40

267 7 28
                                    






"Hindi mo naman kasi talaga puwedeng isisi kay David. Ginusto mo rin naman 'yung nangyari bago ka natisbun." Natawa ako sa salitang ginamit ni Rissa. "Kumusta naman kayo ni baby?"



"Okay naman kami. Nagpa-check palang ako. Normal naman lahat. At okay naman si baby."



"Si Daddy ba? Kawawa naman si Daddy-"



"Ikaw talaga, Rissa! Isusumbong kita kay Phil." Humagalpak ng tawa si Rissa. Bigla namang sumilip si Phil sa screen. "Phil! Ikandado mo na nga ang kadena niyan! Hindi mapirmi, e!"



"Don't worry, Sol. Sa 'yong sa 'yo lang si David." Ngumisi si Phil. Napansin kong may kinawayan siya sa likuran ko. "Hi, bro! Kumusta? Okay ka na 'ata. Nakakatayo na si gago."



"Okay na ako, bro-" Nilingon ko si David. "Hindi pa pala ako okay. Sol, masakit 'tong tagiliran ko."



"Pa-baby amputa. Sige na, bro. May lakad pa kami ni Issa." Ngumiti nalang si Rissa at kumaway.



Hinarap ko si David nang ma-end na ang video call. Bigla siyang umaktong sumasakit ang tagiliran. Ang sabi naman ng mga doktor, okay na raw si David. Ewan ko ba't umaakto pa rin siyang ganito.



"Sabi ng doktor mo okay ka na. Doktor ka rin, alam kong mas naiintindihan mo ang mga sinabi sa 'yo." I crossed my arms over my chest as I raised an eyebrow. "What do you want, David?"



"Daily dose of your lambing," he answered in a soft voice. Hindi ko na napigilan ang sarili kong tumawa. Nagulat ako nang ilagay ni David ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko. "Let's get married next week. I'll have everything prepared."



"Wala pa tayong budget-"



"I have, Sol. I have already prepared for this. Pati sa pag-aaral ni Tahlia. Sa baby natin. Lahat, Sol, lahat."



"Paano? David, pinagloloko mo yata ako." Natawa siya sa sinabi ko.



"I have shares sa isang company where Lolo is a shareholder too. Nag-invest din ako sa isang sikat na shop ngayon. Sagot ng family ko ang pag-aaral ko." He released a deep breath. "Sol, I don't want to lose the chance to be married to you. We don't know what might happen in the next few days."



"Bakit mukhang nagpapaalam ka na?" Nangilid kaagad ang mga luha ko. Tumayo nang maayos si David at napabuntong-hininga. "May hindi ka ba sinasabi sa akin? Okay ka lang ba? May nararamdaman ka ba? May sakit ka ba?"



"Sol, wala, wala akong sakit. Gusto ko lang na maikasal sa 'yo." Pinalis ni David ang mga luha ko. "Hindi ko kayo iiwan ni Lia."



In a span of one week, we were too busy for the preparations. Umuwi kaagad sina Rissa at Phil sa Pilipinas para tulungan kami ni David. Si Rissa ang sumama sa akin sa pagpili ng wedding dress ko.



Muli akong nagsukat ng wedding dress nang hindi nanaman magustuhan ni Rissa ang isinukat ko. I was running out of options. Mauubos ko na yata ang designs na mayroon sila. Mahirap din kung magpapa-design pa dahil next week na kaagad ang wedding namin ni David. I went out of the fitting room after fixing the dress. Nagulat ako nang makita ko si Phil sa tabi ni Rissa. Nang lingunin ko ang isang staff, nakita ko siyang nakikipag-usap kay David.



"Sol! May design na binigay si David! You should take a look at it! It's so pretty! It's giving me Rapunzel! Disney Princess ang atake mo, sis, kung ito ang magiging dress mo." David looked at me. He surveyed me from head to toe. Lumapit ako kay Rissa at tiningnan ang hawak niyang papel. And out of all the dresses I've tried on, it was the most beautiful dress.



To Love the DawnWhere stories live. Discover now