Tila ba tinatambol ang dibdib ko nang makarating kami sa isang mamahaling restaurant. Inalalayan kaagad kami ng isang staff nang mamukhaan nito si David. Huminga ako nang malalim nang tumigil kami sa tapat ng dalawang naglalakihang sliding doors. Hindi kita sa labas ang nasa loob ng silid. Napangiti lamang ako nang halikan ni Tahlia ang tungki ng ilong ko.Nang buksan ng staff ang pinto, tumambad sa amin ang isang malaking pabilog na lamesa. Sa pinakadulo ay nakaupo ang isang matandang lalaki, na sa tingin ko ay ang lolo ni David. Sa tabi niya naman ay ang daddy ni David, at sa tabi nito ang mommy ni David. Sa kabilang side naman nakaupo ang mga Alcalde. Pinapagitnaan nina Warren at ng mommy ni David ang ate ni David at ang anak nito. Ang tanging bakante lamang na mga upuan ay iyong mula sa tabi ng lolo ni David.
David put his hand on my lower back as he guided me towards the table. Naunang tumayo ang mga Alcalde upang bumati. Lumapit pa sila sa akin upang bumeso. David's sister didn't even bother to look at us. Naiintindihan ko naman kung bakit. Nang tumayo ang mga magulang ni David ay muntik na akong mapaatras. Lumapit sila sa amin at bumeso sa amin ni David. Lumipat ang tingin nila kay Tahlia at kaagad na umaliwalas ang mga mukha nila.
"Sol, puwede bang mahawakan si Tahlia?" Tipid akong ngumiti at tumango sa mommy ni David. Maingat kong inilipat si Tahlia sa kaniyang mga braso. "Hello, apo. Ang ganda ganda at ambango bango naman ng apo ko." Sabay silang bumalik ng daddy ni David sa mesa.
I looked at David's grandfather. Nanatili sa akin ang paningin niya. Ramdam na ramdam ko na ang panghuhusga.
"David, maupo na kayo. Tamang-tama at isa-isa nang sineserve ang mga pagkain." Inalalayan ako ni David paupo. Siya ang tumabi sa lolo niya. Ako naman ang sa gitna nila ni Marinel. "Mabuti naman at pinaunlakan ninyo ang imbitasyon ko."
"Happy birthday, Lo. I hope we'll get to eat peacefully." Napangisi ang lolo ni David dahil do'n.
Tahimik ang buong paligid habang kumakain kami. Tanging ang governor at ang mayor lamang ang nagpapalitan ng mga tanong at sagot. Ang mga magulang naman ni David ay naging abala sa pagpapakain kay Tahlia.
"Happy birthday po, governor." I smiled as I tried to hide my nervousness. Naramdaman ko ang paghawak ni David sa nanginginig kong kamay. "Ito po, regalo namin ni Tahlia. Pasensya na po kung napakasimple lamang niyan."
Inilahad ko sa kaniya ang isang paper bag. Kinuha niya 'yon at kaagad na binuksan. Nang ilabas niya ang card holder na wallet ay napangiti siya. Tumingin siya sa akin. Tinuro niya ako habang may isang ngiti sa mga labi.
"Nakuha mo agad ako, Sol. Alam mo, magagamit ko 'to dahil, hindi naman sa pagmamayabang, marami akong cards. Bibigyan ko nga itong apo ko sa tuhod." Humagalpak ng tawa ang lolo ni David. Pilit naman akong ngumiti dahil kinakabahan pa rin ako. "Sol, alam kong alam mo na hindi ko gusto ang relasyon ninyo ni David."
Natahimik ang buong mesa. Maging ang mga Alcalde ay napatigil. Nakita ko kung paano nagmadali ang mga staff sa pagliligpit ng mga pinggan nang sumenyas ang gobernador. Ganoon din nang mag-serve sila ng desserts, nagmamadali. Siguro'y natatakot na rin sila sa tensyon.
"Papa, mamaya nalang iyan pag-usapan," pagpigil ng daddy ni David.
