Prologue

1K 23 39
                                    






"Solana Eos De Cardenas!"



"Absen-"



"Present po, ma'am!" Habol ang hininga akong napasandal sa hamba ng pintuan. Nilingon ako ng buong klase. Tumaas ang kilay ni Ma'am Sevilla at nagkrus ang kaniyang mga braso sa harap ng kaniyang dibdib. "Ma'am, sorry po, I'm late. I was caught in the traffic."



"Is that a valid reason?" Well, it should be! I woke up early; however, the damn traffic put me in this position. "Ms. De Cardenas, I'm asking you a question."



"No, ma'am..." I looked down and bit my lip, preparing for a scolding.



"Go to the faculty room. State your reason there. They will give you a form."



"Yes, ma'am. Thank you and I'm sorry." I turned around to walk away. I brushed my hair with my fingers. Nagmamadali akong nagtungo sa faculty room. Baka magpa-quiz si ma'am tapos wala akong maabutan.



Inayos ko ang sarili bago kumatok sa faculty room. Pagkatapos ng isang katok, binuksan ko ang pinto at ngumiti. Binati ko ang faculty staff na naroon. Dumiretso ako sa table ng supervisor namin pero kaagad na napansin na wala siya roon. Napalingon sa akin si Mr. Cristobal at umiling, sinasabing wala si Mr. Lafuente. Bagsak ang balikat, tumalikod na ako. Ngunit bago pa man ako makaalis sa aking puwesto ay may pumasok na estudyante.



Malinis siyang tingnan sa uniform niya. Plantsado ito at walang bahid ng dumi. Ang kaniyang buhok ay nakaayos din palikod, parang ginamitan niya ng wax. May kaunting buhok lamang na kalat sa kaniyang noo. Ang kaniyang makakapal ngunit pormadong kilay ay bahagyang magkasalubong. Ang kaniyang kutis ay halatang malambot. Kahit na namumula siya ay kapansin-pansin ang kaputian niya. Ang labi niya'y mapula at may kakapalan. Ang ilong ay puwede nang gawing padausdusan sa sobrang nipis at tangos nito. Ang mga mata'y may kasingkitan.



Tumikhim siya bago ako nilagpasan. Binati niya ang staff at malugod din siyang binati ng mga ito. Napalingon ako sa kaniya nang marinig ang boses ni Mr. Cristobal.



"Mabuti at nandito ka na, David. Hindi ka talaga mala-late, 'no? Sabi ni Mr. Lafuente, sa 'yo ko muna raw ibilin itong late slip."



"Sir, i-excuse mo naman po ako sa klase. Baka wala nanaman ako nitong grade kay Ma'am Santa Ana."



"Ako bahala, David. Alam mo naman siguro ang gagawin mo, 'di ba? Maglilibot ka lang, mag-aabang sa mga late. Solana, hindi ba't kaya ka narito dahil na-late ka sa klase mo? Sumabay ka na kay David, nasa kaniya ang hinahanap mo." Nasa kaniya ang hinahanap mo. Wala naman, sir. Moreno type ko, sir.



Katulad ng nangyari kanina, nilagpasan ako nung David. Kaagad akong nagpaalam kay sir at sumunod kay David. Mukha akong asong nakasunod sa kaniyang amo. Nang makarating kami sa tapat ng classroom ko, tumigil si David. Hinarap niya ako at inabutan ng slip. Inilagay ko sa aking harap ang backpack at kukuha na sana ng ballpen nang kuhanin niya ang ballpen sa bulsa ng pants. Kinuha ko agad 'yon at tahimik na nagsulat sa slip.



"Traffic?" Nairita ako nang marinig ang mahinang tawa ng lalaki. "Not a valid reason-"



"Kaya nga ako nasa tabi mo ngayon, 'di ba?" Sarkastiko akong ngumiti sa kaniya.



"Pilosopo," bulong niya sa hangin.



Nang matapos ako sa pag-fill up, binalik ko sa kaniya ang ballpen niya. Papasok na sana ako sa classroom nang may humatak sa akin. Hinarap ko si David at plastik na ngumiti.



"I need to copy whatever you wrote. For the record." He showed me a thick folder. Okay, madali akong kausap. Binigay ko sa kaniya ang slip ko. "Solana Eos De Cardenas?"



To Love the DawnWhere stories live. Discover now