34

236 9 31
                                    






After namin bumisita kay Lola, pumunta kami sa mall ni David. Naihatid na namin sina Marinel at Tahlia sa bahay. Si Tahlia lang ang nadalhan namin ng mga damit. Kami ni David tig-isa lang na extra ang nadala namin. Mabuti pa nga si Marinel at nakapaghanda pa ng isang backpack ng mga damit niya.



"She's my fiancée, please allow her." Kaagad namang ngumiti ang babaeng staff kay David. Hinila naman ako ni David papasok sa isang fitting room.



Agad akong tumalikod nang maghubad si David ng t-shirt niya. Narinig ko ang mahinang tawa niya. Kahit naman nakita na namin ang katawan ng isa't isa, hindi ibig-sabihin malaya na kaming titingin.



"What are you doing? It's fine to look at me... or my body, Sola." Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa narinig. "It fits me. Should I buy this?"



Nilingon ko si David. Kaagad akong napapikit nang makitang topless pa siya! Napakatarantado talaga ng lalaking 'to. Simula noong una kaming nagkita, tinatarantado niya na ako! Nang muli akong dumilat, nakapagbihis na si David. Sinasara niya na ang zipper ng shorts na kinuha niya.



"Huwag ka na sumama kapag nagsukat ako, ha?" David nodded like a kid. "Good. It looks good on you. Una na ako sa labas."



"Okay, love." David held my neck gently. He kissed my lips softly. "Ang ganda mo."



I felt my whole face heated when he said that. To cover the embarrassment, I kissed him. Isinandal niya ako sa pader. I had to tiptoe. Ako na ang naawa kay David dahil sa height difference namin!



"Wala na kayong ibang kuwarto, 'di ba? Sa mansion tayo." Napatango nalang ako sa gulat. Gano'n na ba siya kasabik?! "Mauna ka na sa labas. Baka 'di na ako makapagpigil."



Naihilamos ni David ang kaniyang mga palad sa mukha nang matalo siya. I ran my fingers on my hair as I smirked at him. Sinenyas niya ang basketball ring. Doon ako kinabahan. Dahil alam kong talo ako sa shooting! Pero hindi ako magpapatalo.



Lumapit kami sa basketball ring. Tig-isang ring kami ni David. Sabay kaming nagsimula. Hirap na hirap akong magpa-shoot. Lumulukso na ako't lahat, wala pa ring pumapasok. I glanced at my fiancé. Ang effortless niya! Mas lalo tuloy akong naging competitive. Nang makapa-shoot ako ay sunod-sunod na ang pumapasok.



"Ay tapos na... Marami akong points!" Nawala kaagad ang yabang ko nang makitang hindi pa tapos ang time ni David dahil sa taas ng score niya. "Madaya!"



"Sharpshooter 'to, madam." Lumayo siya noong panghuling bola niya na. Tumingin siya sa akin at kumindat. Hindi siya lumingon sa ring. Pero pumasok ang bola. "Baka MVP 'to."



"Madam? Nang-iinsulto ka?" Lumapit siya sa akin at tumawa. Pinatakan niya ng tatlong halik ang mga labi ko. "PDA ka, PDL!"



"Sorry na, madam baby." Humawak siya sa beywang ko. "Sharpshooter ako, 'no? Tingnan mo, lupet ng score ko sa 'yo." He wiggled his brows at me.



Umakto akong nasusuka, "Score mo bata, pangit mo ka-bonding!"



"Tangina," natatawang aniya. Habang naglalakad kami papunta sa claw machine, hindi pa rin siya matigil sa katatawa. "Cute naman si Tahlia. Tingin ko nagmana siya sa 'yo. Pero nagiging kamukha ko na siya."



To Love the DawnWhere stories live. Discover now