10

325 13 25
                                    






"Umamin ka pa rin. Kung hindi ka gusto, mag-move on ka na. Kung gusto ka, i-go mo na," suhestiyon ni Rissa.



"Gusto mo lang na nasa same circle of friends ang mga boyfriend natin, e!" Napangiti si Rissa sa sinabi ko. Tama nga ako.



"Si David 'yon, 'di ba? Sige na, puntahan mo na. Para naman maka-alone time kami-"



"Bakit mo pa ako pinasama kung gusto mo pala ng alone time with your bb?!" Tinawanan lang ako ni Rissa at pinagtabuyan na.



Hinabol ko si David nang makitang paalis na siya ng building. Hinawakan ko ang kamay niya. Nagulat siya nang makita ako. Hindi siya nagdalawang-isip na yakapin ako.



"Kailan ka pa umuwi?" mahinang tanong niya.



"Noong isang gabi pa. Nakita nga kita sa bar. Naghahalikan kayo ni Clara. Alam mo naman siguro na nakauwi na ako. Sa akin galing 'yung coffee." Humiwalay ako sa kaniya at mapait na ngumiti. Hinila niya ako papunta ro'n sa parte na walang tao. "David, I love you. Not as a friend, but as a woman. Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng kilig sa mga ginagawa mo. Hindi na kasi ako bata. I know how much you've reminded me not to fall in love with you but for some reason, I forgot about your reminders."



"Solana, I'm sorry but that's not how I see you. Parang kapatid na kita. Lahat ng ginagawa ko para sa 'yo, hindi 'yon dahil gusto kita bilang babae o ano pa man."



"Alam ko naman, e... Mahal mo si Zelena... Sige, una na ako. Ingat ka." Naglakad na ako palayo nang maramdaman ang sakit. Umiiyak akong sumakay sa jeep.



Isang week akong nagkulong sa bahay, hanggang sa umalis na sila mama. Kung hindi pa ako inaya ni Rissa, hindi talaga ako aalis ng bahay. Itong kaibigan ko kasi, inaya akong tumambay sa school nila.



Hindi na ako tumanggi dahil minsan lang naman kami magkakasama ni Rissa. Habang naglalakad ako sa hallway, hindi inaasahan ay nakita ko si David... at si Clara. Nakaakbay si Clara kay David. I did the most immature thing I could do. Inirapan ko si David. Naglakad ako na parang walang nakita. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay nagsalita na si David.



"Sol, can we talk?" Napabuntong-hininga ako bago tumango. "Clara, dito ka muna. I'll be back."



"David, okay lang kahit hindi ka na bumalik. Sige, mag-usap na kayong dalawa. May lakad din naman ako. Bye!" Nang makaalis iyong Clara niya, sinundan ko si David hanggang sa makapasok kami sa isang classroom.



"Anong pag-uusapan natin? Sorry, wala pa ako sa mood para-" Nagulat ako nang yakapin ako ni David. "David, pinapaasa mo ako..."



"I'm sorry for hurting you, Sol. I'm sorry for being harsh on you. I'm sorry-"



"Huwag mo na muna akong kausapin kung 'yan lang sasabihin mo. Broken pa ako ngayon, David. Alam mo 'yan," bulong ko sa kaniya. Natigilan ako nang dumampi ang kaniyang mga labi sa aking noo. "Anong..."



"Sorry..."



"Nakakainis ka! Puro ka sorry! Let me go nga. Saka mo na ako kausapin kapag may sasabihin ka ng iba." Nabitawan niya ako dahil do'n. Ginamit ko na ang pagkakataon na 'yon na makaalis. Tinext ko si Rissa na sumama ang pakiramdam ko.



After another week, napagdesisyunan ko na makipag-ayos na kay David. Hindi niya naman kasalanan na assumera ako. I texted him to meet me at his house. Pero sabi niya sa condo niya nalang daw dahil mas malapit. Pumayag naman ako.



