9

295 13 21
                                    






"Sol? May bisita ka!" sigaw ni ate Divina mula sa labas. Bumangon ako at inayos ang sarili bago lumabas ng k'warto. "Diyos ko, ang aga mo naman. Sakto, mamaya pa ang pasok niyang si Solana."



"David?" Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Hindi nga ako nagkakamali. "Bakit nandito ka? Wala ka bang pasok?"



Hinawakan ko ang kamay niya nang suriin niya lang ang kabuuan ko. Hinila ko siya hanggang sa makapasok kami sa k'warto ko. Ni-lock ko ang pinto at pinaupo si David sa kama. Tinaasan niya ako ng kilay. Ano bang problema nito? Ang aga-aga nandito, nakasimangot.



"Who's Warren? Did he do something to you?"



"Pumunta ka rito dahil do'n? David, nagsayang ka nanaman ng gas. At saka, wala ka bang paso-"



"Sol, did you really think I'd just do nothing? All I received was a text message. Malay ko ba kung ikaw talaga ang nag-text n'on. I was worried. I contacted the police in your area but they said they couldn't help me because it hasn't been 24 hours." His heavy breathing made me scared. He was fuming mad.



"I'm sorry... Okay naman ako. Wala namang ibang ginawa si Warren sa 'kin. Ang mabuti pa, matulog ka na muna rito. Buong gabi ka bumyahe. Kailangan mong matulog, David." He reached for my hand and pulled me for a hug. He was hugging me on the waist. I brushed his hair with my fingers.



I spent the whole first year being annoyed with Warren. But it became better each day. I am more comfortable with him now. Just like the good old days. He wasn't that bad. He was a gentleman. His family was also nice.



As for David, he became more busy as he entered his last year in college. Ako naman, naging abala na rin sa school. Ginawa kong motivation iyong araw na magkikita na ulit kami ni David. Maraming nagbago sa pagitan naming dalawa. I became more attached with him that I got scared of the future. Paano kung isang araw mawala si David sa tabi ko at sanay na sanay na ako na kasama siya? Paano kung hanap-hanapin ko na siya?



I wasn't a liar to myself either. I knew I have feelings for him now. It wasn't because I am at the right age already, it was because of all the things that made me love him. It wasn't a simple crush. It was already love that I am feeling. I couldn't tell him right away because I knew he had unfinished business with Zelena.



"Uuwi ka sa Manila bukas?" tanong ni ate Divina. Ngumiti ako at tumango sa kaniya. "Mag-iingat ka roon, ha?"



"Opo. Sayang nga po, hindi ko maisasama si lola. Pero uuwi naman po sila mama. Siguro isang week kaming magsasama-sama tapos uuwi na sila rito."



"Ikaw? Saan ka na pupunta kapag umuwi na sila?" Napangiti ako sa tanong na 'yon. "Magsasama ba kayo ni David? Naku, Sol, gumamit ng protection."



"Ate Divina!" pagsaway ko sa kaniya. Natawa lang siya at tinulungan na ako sa pag-aayos ng gamit. "Hindi pa nga po ako nakakaamin kay David, e. Pero aamin na ako kapag nagkita na kami."



"Tingin ko naman ay may pag-asa ka ro'n. Mag-enjoy ka ro'n, ha? Ako muna bahala kay Tiya Solidad. Mabait ang lola mo kaya hindi ako nahihirapan na pakisamahan siya."



"Thank you, ate." Niyakap ko si ate Divina. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka. Siguro stress na stress na ako."



"Binola mo pa ako!" natatawang tugon ni ate. Tumawa nalang din ako.



Kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa terminal. Bumili ako ng limang Maxx na pula at tatlong Skyflakes. May baon naman akong tubig kaya hindi na ako bumili ng inumin.



Nagtatanong-tanong na ako kay Rissa kung saan pupunta si David mamaya. Itong si Rissa kasi boyfriend na iyong isang kaibigan ni David. At nalaman ko nalang noong nadulas siya! Wala yata sa plano niyang sabihin sa 'kin. Ang sabi niya ayaw niyang mausog.



Dollah Bills 💸
Active now



San lakad ni David mamaya?

hoy gaga bakit ka nagtatanong

uuwi ka?!

Shh, secret lang muna.

Huwag mong sabihin sa bb mo.

di nga?!

tangina sandali nga

may lakad daw si david mamaya

kasama yung Clara

bwhehfeaiaodja hmmm

kung ako yan susundan ko sila

Parang tanga

send ko nalang sayo mamaya add

Thanks!

ingat ka 💗



Natulog ako sa kalagitnaan ng byahe. Tamang-tama lang iyong gising ko, malapit na kami. Tumingin ako sa maliit na telebisyon. Movie ni Vice Ganda ang pinapalabas. Kaya pala tutok na tutok iyong matatanda. Iyong iba tumatawa-tawa pa.



Pagkarating na pagkarating ko sa bahay, naligo agad ako. Sinuot ko iyong binili ni papa para sa akin na itim na bestida. Tinatali iyon sa batok. Plain lamang iyon na bodycon dress. Medyo mababa ang sa likod na bahagi dahil kita ang halos kalahati ng likod ko. Iyon lang ang naisip kong damit na puwede sa bar. Sinuot ko rin iyong binili ni David na itim na headband na parang buhok na tinirintas. Naglagay rin ako ng silver hoop earrings. Pressed powder at multi-purpose stick lang ang nilagay ko sa aking mukha. Medyo mapula iyong labi at pisngi ko.



Kinakabahan pa ako nang makarating ako sa tapat ng bar. Sigurado naman akong papapasukin ako dahil may I.D naman ako na magpapatunay na hindi na ako minor. Pero sigurado ba ako na mare-reciprocate ang feelings ko tonight?!



Nang makapasok ako sa loob, sinalubong ako ng amoy ng alak at usok. Napaubo pa ako. Naagaw ang atensyon ko nung DJ. Nang i-announce niya iyong para sa free drinks daw, nakipagsiksikan ako sa gitna. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita si David na hila-hila nung isang staff. Nilagyan siya ng piring at itinapat sa isang babae. Hindi rin nagtagal ay nagsimula silang maghalikan. Pinanood ko kung paano hinalikan ni David ang babae. Nang magtanggal sila ng piring, bumakas sa mukha ni David ang gulat.



Nagtungo ako sa counter at nag-order ng inumin. Pinagmasdan ko iyong dalawa hanggang sa maupo ulit sila. Doon ko narinig ang pangalan ng babae. May tumawag sa kaniya. Clara... Siya pala ang Clara. Akala ko ba kaibigan lang siya ni David? Napatigil ako nang maramdaman ang basa sa aking pisngi. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako... Hindi pa ako umaamin pero parang rejected na agad ako.



Hindi iyon ang huling beses na nakita ko silang magkasama. Ngayon, sa coffee shop naman. Nakasandal pa si David sa balikat ng babae. Humigpit ang hawak ko sa tinidor habang pinagmamasdan sila.



Nang magising si David, tumayo si Clara. Nagtungo rin ako sa counter para umorder. Inabot ko kay Clara iyong tissue na sinulatan ko ng 'Girlfriend ka ni Maverick?'



"Hindi-"



"One Vanilla Sweet Cream. Cold brew. Just put Dawn there." Nang matapos ako, nilingon ko si Clara. I pointed at the counter. "Bayad na 'yun. Just give it to Maverick. No need to tell him who payed for it. Malalaman niya naman kaagad. Bye."



__________________________________

To Love the DawnWhere stories live. Discover now