"Dad, let lolo speak. Noong ako nga rin, e, napahiya ako sa harap ng guests. Dapat si David ay mapagsabihan din. Mabuti nga at dalawa sila. Ako noon walang kasama. Sinalo ko lahat ng galit ni lolo-"
"You deserved that because you never learned your lesson." Nagulat ang lahat nang magsalita si David. "I saved you from everything, without knowing that you yourself was the problem. You think I wouldn't know? Remember the night you went to Sol's house? Nagmakaawa ka kay Sol, 'di ba? Sinabi mo na hindi mo alam na may pamilya ang tatay niya."
"How do you even know that? You weren't there. Hindi pa kayo ni Sol-"
"I was there, but at first I didn't know that it was you. I just realized it after a few years. But let's go back to my point. You knew that her father has a family. Ang sabi nung mga kapitbahay ninyo, sinadya ninyong magtago. Kasi may pamilya ang kinakasama mo. Noong pumunta ka sa bahay nila Sol, hindi ka pa naman talaga iniwan no'n ng papa niya, 'di ba? You were just there to let people know that you exist! Kasi gusto mong umikot ang mundo sa inyo! I'm stupid enough to think that I failed to save you." Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni David. Ramdam ko ang galit na pinipigilan niya. "Kahit na may kasalanan din ang papa ni Sol, nahihiya ako sa tuwing magkikita kami."
Nangilid ang mga luha ko. Nilingon ko ang gawi ng mga magulang ni David. Nakayakap na ang isang braso ng daddy ni David sa mommy niya. Tulad ko ay nangingilid na rin ang mga luha niya.
"May kasalanan ang pamilya ko sa anak niya. At anak niya na 'yon ang babaeng mahal na mahal ko." Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko kanina. "Nalaman ko rin na hiniwalayan ka ng papa ni Sol noong malaman niyang pumunta ka sa bahay nila. At no'ng naging maayos na ulit ang relasyon ng mga magulang ni Sol, umeksena ka ulit. Kahit na sinusuportahan ka ng tatay niya, pinagmukha mo pa rin na pinabayaan ka. Awang-awa ako sa 'yo... Tangina, ang hindi ko alam, ginagago mo na pala kami."
"D-David, ginawa ko lang naman 'yon dahil nagmahal ako! At para rin 'yon sa anak ko. Bakit ba pinag-iinitan mo ako, e ikaw nga 'tong nakabuntis nang maaga? Sa tingin mo, sino ang mas malaki ang kasalanan? Lalaki ka, David, alam mo kung ano'ng ginawa mo."
"Fuck that double standard statement! Yes, I'm a man and I know what I'm doing. Kaya ni minsan hindi ako nanggago ng tao. Gusto mo talagang malaman kung ano ang pinagkaiba natin? You chased after a guy while ruining your life and other people's life. And I chased after a woman while fixing my life. At kahit na naghabol ako, nirespeto ko ang mga desisyon niya." His sister stood up and carried her child. Umiiyak siyang lumabas ng silid. Sinundan naman siya ng bodyguards. David glanced at his grandfather. "I'm marrying Solana Eos De Cardenas. I am not asking for your permission or blessing, I'm just informing you."
"Marry her, my apo. You made me proud. I never said that I didn't like Solana. In fact, I liked her the moment you told stories about her. Natakot lang ako na masira ang reputasyon natin. Dahil matagal nang nasira iyon dahil sa ginawa ng ate mo." The governor looked at me and smiled. "I'm sorry, Solana. From now on, don't be afraid of me. I won't be a hindrance. Puwede ninyo ba akong ipakilala sa apo ko sa tuhod?"
Agad akong tumango. Inilipat naman ng mommy ni David si Tahlia sa mga bisig ng governor. Ngumiti ako at pilit na inabot ang kamay ng anak ko.
"Anak, this is another lolo. You bless na." Agad naman akong sinunod ni Tahlia. Tuwang-tuwa si governor sa ginawa niya.
"Parang mas kamukha niya yata si David?"
"I told you," David whispered to me. Pasimple ko na lamang siyang kinurot sa hita. "Don't worry, we'll make another one. Ipagdadasal ko na maging kamukha mo na."
__________________________________
YOU ARE READING
To Love the Dawn
Storie d'amoreWhere and when does happiness begin? Solana Eos De Cardenas, a sunshine girl, was having fun being the typical student who doesn't worry about her studies but gets disappointed when she gets low scores. She has always been late for her classes whic...