"She takes after you, Sola." David said that while carrying our daughter. Umiling agad ako dahil para sa akin kombinasyon namin ni David ang nakikita ko. "She looks like you. Look at that nose and those eyes. She's so beautiful.""You really can't see your features on her face? She got your lips and your cheekbones." Tumabi sa akin si David habang karga-karga pa rin ang anak namin. "She's beautiful because she's a combination of us, Mav."
"I made the right choice, huh? If I didn't choose you, maybe, I wouldn't have this beautiful kid here." Napangiti ako sa sinabi ni David. Alam na alam kung paano ako kuhanin. "You're amazing, Sola."
"And so are you, Mav." I rested my head on his shoulder while watching our daughter sleep. She was having a nice sleep in the arms of her father. I couldn't pray for more.
When I got discharged from the hospital, we went back home. David's mom was there together with his father. They prepared a mini-celebration for us. Hinayaan namin silang magkaroon ng oras kasama ang anak namin.
Nang matapos ang kainan, nagsimula na kami ni David na mag-ayos ng gamit. Sila tita naman ang nagbantay kay Tahlia. I let Marinel rest for the meantime. Napagod ang isang 'yon sa pag-alalay sa akin sa hospital. Same as David... Wala pa siyang maayos na tulog. Ayaw niya nga yatang matulog dahil binabantayan niyang mabuti ang anak namin.
"Mav, hindi ka pa ba nagde-date ng ibang babae ngayon?" Nilingon ko siya saglit. Nakita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo.
"Walang ibang babae, Sol." Nakagat ko ang pang-ibabang labi sa gulat nang lapitan niya ako. Umupo siya sa tabi ko. "Solana Eos De Cardenas, stop pushing me to choose a different girl."
I gulped so hard when his hand went up to my jaw. He leaned over and stopped an inch away from my neck. Then whispered, "You're just helping me get obsessed with you. But I don't want that, it makes me a bad guy."
"I'm not complaining, Ponce de Leon. Be obsessed with me, I love it." In an instant, I felt his lips on mine. I held both of his shoulders as I carefully shifted my seat to his lap. "Because I'm obsessed with you too," I whispered in between our kisses.
David's hand traveled down to caress my thigh. His other hand went up a bit, lifting my shirt. But he was just caressing my side and back. I felt so hot with those touches.
"David? Sol?" We stopped when we heard knocks. "Nandito ang mga kaibigan ninyo."
David looked straight into my eyes and smirked. "I'm not yet done with you," he whispered with a playful tone.
"Mamaya nalang?" He let out a low chuckle when I asked that. Was it funny? "May nakakatawa ba?"
"Sige, mamaya nalang," bulong niya sa leeg ko. Hinalikan niya ako ro'n bago muling humalik sa aking mga labi. "Mauna ka na sa labas. Ako na tatapos dito."
"O-okay..." Umalis ako sa pagkakakandong sa mga hita niya.
Mainit ang mukha, nagmamadali akong lumabas ng kuwarto. Sumalubong sa akin sina Pia at Qams. Niyakap nila ako. Natawa kaming lahat nang sumabay sa yakapan si Rissa.
"Parang hindi nanganak, sis!" komento ni Pia. Ngumiti naman ako sa kaniya. Naupo kaming lahat sa sala. "Sana all healthy lips."
I pursed my lips when they all looked at my lips. Baka mahalata nila... Pero puwede ko naman sabihing nag-lip gloss ako!
"Lip gloss lang 'to-"
"So, naka-lip gloss din si David?" nakangiting tanong ni Clara habang nakatingin sa kung saan. Nang lingunin ko ang tinitingnan niya, nakita ko si David na nagsasalin ng tubig sa isang baso. "Mahilig din pala sa lip products si doc."
"Ahhhh! Kayo ha! Oh my God, may nangyayari na ba?!" pang-uusisa ni Rissa. Umiling kaagad ako. "Weh? David!"
"Yes?" Lumapit sa amin si David.
"Ano gamit mong lip gloss?" tanong ni Clara. Natawa naman si Rissa. Si Pia naman ay nanunukso na ang tingin.
"Huh? I don't use lip gloss-"
"Confirmed! Huwag ka na mag-deny, De Cardenas!" sigaw ni Rissa habang pumapalakpak. Pumalakpak din ang mga kaibigan ni David. "Hindi naman kita masisisi."
