"Sol, may nagpapabigay." Pinasa sa akin ng kaklase ko ang isang papel. Kumagat ako sa binili kong burger bago iyon binuksan.Tinatangi kong Solana,
Sa tuwing naririnig ko ang iyong pangalan, ako'y nabubuhayan. Sa pagsikat ng araw, ang liwanag ng iyong mukha'y sumisigaw. Hindi ko alam kung paano ko aaminin sa iyo na ikaw ang tinatangi ko. Ngunit heto pa rin ako, sumusulat sa iyo. Sa kagandahan mo ako'y nauuhaw. Ako'y isa lamang sa mga nangangarap na mapalapit sa 'yo balang araw.
Nagmamahal,
Edmond
"Sino si Edmond? Kilala mo ba, Peter?" Kaagad na umiling sa akin si Peter. "Sino nagbigay?"
"'Di ko kilala, sabi niya pinapabigay raw ng kaklase niya." Tumango nalang ako.
Pinicturan ko ang pagkain ko at ang love letter. Sinend ko 'yon kay David. Siya naman ngayon ang mag-overthink kung gusto niya. Nakagat ko ang labi ko nang marinig ang notification bell. Ang bilis naman mag-reply.
Dada
Active nowWho's that Pokemon?
Admirer ko, ssob
Dadaan muna siya saakin
Pinanindigan mo naman nn mo
Literal na dada ka pala
Shh, I'm in class.
Reply reply ka pa diyarn
Don't reply after this
seenAlam ni David na ayokong nala-last chat. Kaya palagi siyang nagpapa-last chat. I didn't want to disturb him, so instead of messaging him, I tagged him on my story. It was a random selfie I took earlier. Hindi agad 'yon mapapansin ng iba pero lalabas iyon kay David.
Nagulat ako nang mag-ring ang phone ko. I cleared my throat when I saw that it was David. I answered the call and bit my lip. I heard his deep breath. I was waiting for him to speak. Si David ba talaga ang kausap ko? Baka napindot niya lang? I was starting to overthink. But then, I heard some deep voices talking to David. They were talking about lunch.
"Solana? I just called to say that you're beautiful. Just saw your story. Bye, I gotta go and eat lunch. Eat a healthy meal, okay?"
I was out of words for the rest of the day. I still can't believe that my crush called me to tell me that I'm beautiful! Lord, may nagawa na ba akong tama?!
Hanggang Sabado ay buo ang ngiti ko. Nakangiti ako habang nagpapaypay sa nilulutong barbecue. Wala naman akong ginagawa kaya tinulungan ko na si ate Divina. Ang saya ni ate dahil marami raw bumibili. Iniisip niya na dahil sa akin kaya maraming bumibili. Wala naman akong pakialam sa ibang lalaki. Hay, kumusta kaya si David? Maghapon ko siyang hindi na-update.
"Limang barbecue po. May maanghang kayong sauce?" Nag-angat ako ng tingin kay David. Napangiti agad ako. "Kumusta?"
"Ito, masayang-masaya! Hindi ba halata?" Napangiti si David at lumapit sa akin. Nang akmang yayakapin niya ako ay umatras ako. "Amoy usok na ako! Baka mahawaan ka. Bango bango mo pa naman."
"Kahit ilang araw ka pang 'di maligo, Sol-"
"Korni! Huwag mo akong yakapin. Do yourself a favor, babe." Napatakip ako ng bibig. Tumawa si David nang ma-realize niya 'yon. "Typo lang 'yon!"
"Typo sa bunganga?" nakangising pang-aasar ni David. Dahil nawala na ako sa tamang pag-iisip, hindi na ako nakaiwas nang yakapin ako ni David. "Amoy usok nga-"
"Tarantado," bulong ako. Naramdaman ko ang paggalaw ng katawan niya, senyales na tumatawa si gago.
"'Di naman, bango mo nga. Anong shampoo mo? Ang bango."
