36

283 10 50
                                    






"Marinel, si David? Umalis ba?" Kinusot-kusot ko ang aking mga mata nang lumabas ako ng kuwarto. Binabantayan ni Marinel si Tahlia habang naglalaro ito sa sala.



"Opo, ma'am. Ang sabi niya po ay hindi agad siya makakauwi. Naku, ma'am! Nagiging busy na po si sir, 'no? Ang hirap po palang mag-asawa ng doctor. Biruin ninyo, hindi pa po doctor si sir pero busy na agad. Malapit na po bang maging doctor si sir?"



"Yeah, I think so... Nag-take siya ng ilang programs para mabawasan 'yung taon niya sa med school. Matalino si David, eh." Naupo ako sa couch habang pinapanood si Tahlia. Abala siya sa paglalaro ng laruang keyboard. Namana niya 'ata ang pagiging mahilig namin sa musika ni David. "Ikaw ba, Marinel... Hindi ka pa ba mag-aasawa?"



"Si ma'am talaga! Wala pa naman pong nanliligaw! At saka nag-eenjoy po ako sa pag-aalaga sa pamilya ninyo. Bakit mo naman po naitanong?"



"Kailangan ko lang siguro ng isang taong makakaintindi sa akin. Sige, I'll try. Baka maintindihan mo ang point ko." Hinawakan niya ang damit ni Tahlia. Tumingin sa akin si Marinel. "Napapadalas na nga kasi iyong pagiging busy ni David. Noon pa man, naiintindihan ko na 'yon. Kasi kung ako rin naman nagpatuloy sa pag-aaral ko, paniguradong busy rin ako palagi. Dahil nga riyan, napapadalas na ang pag-init ng ulo niya. Hindi niya naman ako sinasaktan, minumura, o sinisigawan. Pero kasi minsan nararamdaman ko na inis siya sa akin."



"Ma'am, baka naman po kasi may nasabi o nagawa kayo. Baka iyon po 'yung nagpainit lalo ng ulo ni sir?"



"Wala naman, eh. Minsan nga nananahimik nalang ako. Ang dami kong naiisip. Una, ang babata pa namin ni David. Paniguradong hirap siya sa sitwasyon namin. May mga bagay na hindi rin kami nagkakasundo. Tapos noong isang araw, narinig ko siyang may kausap sa phone. Sabi niya hindi niya na raw kayang pagsabayin ang pag-aaral at ang pamilya niya."



"Hindi kaya gipit na si sir, ma'am? Hindi ninyo po ba napapansin? Hindi na siya nagpapasalubong sa inyo. Tapos po narinig ko lang din nitong nakaraan noong bumisita ang mga magulang ni sir David. Nanghihiram po siya ng pera." Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Marinel. Hindi 'yon sinabi sa 'kin ni David. "Ma'am, huwag ninyong isipin na walang tiwala sa inyo si sir! Baka nahihiya lang po!"



I watched David as he made his way to our bed. He wore his glasses and started reading a book. Tumabi ako sa kaniya. Sinilip ko ang librong binabasa niya. It was a story book. Sa isiping hindi naman siya nag-aaral ay naglalambing kong ipinatong ang aking braso sa kaniyang tiyan. Hindi niya ako pinansin...



Napabuntong-hininga nalang ako. Humiwalay ako sa kaniya at nagtungo sa banyo. Napasandal ako sa lababo nang maramdaman ko ang pagbabadya ng mga luha. Gusto kong itanong sa kaniya kung ano'ng problema. Gusto kong sabihin sa kaniya na nahihirapan na ako sa ginagawa niya. Gusto kong magalit sa kaniya. Pero lahat ng 'yon ay hindi ko magawa dahil pinili kong intindihin siya.



Sunod-sunod na katok ang narinig ko. Naghilams ako upang hindi niya mapansin ang sakit na pasan ko. Binuksan ko ang pinto habang nagpupunas ng mukha. When my eyes met David's, I felt something familiar. It was that feeling. Iyong pinakaayaw kong maramdaman. I could look at him with so much love but deep inside a part of me was drained. And I hated how I lied to him that way.



"Gagamit ka ba ng banyo?" Kaagad siyang umiling sa akin. His eyes looked tired as they stared at me. "Bakit ka kumatok?"



"Sol, do we have a problem?" I hate to say it but I was facing the problem right at that moment.



"May problema nga ba, David? Kasi sa tingin ko, ang daming problema." Sinubukan niyang lumapit ngunit umatras ako. "Sabihin mo naman sa 'kin kung ano 'yung problema... Nagmumukha akong walang kuwenta, David. Magiging asawa mo na ako. Pero bakit hanggang ngayon sinasarili mo ang mga problema mo?"



To Love the DawnWhere stories live. Discover now