"Pia, baka hindi na ako tanggapin kasi-""They will accept you, Sol! If they don't, I'll talk to Atty. Contrera. I'll say goodbye to C-box."
Pia linked our arms and pulled me until we reached the high building of C-box. Pagpasok palang namin sa gusali, binati na si Pia ng mga tao. Sa tuwing babatiin nila si Pia ay mapapalingon naman sila sa akin. Pia glanced at me and smiled widely like she was proud of something.
Dumiretso na kami sa elevator at pinindot ni Pia ang 12th floor. Ramdam ko na ang mga butil ng pawis sa aking noo. Nang bumukas ang elevator, nagulat ako nang makita si Zelena. Ngumiti siya kay Pia at kumaway sa akin. Tahimik lang si Zelena habang nakatayo siya sa isang sulok ng elevator. Hindi ba sila close ni Zelena?
"Una na ako, Pia and Sol." Zelena smiled at us when the elevator stopped at the 10th floor. Tumango ako sa kaniya at bahagyang kumaway.
Tahimik akong sumunod kay Pia nang makarating kami sa 12th floor. Maraming pinto sa hallway. Nang makarating kami sa pangatlong pintuan, kumatok si Pia at binuksan na ang pinto. Kaagad na lumingon sa amin ang mga naroon. Ngumiti ang karamihan kay Pia. Ang iba naman ay tulala habang nakatingin sa akin. Hinawakan ni Pia ang kamay ko at unti-unti ay hinila niya ako para tumayo ako sa tabi niya.
"Hi, everyone! This is Solana, the woman I'm talking about. Stacey, ikaw na muna bahala kay Sol, ha? Ayusan mo na siya."
"Sure, Piyang!" Lumapit sa amin iyong Stacey. "Halika na, Mamsh!"
"Stacey, iyong two-piece na silver, please. Bagay iyon sa kaniya."
"Yes, mama!" Kinabit na ako nung Stacey at iginiya patungo sa isang maliit na room. "Hindi na kita lalagyan ng makeup, ha? Para makita nila Mama Violet ang natural beauty mo."
"Uh, Stacey, hindi na ba tatakpan iyong stretch marks ko-" Inabot niya sa akin ang isang pares ng silver two-piece. "Susuotin ko 'to?"
"Oo, 'yan ang utos ni Mama Violet. Ano bang stretch marks? Dala ng period, Mamsh? Okay lang 'yan!"
I was so scared to go out of the room. I knew there'd be judgment on my body as soon as I walked out of the room. But to my horror, Stacey held my wrist and pulled me out. The people looked at me. Pia wore her precious smile as she surveyed me. But contrary to that, their Mama Violet didn't smile at all.
Pia gave me a double thumbs-up while they were watching me. Iyong Mama Violet ay nakikipag-usap pa sa iilang tao na naroon. They kept on surveying my body. I suddenly remembered how I once joined a pageant. Nakalaban ko ro'n si Pia. She won the pageant. Nanalo si Pia dahil sa talino, confidence, at ganda niya. Habang ako ay nanalo ng minor awards dahil sa katawan ko dati na gustong-gusto ng judges at partners ng organization. But seeing the disgust in their eyes now made me think that I was no longer that young Solana.
"Solana Eos De Cardenas?" Tumango at ngumiti ako kay Mama Violet. Ngumiti siya sa akin ngunit alam kong hindi iyon totoo. "I like your face. I love how beautiful your features are. But I must be honest with you that your body doesn't meet our standards. Don't let this discourage you, Solana, we are just telling you that you need to work on your body more."
"May I ask... In what aspect of her body did she fail?" Pia interfered. "Because for me, Sol's body is beautiful. It is unique. It is a symbol of her womanhood."
"Pia, anak, alam mong hindi pa kumukuha ng mommies na ang agency natin. Wala kaming problema kung nanay na si Sol pero ang amin lang, magiging big deal ito sa iba at magba-backfire 'to sa atin-"
YOU ARE READING
To Love the Dawn
RomanceWhere and when does happiness begin? Solana Eos De Cardenas, a sunshine girl, was having fun being the typical student who doesn't worry about her studies but gets disappointed when she gets low scores. She has always been late for her classes whic...