42

235 8 20
                                    






"Drink this too." Inilapag ko sa harap ni David ang isa pang canned beer. Hindi ko naman puwedeng inumin 'yon. David poured fresh milk into my glass. I raised my glass and looked at David. He smiled and clanked his glass with mine.



Payapa naming pinakinggan ang tunog ng dagat. Sa gitna ng kadiliman, tanaw namin ang iilang ilaw na nagmumula sa mga barko at bangka. Hinawakan ni David ang kamay ko habang patuloy naming ninanamnam ang malamig na hangin.



"Mavi, curious ako... Sino ba first love mo? Si Zelena ba? Kasi naaalala ko pa, patay na patay ka sa kaniya noon." David chuckled as he listened to me. "Tama ba ako?"



"What I felt for Zelena was beyond our friendship but it was less than a love for a woman. At first I really thought I was in love with Zele. But you made me so confused, Sol. Because it was different for you. Napaisip nga ako kung ba't gano'n 'yung naramdaman ko sa 'yo. Sobra 'yung takot ko na mawala ka sa 'kin, Sola. Oo, nasaktan ako nung malaman kong wala talaga akong pag-asa kay Zele. Iniyakan ko pa nga. Pero nung akala ko wala na akong pag-asa sa 'yo, na iiwan mo na ako, 'yun ang hindi ko kinaya." Hinawakan ni David ang upuan ko nang pinilit kong abutin ang mukha niya upang mahalikan siya. "Ikaw ba, love? Who's your first love? Larrick? Warren?"



"Kalaro ko lang 'yun si Warren dati! Si Larrick naman ay kaibigan lang talaga. Ikaw na nga siguro talaga first love ko. Pero hindi naman talaga kita type noon, moreno type ko!" Sumisimsim si David sa can nang matawa siya. "First love never dies daw. Kaya siguro nabuhay ka pa rin after nung aksidente, 'no?"



"Tangina naman, Sol!" Tawang-tawa si David. Muntik pang matapon ang iniinom niya. Natawa rin tuloy ako. "Ang pangit pakinggan. Pero hindi ka rin mamamatay nang maaga, Sol."



"Bakit naman?"



"Matagal daw mamatay ang masamang damo. Dami mo pa naman kasalanan-" Inabot ko ang buhok ni David. Nasasaktan man ay tumatawa pa rin siya at hinahayaan lang ako. "Biro lang. Ano ba 'yang mga biro natin, 'di maganda. Walang mamamatay, ha? Kapag namatay ang isa-"



"Sinabi mo palang na walang mamamatay, tigilan mo nga ako, De Leon!"



"De Leon?!" Humagalpak ako ng tawa sa galit na reaksyon ni David. "Puta, ayaw kong makapangalan 'yung hayop na 'yon. Ponce de Leon, babe, PDL."



"Oo na po, Ponce de Leon. Alam mo, dapat si Larrick nalang pinakasalan ko, eh. Hindi pa mahihirapan mga anak ko sa pagsulat ng pangalan nila."



Binitawan ni David ang kamay ko. Humalukipkip siya at nakabusangot na. Pasimple akong tumawa bago tumayo. Naglalambing akong umupo sa mga hita niya. Kaagad na umalalay ang isang braso niya sa likod ko dahil nakatagilid ako.



"Mas maiksi ang Anderson, eh-"



"Mas mahal mo naman 'yung Ponce de Leon." Pinatakan niya ng halik ang mga labi ko. "Dito ka nalang sa Ponce de Leon, ha?"



"Pinakasalan na nga!" David chuckled as he looked at my finger. When he looked back at my face, he genuinely smiled. "Hulog ka nanaman?"



"Isang round pa tayo-" Pabiro kong hinampas ang braso niya. Tawang-tawa naman ang gago. "Bakit? Napagod ka na ba? Sign of aging 'yan."



"Buntis lang, Maverick! Buntis ba naman kinakadyot mo!" Hindi siya makapaniwalang tumitig sa akin. Nang mapagtanto ko kung ano ang sinabi ko, sabay kaming natawa. "Tangina mo naman kasi!"



"Sa "Maverick" mo ako nadadali. Shit, ang korni ko na dahil sa lecheng pag-ibig!" I kissed his lips. Hindi na talaga ako makapagpigil! "Isa pa nga, hindi ko naramdaman!"



"Ulol-" Naputol ang sasabihin ko nang halikan ako ni David. Humawak ako sa mga balikat niya at pinisil ang mga iyon. "Hindi ba parang inappropriate na mag-make love tayo to each other knowing na may baby sa tummy ko?"



"Love, safe si baby. At 'yung ginagawa natin ay simbolo ng pagmamahalan natin-"



"Ang baduy, David!"



Napaupo ako sa buhangin nang mapagod sa pakikipaglaro kay Tahlia. Ang likot niya na! Kaagad na dumalo sa akin si David. I smiled at him to assure him that I'm okay. Tumabi siya sa akin, basa pa ang buong katawan galing sa paglangoy sa dagat. Si Marinel na ngayon ang nakikipaglaro kay Lia sa tubig. Tuwang-tuwa ang anak namin ni David sa mga alon. Mabuti nga't ngumingiwi lang siya at hindi umiiyak kapag nakakainom ng tubig-dagat.



Biglang tumayo si David. Napatili ako nang walang kahirap-hirap niya akong binuhat. Napakapit nalang ako sa leeg ni David. Tuwang-tuwa siya habang dahan-dahang lumulusong sa tubig. Nang makarating kami sa malalim ay ibinaba niya na ako. Dahil mababa ako ay kinailangan kong humawak kay David. Malulunod ako sa lagay na 'to! Ipinulupot naman ni David ang mga braso niya sa baba ng dibdib ko, sa itaas lamang ng aking tiyan. Dahil do'n ay hindi na ako nakatungtong sa buhangin, nagmistula akong may salbabida.



Napapikit ako nang halikan ni David ang likod ng tainga ko. Hinaplos ko ang mga braso niya dahil sa sensasyong nararamdaman.



"I love you, Sola. I can't stay here without wearing my sunglasses because even if it's already late in the afternoon, the sun remains bright. But I can withstand your brightness, my love. It might hurt my eyes but I'll never complain. I can close my eyes for a rest but I want you to be the first thing that I'll see when I open my eyes once again." I watched the reflection of the sun in the waves. "I love my own sun."



"I love you, Mavi." Humarap ako sa kaniya at humalik sa mga labi niya. "Ikaw lang ang lalaking iibigin ko... Pero kung magkakaanak tayong lalaki..."



Natawa si David, "Do you want him to be David Maverick Ponce De Leon Jr.?"



"Ang haba na nga ng pangalan mo, dinagdagan mo pa ng junior! Sana talaga-"



"Si Larrick nalang pinakasalan mo? Just try, Sol, try it." Natawa ako sa pagbabanta niya. As if naman papatol ako kay Larrick! "What do you want to do for the rest of our lives?"



"I just want to be with you, Mav. Gusto ko na magpapahinga tayo sa isa't isa. Na uuwi tayo sa isa't isa. Iyon lang ang gusto ko."



"I can live with that, Sola love. I can meet your wants, your needs, and your..." He placed his lips near my ear. "Your desires. I can bear with all those for you."



__________________________________

To Love the DawnWhere stories live. Discover now