"Mav, patuloy mo nalang ginagawa mo sa loob. Girls talk lang kami-" Nagulat ako nang bigla niya na lamang akong halikan sa noo. "A-ano 'yon?"
Nagkibit-balikat lang siya bago umalis doon. Nagtilian naman ang mga babae nang makaalis si David. Si Rissa muntik nang makalimutan na galing palang ako sa hospital. Buti nalang at napigilan agad siya ni Clara. Sina Pia at Qamari naman ay naghahampasan na.
Hindi rin nagtagal, si Qamari naman ang naging sentro ng usapan. Noong pasko sinabi niya na kay Ethan na buntis siya. Tuwang-tuwa naman daw si Ethan. Mukhang hindi naman sasaktan ni Ethan si Qamari. Halatang mahal na mahal niya ang babae. Si Clara naman ay deny pa rin nang deny patungkol sa relasyon na mayroon sila ni Edward.
"So happy for my girls." Niyakap kami ni Pia. "Clara, mag-anak ka na rin!"
"Ulol! Mauna ka na kung gusto mo." Nagpakyuhan pa ang dalawa. "Sabihan mo na piloto mo, keep up naman."
"Hey, no! Wala pa sa plans namin 'yan. Nagsisimula palang kami, duh. Kayo ni Edward? Wala pa kayong plano?"
"Best friends kami, bobo ka?" Inungusan ni Clara si Pia kaya natawa kami. "Ba't 'di mo sinama si Markus? Takot kang malaman niya tunay mong ugali, sis?"
"Hoy, Clara Sage Laurel! Nagpapakatotoo ako, 'di tulad mo! Deny ka nang deny, e kumikinang naman mga mata mo kapag nakatingin ka kay-"
"Ay imbento," pambabara agad ni Clara kay Pia.
Hanggang sa magpasya silang umuwi ay nagbabangayan pa rin sina Pia at Clara. Si Qamari naman ang sumasaway sa dalawa. Si Rissa patawa-tawa lang. Hindi ko nga alam kung nakikisama lang si Rissa o masaya talaga siya na kasama ang mga kaibigan ni David.
Sunod na nagpaalam ang mga magulang ni David. Nang umalis na ang lahat, mahimbing naman ang tulog ni baby. May kasama naman kaming nurse ni David kaya hindi kami mahihirapan. Pagkatapos namin mag-dinner, sinabihan ni David ang nurse at si Marinel na kami na muna ang bahala kay Tahlia. Dahil tulog na tulog naman ang anak namin, hindi kami mahihirapan sa pagbantay.
"Mahilig siyang matulog, parang ikaw," pang-aasar ko kay David. Umirap lang siya at yumakap sa akin mula sa likuran. "Mahiya ka naman sa anak mo."
"Kiss lang naman. Baka bumuka 'yang tahi-"
"Ano ba, David?!" Tumawa lang siya sa naging reaksyon ko. Humalik-halik siya sa aking batok at leeg. "Na-miss mo ako?"
"Sobra..." Humigpit ang yakap sa akin ni David. Parang ayaw niya na akong pakawalan. "Na-miss mo rin ba ako?"
"Sorry pero hindi. Lagi ka naman kasing nasa paligid." Narinig ko ang mahinang tawa ni David. "Mav, hindi pa ako handa na sumubok ulit. Gusto ko, maging okay tayo kapag okay ka na rin."
"What do you mean?"
"Kahit sa tingin mo hindi ako sagabal sa mga kailangan mong gawin sa buhay... tingin ko kasi sagabal talaga ako. Pero hindi ibig-sabihin nito, hindi na kita mahal. Mahal kita, Mav. Pero may mga bagay kasi na dapat unahin at baka hindi natin magawa kung nasa isip natin ang relasyon nating dalawa." Buong lakas ko siyang hinarap. Ginawaran ko siya ng isang ngiti.
"I understand, my love. Please don't forget that I love you no matter what." He whispered those words before he pressed our lips together.
__________________________________
YOU ARE READING
To Love the Dawn
RomanceWhere and when does happiness begin? Solana Eos De Cardenas, a sunshine girl, was having fun being the typical student who doesn't worry about her studies but gets disappointed when she gets low scores. She has always been late for her classes whic...