"I think she's telling me to wipe her mouth," David said as he stared at Tahlia. Inabot ko sa kaniya ang wipes. "Close your mouth, anak. Daddy's gonna wipe your mouth, okay?"Tahlia nodded like a happy kid. Clingy talaga siya tulad ni David. Pero kay David lang siya clingy. She clapped her hands when David finished wiping her mouth clean. I smiled at her, adoring her precious reaction.
"Than chu, daddy!" One good thing about our relationship with Tahlia, is that she copies the good traits from us. Dahil madalas akong magpasalamat kay David ay nagagaya niya na.
"You're welcome, anak." Tahlia showed her big smile to her daddy.
"I wab yu, daddy!" Napangiti ako sa lambing ni Tahlia. Gano'n din si David.
"I love you, anak." He then kissed our daughter's forehead. "You did great. Finishing your food on your own."
"I wab yu, daddy," panggagaya ko sa anak namin. Natawa si David. Hinalikan niya rin ang noo ko.
"I love you, Mommy." He continued taking videos of Tahlia. "Sola, when will we continue what was supposed to happen last week?" Binaba niya ang kaniyang phone at binigay na sa akin ang kaniyang atensyon.
"Kasalanan mo naman kung bakit 'di natuloy. Ginawa mo kasing dahilan 'yung "emergency call," nagkatotoo tuloy." Natawa si David at binigyan na lamang ako ng isang halik. "Ewan sa 'yo, Mav."
"We'll do it next time, hmm? Kapag may free time."
They say happiness and sadness are partners. They're telling the truth. Two days later, David received a call from one of his hired private investigators. It was a call saying that Lola was rushed to the hospital. Mataas ang lagnat niya at hirap na rin siyang makahinga.
Inaya agad ako ni David na bumyahe patungong probinsya. Sinama na rin namin si Tahlia dahil willing naman umalalay si Marinel. I was nervous the whole time. Nag-aalala ako para kay Lola at natatakot din sa sasabihin nila mama kapag nakita nila kami.
Just when scary thoughts bombarded my head, David took my hand. He held it tightly and caressed it with his thumb. Hinalikan niya ang likod ng kamay ko. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na pasan ko. Gumaan ang pakiramdam ko dahil alam ko na kasama ko ngayon si David. At kung may mangyari man, hindi niya ako pababayaan.
"Mami..." Napalingon ako sa backseat nang marinig ang boses ni Tahlia. Inilipat siya ni Marinel sa akin. "Mami..."
"Yes, anak? Are you hungry?" Nang mapansin ang pagpikit ng mga mata niya, alam ko na agad kung ano ang nangyari. Naalimpungatan lang ang anak ko. "Aww, sleep pa, anak."
"Naalimpungatan lang 'ata." Ibinaba ni David ang car sun visor sa tapat namin. "Kahit tinted, mainit pa rin ang araw."
"Mag-aaral na talaga akong mag-drive. Para kapag ganito, may papalit sa 'yo." Napangiti nalang si David. "Seryoso ako, Mav."
"Okay, tuturuan kita next time." Ngumiti nalang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagpapatulog kay Tahlia. "Malayo-layo pa tayo, matulog ka na rin muna."
I woke up with someone gently tapping my thigh. It was David. He was carrying Tahlia with one arm. Gising na gising na ang anak namin. Nasa labas na rin si Marinel na mukhang naghihintay sa amin. Ipinatong agad ni David ang kamay niya sa ulo ko nang bumaba ako ng sasakyan. After he closed the door, he reached for my hand. Sabay kaming naglakad patungo sa loob ng hospital.
Ramdam ko ang pagtagaktak ng malamig na pawis sa katawan ko. Si David na ang nagtanong kung anong room si Lola. Kaagad naman iyong sinabi ng nurse. Mas dumagdag ang kabang nararamdaman ko nang makasakay kami sa elevator. Alam kong palapit nang palapit na kami. Nang bumukas ang elevator ay nagpatianod na ako kay David. Nababalisa na ako kaya mas minabuti ko nalang na manahimik.
Nang huminto si David sa tapat ng isang pintuan ay natigil ang paghinga ko. Nilingon niya ako at nakiusap gamit ang mga mata niya. Tumango ako sa kaniya. Unti-unti niyang binuksan ang pinto.
