15

313 12 54
                                    






"Magiging asawa my ass... You can't even like me back. Lakas lakas ng loob mong lumandi. Retired playboy ka ba?" bulong-bulong ko sa aking sarili habang hinihintay na ma-full tank ang kotse. Napalingon sa ingay ko si David. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang.



"Badmouthing me now, huh? I suggest you sweet mouth me instead." Nilingon ko siya, nakataas ang isang kilay. Nakita ko ang ngisi niya habang titig na titig sa akin.



"Sweet mouth? Bolahin ka? Sus, David, tigil-tigilan mo ako-"



"When I say "sweet mouth me," I meant kiss me. If you want more, then let's go for torrid-" Natigil siya sa kahalayan niya nang kumatok sa bintana iyong nag-gas. "Thanks."



"Sige, boss. Salamat po!"



"Solana, I can see your killer eyes. Why are you so mad at me? Are you mad that I'm flirting with you? I'm not making you fall even more."



"Then what?!"



Natahimik siya sa tanong ko. Hindi talaga siya nakaimik. Nagpatuloy lang siya sa pagda-drive. Sa pagkakaalam ko ay dadaan muna kami sa suite niya bago kumain sa labas.



Inalalayan ako ni David sa pagbaba. Feel na feel ko naman iyon dahil nakita ko sa mga mata ng mga babaeng nakatingin ang inggit. Ni-lock ni David ang mga pinto bago ako inalalayan papasok sa loob. Napansin ko naman ang pagmamadali ng mga babaeng nakasabay namin sa parking lot. Halos magtulakan na sila habang pinapanood ang bawat kilos ni David.



Hanggang sa makapasok kami sa elevator ay sumunod sila. Naririnig ko ang mga hagikhik nila nang madikit ang isa kay David dahil marami sila. Umusog pa iyong mga nasa unahan, dahilan upang masiksik lalo si David. Hindi na ako nakatiis. Nasa harapan na ako ngayon ni David. Umusog man ang mga babae, ako naman ang matutulak kay David. Narinig ko ang parang tunog ng lamok na bulungan nila. Yumakap ako sa beywang ni David at tumingkid upang mahalikan ang gilid ng mga labi niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Siguro'y nagtataka siya kung bakit biglang nagbago ang mood ko!



"I missed you, babe," malambing na saad ko. May isang umubo sa grupo. Napalingon ako sa kanila at nakitang pasimple nila kaming pinagmamasdan. "Did you miss me too?" baling ko ulit kay David.



"Yeah, I did. I missed you too. I like it when you call me babe." Napangiti ako nang yakapin ako ni David.



"It was actually Dave, bingi ka yata," bulong ko sa kaniya. Mahinang natawa si David. Inilebel niya ang kaniyang mga labi sa aking tainga.



"I know, I'm just helping you pretend. I don't want you jealous."



"Who says I'm jealous?" Sakto naman ay tumunog ang elevator. Nasa tamang palapag na kami. Naunang lumabas ang mga babae. Pinagsiklop ni David ang mga kamay namin at hinila na ako palabas. "Tsinatsansing ka na kasi nung mga babae. Kanina pa 'yon sa parking lot."



"Nakasabay ko na sila kanina. Hindi ko naman binibigyan ng pansin. Hindi naman sila importante." Pasimple akong napangiti sa sinabi niya. Oh damn, Maverick, you don't know what you're doing... "I'll be staying here until Tuesday. Sina mom and dad uuwi na mamaya sa Manila."



"You'll be alone here?" Napalingon siya sa akin nang itanong ko 'yon. Naputol lang ang tinginan namin nang buksan niya ang suite niya. Inilibot ko kaagad ang aking paningin. "Ang laki naman ng room mo."



"You can sleep here if you want."



"Sige, pero kukuha muna ako ng mga damit sa bahay." Mukhang nagulat siya sa pagpayag ko. Napatigil siya sa pag-inom ng tubig. "Ay biro lang ba 'yun?"



To Love the DawnWhere stories live. Discover now