Hinalughog ko ang desk ni David habang naliligo siya. Kumuha ko ng isang yellow pad paper at ballpen. Naglagay ako ng header na "For baby PDL." I started listing the things that I want to happen. Syempre unang-una ay maalagaan si baby.1. Take care of baby
2. Provide him/her with basic to major needs
3. Be good parents
4."What are you doing?" Hindi ko na nagawang lingunin si David dahil abala ako sa pagsusulat. Nalanghap ko na lamang ang body wash niya. Hindi na siya nakatiis, lumapit na. "Para saan 'yan? Project mo?"
"Project nating dalawa. Gagawin natin lahat ng 'to para kay baby. Ikaw ba? May gusto ka bang ilagay?" Inilahad ko sa kaniya ang ballpen. Nagpunas siya ng kamay bago kinuha ang ballpen. "Ayusin mo, ha? Gagawin natin lahat ng nakasulat diyan."
4. Take care of Mommy Sola
5. Spare time for baby
6. Comeback kasi I miss Mommy Sola na"Ano 'yang panghuli?! Hindi naman 'yan kailangan ni baby!" Sinamaan ko ng tingin si David. Ngumiti lang siya bago niya kinuha ang nilapag na ballpen upang i-cross out ang isinulat. "Wala akong pinagsisisihan sa desisyon ko. Maganda naman kinalabasan..."
"Ano nga 'yung rason mo? Pagod ka na? Kailangan mong mag-focus sa studies mo? Oh, bakit hindi ka nagpatuloy sa pag-aaral?" Nagkrus ang kaniyang mga braso sa ibabaw ng dibdib niya. Sumandal siya sa desk, paharap sa akin. "Bakit, Sol?"
"Una, gusto kong ibigay lahat bago ako magpaalam sa pag-aaral. Kaya ako nakipaghiwalay. Pangalawa, kaya hindi na ako nagpatuloy kasi hindi ko na makita ang sarili ko na... na professional? Tingin ko naman, professional na ako kung professional ako umakto."
"What are your plans after you give birth to our baby? I can provide but you must also have your fair shares. It's not about us anymore, it's about our kid's future. And it's for you, Sol." We looked into each other's eyes. "Kung piliin mo man na lumayo, na hindi ko hinihiling na gawin mo, maganda na handa ka. Handa kang tumayo sa sarili mong mga paa. You won't need other people's help because you can help yourself."
"Naisip ko na rin 'yan. Kaya nagpaplano na rin akong magtayo ng sariling business. Magsisimula ako sa paggawa ng crocheted bracelets, swimwear, and flowers kasi uso 'yon ngayon. Kakausapin ko nga rin si Pia. 'Di ba nagla-live selling siya? Ipapatinda ko sa kaniya 'yung iba kong paninda. Hahatian ko nalang siya."
David just stared at me. Humanga nanaman ang isang 'to! Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagsusulat ng mga kailangang gawin. Hindi pa rin umaalis si David sa puwesto niya.
"May kailangan ka siguro. Sabihin mo na, hindi naman kita kakagatin."
"Nag-aaya sila Clara uminom mamaya. Kung okay lang sana-"
"Okay. Basta huwag na huwag mo lang sasabihin sa kanila o sa ibang tao na nabuntis mo ako. Ayokong may sumira sa mapayapang buhay natin." Parang tuta na tumango si David. "And if I text you, what will you do?"
"Uuwi na agad," mahinang tugon niya.
"Very good. Don't worry, I won't text you naman if it's not so important." I smiled.
It was already 1 in the morning. Wala pa rin si David. He just texted me good night. Nothing more and nothing else! Pinipigilan ko lang ang saril kong i-text siya dahil minsan lang naman siya mag-party with friends.
Hindi naman porque magiging tatay na siya, e wala na siyang karapatang magsaya. Nagdesisyon na akong bumangon. Inabot ko ang remote control at binuksan ang TV. Nag-browse nalang ako sa Netflix. I ended up watching a horror movie. They said it's not good for pregnant people. But still, I tried. Well, I survived. And there's no David pa rin.
YOU ARE READING
To Love the Dawn
RomanceWhere and when does happiness begin? Solana Eos De Cardenas, a sunshine girl, was having fun being the typical student who doesn't worry about her studies but gets disappointed when she gets low scores. She has always been late for her classes whic...