"That was so intense! Kung ako sa 'yo, beshie, pumatol ka na! He's obviously giving you hints that he wants to do the deed with you!""Rissa, can you please stop shouting? I'm using earphones, mababasag na yata eardrums ko." Tinawanan lamang ako ni Rissa. "David is a human. He also has sexual needs. I think it's not because he wants to have sex with me. He's just there, willing to take the bait."
"Then be the bait. What's stopping you?"
"Sa tingin mo ba sex ang habol ko kay David? Rissa, there's no way I'd have that instead of being just his friend. Paano kung pagkatapos naming mag-sex, iwan niya na ako? At maraming magbabago kapag ginawa namin 'yon. I don't want that."
"Pag-usapan natin 'yan mamaya. Sige na, ayusin mo na mga gamit mo."
Inayos ko na ang mga bagahe ko. Kakarating ko lang at inaya agad ako ni Rissa na mag-bar. Ipapakilala niya raw sa akin ang boyfriend niya. Minessage ko si David na nasa Manila ako. I tried calling him but there was no response. I took a nap after that.
When I woke up, I immediately checked my phone. David didn't reply to my messages. Hindi niya rin na-seen. I'm assuming that he's just busy with school. Nanlulumo akong pumasok sa banyo upang maglinis ng katawan. Nais ko sanang mag-drama sa banyo ngunit hindi ko dama dahil tabo ang gamit ko! Dapat talaga magka-shower na kami.
Nang matapos ako sa pag-aayos, nagtungo ako sa sala para kausapin si papa. Last minute paalam nanaman para payagan. Nakangiti akong umupo sa tabi niya. Napalingon siya sa akin at kumunot ang kaniyang noo nang mapansin ang suot ko na tube bodycon dress.
"Pa, inaya po kasi ako ni Rissa na mag-bar. Kasama naman po namin 'yung boyfriend niya. Susunod din po si Larrick."
"Anong oras ka uuwi?" seryosong tanong ni papa. Anong oras ba ako uuwi?
"Baka po abutin ako ng umaga. Kapag hindi ko na po kaya, doon muna po ako sa bahay nila Rissa." Tumango sa akin si papa. "Thank you, pa!"
"Basta bantayan mo ang inumin mo, ha? Maraming mga gago sa inuman. Huwag kang tatanggap ng inumin mula sa 'di mo gaano kilala. Kapag kailangan mong magpasundo, puwede mo akong tawagan."
"Opo, mag-iingat po ako! Thank you! Bye!" Niyakap ko si papa bago lumabas ng bahay.
Pinagtitinginan ako ng mga pasahero sa jeep. Siguro'y napapaisip sila kung bakit ganito ang suot ko. Wala naman problema sa kasuotan ko. Komportable naman ako, e.
Kinailangan ko pang maglakad nang makababa sa jeep. Nang sa wakas ay mahanap ko ang bar na sinabi ni Rissa ay kinuha ko ang salamin ko sa bag. I checked my look. Hindi pa haggard kahit nag-commute. Nakangiti akong dumiretso sa loob ng bar. I was welcomed by blinding lights and smoke. Napaubo tuloy ako.
I went to the second level and saw Rissa making out with her boyfriend. Tahimik akong naupo sa harap nila at hinintay silang matapos. Nang sa wakas ay matapos na sila, napalingon sa akin si Rissa at nagulat pa si gaga. Alanganin siyang ngumiti at lumipat sa tabi ko. Nang akmang makikipagbeso siya ay lumayo ako. Baka may laway pa ng boyfriend niya sa mukha niya. Natawa si Rissa, nakuha agad kung bakit ko iyon ginawa.
"Anyway, Solana, this is Phil, my boyfriend. Babe, this is Solana, my best friend." Phil just raised his brows once and smiled a bit. "Shy type ang isang 'yan."
"Si Larrick?" tanong ko kay Rissa. Napalingon sa akin si Phil. Iyong tingin na parang may ginawa akong kasalanan.
"Hindi makakasunod, e. Nabalian 'yun dahil sa basketball na 'yan. Tanga tanga maglaro amputa. Hayaan mo, may iba naman kaming na-invite. Ayun, si Jenna, kaibigan ko. That's Jeremiah, you already know him, he's David's friend. And that's Isla, she's also a friend." Jeremiah was the first one to greet me. Si Isla naman ay lumapit at nakipagbeso. While Jenna didn't know about my presence because she was too busy making out with a foreigner.
YOU ARE READING
To Love the Dawn
RomanceWhere and when does happiness begin? Solana Eos De Cardenas, a sunshine girl, was having fun being the typical student who doesn't worry about her studies but gets disappointed when she gets low scores. She has always been late for her classes whic...