14

303 12 58
                                    






"Kaya ko, David." Tumango siya pero hatalang pilit iyon. "Nakakapaglakad naman ako. Saka madali lang naman ako mag-shower. Tatawagin nalang kita kung may kailangan ako."



"Fine. Just move carefully-"



Hindi ko na hinintay ang ibang sasabihin ni David. Pumasok na ako sa banyo. Wala naman naging problema dahil kaya ko na talaga ang sarili ko. Hindi na ako nanghihina, si David pa nga itong parang nanghihina para sa 'kin.



Nag-blower ako habang naka-bathrobe, pinapatuyo ang katawan. Nagsuklay na rin ako. Nang matapos sa pag-aayos ng buhok, chineck ko na ang pares ng pantulog na binili ni David. T-shirt 'yon at pajama. Nag-init ang mukha ko nang makita ang panty at bra. Paano naman nalaman ni David ang size ko? Buti nalang at kulay itim naman ang mga 'yon dahil kung pula... Iisipin ko na talagang minamanyak ako ni David!



Lumabas ako na suot na ang mga binili ni David para sa akin. Kung kanina'y tutok na tutok siya sa palabas sa TV, ngayon naman ay tutok na tutok siya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.



"Paano mo pala nalaman sizes ng undergarments ko?" buong tapang na tanong ko.



"I asked Larissa." Napasinghap ako sa sagot niya. Nakakahiya naman, pinagbintangan ko pa siyang manyak! "Why? Are you thinking that I actually know your size-"



"No!" Nagulat siya biglang pagsigaw ko pero kaagad din iyong napalitan ng tawa. "It's not like that, David. Wala akong iniisip!"



"Guilty?" Inirapan ko lang ang pang-aasar niya.



"Kailan mo kaya ako lalandiin pabalik?" Umupo ako sa vanity chair. Humarap ako sa gawi ni David. Nakita ko kung paano nagkrus ang kaniyang mga braso. Fineflex niya lang yata muscles niya.



"Gusto mo ngayon na?" Nairita ako nang mahalata ang isang ngiti sa mga labi ni David na nais kumawala. "Single naman ako."



"Ni-reject mo nga lang ako," pambabara ko sa kaniya. Pero parang ako nasaktan do'n ah.



"Sol, come here." Umirap ako bago lumapit sa kaniya. Sa sobrang clingy at landi ko, umupo ako sa mga hita ni David. Nagulat siya sa ginawa ko. Sumandal ako sa katawan niya. "I didn't say you should sit on my lap."



"You don't like it? Okay, sorry-"



"But I didn't say that I don't like it." David then wrapped his arms around me. I felt so happy when he did that. "Sola, you're my solace."



"Akala ko solar system or solar power." Natawa si David sa naging tugon ko. "Ikaw rin solace ko, David. God's greatest gift! Pero ano muna 'yung solace?"



"Comfort-"



"Huy, charing lang! Ito naman, salutatorian yata 'to!" pagmamayabang ko. Muling natawa si David. "Happy pill mo na ako niyan."



"You've always been one, Solana."



Mas lalo akong na-stress sa buhay dahil sa kinuha kong kurso. Tinawanan ako ni Warren nang makitang paiyak na ako. Paano ba naman kasi ay mababa ang score ko sa quiz. Pasado naman pero ang baba talaga! Pinakita sa akin ni Warren ang papel niya. Kung kanina'y humahagulhol ako, ngayon ay tumatawa na ako. Bagsak si Warren.



To Love the DawnWhere stories live. Discover now