"Ba't ko sasabihin? Baka gayahin mo."
"Na-miss kita, fan." Lumayo ako sa kaniya at sumimangot. "Ayaw mo? Na tinatawag kitang fan? Totoo naman, 'di ba?"
Nagpatuloy ako sa pag-iihaw. Nakita ko si David na naghuhubad ng shirt. Inagaw niya sa akin ang pamaypay. Lalo akong napasimangot nang makita ang mga chismosa na nakatingin kay David. May mga teenager din na napapalingon at nagtutulakan palapit sa amin. Inagaw ko kay David ang pamaypay at hinarangan ko ang katawan niya. Narinig ko ang mahinang tawa niya.
Dumami na ang mga bumibili kaya wala akong nagawa. Tinulungan na ako ni David sa paglalagay ng mga barbecue at sauce sa plastic at plastic cups. Si ate Divina naman ay abala sa palamig. Nang maubos na ang lutong barbecue, nagsimula ulit akong mag-ihaw. Si David na wala na ngayong ginagawa ay kinukulit na ako. Iyong mga chismosa pa naman ay tumambay na sa tapat namin.
"Boyfriend mo, Sol?" tanong ni Aling Paloma.
"Hindi po, ka-"
"Ka-ibigan niya po. Sa katunayan nga po niyan ay engaged na kami ni Solana." Kita ko ang gulat sa mga mukha nila. Alanganin ang ngiting iginawad ko. Inilapit ni David ang kaniyang mga labi sa aking tainga. "Sakayan mo na. Kailangan nila ng chismis para mabuhay, kawawa naman."
"Magbihis ka na nga, babe. Maya-maya, gabi na. Baka magkasakit ka." Hinawakan ko ang abs ni David at pasimple iyong kinurot. Ngumiti pa si David sa ginawa ko. Parang nakiliti lang siya?! "Magbihis ka na," madiing ulit ko.
"Bakit? Ayaw mo ba na may ibang nakakakita ng katawan ko? Hayaan mo, ikaw lang naman nakakatikim-" Tinakpan ko ang bunganga ni David. Nilingon ko ang mga chismosa at nakita silang kinikilig.
"Pasok nga muna tayo sa loob. Ate Divina, mag-uusap lang po muna kami!"
"Sige, Sol," natatawang sagot ni ate.
Nang makapasok kami ni David sa loob, hinila ko siya papasok sa k'warto ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi siya nagpatinag. Nagulat ako nang maglakad si David, dahilan upang mapaatras ako. Nakipagtitigan lang siya sa akin hanggang sa tumama ang aking puwetan sa vanity table.
"What's your problem? Pinaasa mo ba ako? Nananadya ka yata. Ginagawa mo lahat ng 'to dahil alam mong crush na crush kita. Tigilan mo nga ako, David-"
"May dumi ka sa mukha." Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang dulo ng kaniyang shirt.
"Fuck you, David Maverick Ponce de Leon."
"Gusto mo ba? Puwede naman. Basta huwag kang magrereklamo na masakit. I like it rough. Baka hindi mo kayanin."
"David," pagtawag ko sa kaniya. Naitikom niya kaagad ang kaniyang bibig. "You're getting wild. You weren't like this before. Anong nagbago? All this time, I thought you were a soft boy."
"I've always been wild, Solana. I just didn't show you because I didn't want to scare you. And this side of me isn't for you. I don't want you to get hurt." He was playing with my hair while saying all those things. "I won't tell you to stop liking me but please don't push yourself too hard. I won't like it."
"Yeah, I know. It's because you don't like me at all-"
"Don't test me," he whispered while his lips were just a few inches away from mine. "I do it the hard way, Sol."
__________________________________
YOU ARE READING
To Love the Dawn
RomantikWhere and when does happiness begin? Solana Eos De Cardenas, a sunshine girl, was having fun being the typical student who doesn't worry about her studies but gets disappointed when she gets low scores. She has always been late for her classes whic...