"May tao 'ata, pa." Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang boses ni mama. "Sino sila?"
"Sol?" Nag-angat ng tingin sa amin si mama nang bigkasin iyon ni papa. Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha niya. Ngunit napalitan iyon ng gulat nang makita niya si David na may kargang bata. "Anak, ikaw ba 'yan?"
"Ma... Pa..." I couldn't utter other words. I felt my tears forming.
"Sol... David... N-nandito kayo." Bumagsak ang mga luha ko nang yakapin ako ni mama. Binitawan ni David ang kamay ko at hinayaan akong yakapin pabalik si mama. "Pasensya na, a-anak. Masyado akong naging malupit sa 'yo."
"Sol!" Nagmamadaling lumapit si papa at nakiyakap. "Akala ko hindi ka na ulit magpapakita sa amin." Nang pakawalan nila ako ay sabay nilang nilingon si David. "David, hindi mo iniwan ang anak ko. Maraming salamat at pasensya na rin kung hindi namin kayo natulungan."
"Wala pong problema." I heard the anger in David's voice. After all, my father did something bad to his sister.
"Ma, pa, kasama pala namin ni David si Tahlia, anak po namin. Siya po 'yung dinadala ko nung u-umalis ako-"
"Hindi ka umalis, anak. Kasalanan namin 'yon. Pasensya na talaga." Tumango lang ako kay mama. Nilingon niya si David at nilapitan. "David, pasensya ka na. Mali ako sa mga inisip ko tungkol sa 'yo. Salamat dahil hindi mo iniwan si Sol."
"Hindi ko po tinatakasan ang responsibilidad tulad ng iba." Papa looked bothered by that. "Wala rin naman pong kaiwan-iwan kay Sol."
"Ma, si Lola, kumusta?"
"Anak, ayos na ang lola mo. Nagpapahinga lang siya ngayon dahil naubos ang lakas niya. Napakalakas nga rin ni mama dahil lumaban siya. Alam mo, habang lumalaban siya, ang nasa isip niya raw ay kayo ni David. Siguradong matutuwa siya kapag nakita niya kayo." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni mama. "Puwede ko bang mahawakan ang anak ninyo?"
"Anak, this is your lola." Inilipat ni David ang anak namin sa mga braso ni mama. "Bless ka kay lola, anak." Bumisa naman si Tahlia kay mama. Napakatalino talagang bata. "Ito naman ang lolo, Tahlia. Bless ka rin." Bumisa rin siya kay papa nang lumapit ito.
Nilingon ko si David na tahimik lamang habang pinagmamasdan si papa. Alam kong naiinis siya. Pero alam ko ring nagpipigil siya. Siguro'y iniisip niyang hindi pa ito ang tamang oras. Nilapitan ko siya at hinila hanggang sa makarating kami sa loob ng kuwarto. Nadatnan namin si lola na mahimbing na natutulog. Naupo si David sa espasyo sa gilid ni lola at hinawakan niya ang kamay nito.
"La, gising na. Nandito na ang paborito ninyong apo. Hindi ba sabi ko sa inyo, dapat pagbalik ko, malakas ka pa rin. Kasi aasawahin ko pa ang apo ninyo. Mapapangasawa ko na po si Sol." Nangilid ang mga luha ko sa mga sinabi ni David. Nag-iwas ako ng tingin. Nang muli ko silang tingnan ay nahuli ko si David na nakamasid sa akin.
"Alam mo ba, pangarap ni lola na makapag-asawa ako ng doktor. Salamat kasi dahil sa 'yo matutupad 'yon. Sabi niya sa akin, mag-asawa raw ako ng doktor kasi mayaman daw." Natawa si David sa narinig. "Tapos malinis daw tingnan. At sa sobrang abala sa trabaho, baka hindi raw talaga magloko."
"May sense naman sinabi ni lola," nangingiting ani David. "Kailangan ninyo pong magising at mabuhay nang matagal, La. Mag-aasawa na ng doktor si Sol, dapat makita n'yo po 'yon."
__________________________________
YOU ARE READING
To Love the Dawn
RomanceWhere and when does happiness begin? Solana Eos De Cardenas, a sunshine girl, was having fun being the typical student who doesn't worry about her studies but gets disappointed when she gets low scores. She has always been late for her classes whic...