated the controls. Parang nahulog ako sa mga kamay niya. Those long fingers... Those veins... God, nasusubok nanaman ako!



Ops... Bawal 'yan. Minor moments.



He reversed the car when he was preparing for parking. The way he swiftly turned the steering wheel to the side made me purse my lips. Gosh, ang attractive niya. His right hand rested on the backrest of my seat while he was checking the space outside. Hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko. Tila ba nanlalamig na ang buong katawan ko. Palinga-linga na nga ako sa paligid, e!



Nang ma-park niya ang kotse niya, tinanggal niya ang pagkakakabit ng seatbelt ko. He did that with one hand. Nagulat nga ako dahil bigla niya nalang 'yun tinanggal. Dahil hindi ako sanay sa kotse, hinintay ko na pagbuksan niya ako ng pinto. Hindi naman ako binigo ni David. Syempre, gentleman ang kaibigan ko.



Pumasok kami sa mall na pinuntahan namin noon. Umakbay sa akin si David at hinila patungo sa isang halatang mamahaling restaurant. Nag-alanganin pa 'ko dahil sigurado akong gagastos nang malaki si David. Ayoko naman ng gano'n. Puwede na ako sa Jollibee! Okay na rin nga ako sa karinderya. Pero itong si David hinila na ako palapit sa isang babae. Hinanap ng babae ang pangalan ni David sa listahan niya. Sumunod kami sa babae nang maglakad ito. Nagpasalamat kami nang ituro niya sa amin ang table na ni-reserve ni David.



"Mahal ba rito? Puwede naman kasing sa-"



"Shh. Huwag mo na problemahin ang gastos, Sol. Ako na bahala." Ngumiti si David sa babae nang abutan kami ng menus.



"Pera ba ng parents mo ang gagamitin natin?" mahinang tanong ko. Ayoko ng gano'n!



Bahagyang iginilid ni David ang menu na hawak niya at sinilip ako. Nakangiti siyang sumagot, "No, it's my money. I have my own business."



Tumango-tango ako at chineck na ang menu. Maraming masasarap na pagkain. Karamihan din ay hindi ko alam ang lasa. Tumingin ako sa mga pasta. Natakam ako nang makita ang Creamy Pesto Pasta.



"Truffle Potato Chips for the appetizer. One Chicken Taco Salad. And I'll have Truffle Penne and Cheese Pasta... Tapos one Mango Caramel."



"One Truffle Potato Chips. One Chicken Taco Salad. One Truffle Penne and Cheese Pasta... And one Mango Caramel." David nodded. "How about you, ma'am?"



"Uhm one Creamy Pesto and one Mango Fruit Shake. 'Yun lang."



"Add one slice of Oreo Cheesecake to her order. Wala ka na bang ibang gusto? Appetizer?" David sounded like a father! "This is a celebration of your milestone. You should eat more."



"Katulad nalang sa appetizer niya, miss." Alanganin akong ngumiti sa babae.



"One Creamy Pesto, one Mango Fruit Shake, one slice of Oreo Cheesecake, and one order of Truffle Potato Chips. Is that all, ma'am?"



"Yes. Thank you." Bahagyang yumuko ang babae bago umalis. Nilingon ko si David at sinamaan ng tingin. "Nagmumukha akong bobo rito. Pangmayayaman lang 'to!"



"The foods here are expensive, but that doesn't mean that it's made only for the rich people. Kung may ipon ang isang tao, they can eat here. It's a choice."



"Oo nga, open nga 'to sa lahat ng tao. Pero sa tingin mo, kaming mahihirap, kakain sa ganitong lugar para sa pansamantalang karangyaan at kaligayahan?" Hilaw ang ngiting iginawad ko kay David.



"I'm sorry, I didn't mean it that way."



"Okay lang, naiintindihan ko naman. Gusto ko lang i-prove point ko. Maiba tayo. Saan ka magkokolehiyo? Anong kurso?"



"Still undecided sa school pero I'll take BS Bio siguro or Nursing as my pre-med." Sumandal siya sa upuan niya at pinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib.



"Future doctor ka pala, e. Parang gusto ko na ring mag-medicine. Bagay ba sa 'kin?"



"Hindi naman 'yon sa bagay o hindi. Babagay sa 'yo kung gusto mo talaga. Gusto mo ba talaga?" Tumingin ako sa taas saglit, nag-iisip. Natawa si David. "Ano? Gusto mo?"



"Mmm, parang gusto ko nga," sagot ko habang nakatingin sa kaniya.



__________________________________

To Love the DawnWhere stories live. Discover now