I wore a simple shirt and short shorts. Nag-tsinelas lang din ako. Isinukbit ko ang tote bag ko bago lumabas ng bahay. Ni-lock ko ang pinto at gate bago nagtungo sa labasan.



It took me half an hour before I got there. I knocked twice before the door opened. Doon ko lang din na-realize na may doorbell naman pala. Pumasok ako sa loob ng unit ni David. In fairness, malinis sa loob. Nilingon ko si David nang isarado niya ang pinto. Dear God, help me po. Topless si David at mukhang boxers lang iyong pang-ibaba niya.



"David, I'm sorry for being immature. Tanggap ko na iyong rejection mo."



"Sol, can we not talk about it muna?" Tumango ako at naupo sa couch. Naupo naman siya sa mahabang couch. "Kumusta?"



"Okay lang naman. Uuwi na nga pala ako sa Friday. Next week kasi may pasok na ulit kami. Pag-usapan natin ang tungkol sa standard mo. Parang ang awkward naman kung wala tayong pag-uusapan, 'di ba?"



"What about my standard?" he asked. Sumandal siya sa couch at nakita ko kung paano pumungay ang kaniyang mga mata. Inaantok pa siguro?



"Mataas ba standard mo?"



"I don't know-"



"Huwag mo taasan. Five flat lang ako, baka hindi ko na talaga maabot." Tumawa siya sa sinabi ko. Hindi naman ako nagbibiro. "Hoy, hindi 'yon joke."



"Ikaw? Mataas ba standard mo?"



"Sobra, ano nga ulit height mo?" Ewan ko lang talaga, Ponce de Leon, kung 'di ka pa tablan ng charm ko!



"6'1, pasok sa standard?"



"Paanong hindi pasok, e ikaw standard ko-"



"Solana... You're confusing me," mahinang aniya.



We spent the next months apart. Pero araw-araw na kaming magka-chat ni David. Parang may nagbago pero hindi pa rin naman ako nilalandi ni David. Ang lalaking 'to talaga. Akala ko pa naman madadala na siya sa cuteness ko!



Napaismid ako nang makita si Warren. Kumaway siya sa akin at ngumiti. Parang gago talaga 'to. Ayaw akong lubayan. Hindi na kami children, 'no. May childhood childhood friends pa siyang nalalaman. Sinadya kong magkunwari na hindi siya nakita. Naglakad ako na parang walang nakita. Kaagad namang tumakbo si gago at hinarangan ako. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit ginawaran niya pa rin ako ng isang ngiti. Itinuro niya ang kaniyang sasakyan. Anong gagawin ko diyan?



"Dadalhin kita sa dagat."



"Huh? Hindi ko kailangan mag-dagat. Hindi naman ako isda. Mabubuhay ako sa lupa." Pinilit ko pa ring lagpasan siya ngunit panay naman ang sunod niya.



"Please? Kahit isang oras lang tayo-"



"Oo na nga, sige na nga, lintek ka! Ang kulit mo naman. Halika na." Padabog akong sumakay sa kotse niya. Inis kong ikinabit ang seatbelt. Chinat ko si David na pupunta kami ni Warren sa beach. Kaagad naman siyang nagtanong kung kami lang. "Lagot ka sa boyfriend kong pulis kapag may ginawa ka."



"Parang hindi mo naman ako kilala. Kahit mag-call pa bf mo habang nasa byahe at nasa beach tayo." Napairap nalang ako.



Dinala talaga ako ni Warren sa beach. Gusto niya lang naman palang gumawa ng sand castle. Pinanood ko lang siya habang gumuguhit ako sa buhangin.



DAVID SOLANA



Baka sakaling magkatotoo iyon. Baka sa tamang panahon, mahalin niya naman ako. Wala namang mawawala kung mangangarap ako. Huwag lang akong mag-assume!



__________________________________

To Love the DawnWhere stories live. Discover now