4

376 18 15
                                    






Napatili ako habang naglalakad sa hallway. Napalingon tuloy ang ibang estudyante sa akin. Ginawaran ko lang sila ng ngiti dahil sobrang saya ko talaga ngayon!



Name: Solana Eos A. De Cardenas
Grade and Section: 10 - C
Score: 28/30
Rating: 93.33%



Two mistakes lang ako sa Math exam! Pinagpapasalamat ko talaga na nakilala ko si David! Siya ang nagturo sa akin ng easy formulas. Dahil do'n, mas madali kong naintindihan ang lessons. Mas madali kong nasagutan ang equations at word problems.



"Wow naman, dalawa lang mali niya. Pa-shawarma naman diyan, idol." Umakbay sa akin si David. Hindi ko napigilan ang sarili. Niyakap ko siya. "You're welcome."



"Libre talaga kita mamaya! May isang subject pa kayo, 'di ba?" Tumango siya sa akin nang maghiwalay kami. "Anong last subject n'yo?"



"Filipino. 'Di ka pa uuwi? Ikaw na bata ka, layas ka talaga-" Natigil siya nang ambahan ko siya ng suntok. "Ang tapang?"



"Sige, 'di na muna kita aawayin dahil naka-28 ako sa Math exam. At dahil 'yon sa 'yo!"



"Dawn, hindi 'yon dahil sa 'kin. Dahil 'yon sa 'yo kasi ginalingan mo. Credits to yourself. Una na ako, last sub na namin." He ruffled my hair, making me glare at him. He just smiled and waved his hand like a kid!



Naghintay ako sa bench ng grounds na nasa tapat lamang ng building nila David. Nakaharap ako sa building nila. Maghihintay talaga ako dahil ililibre ko siya. Deserve niya 'yon! Ang bait bait niya sa akin. Para talaga siyang kuya. Pinagpapasalamat ko nga sa Diyos na ipinakilala niya sa akin si David.



Habang naghihintay ako kay David, nakita ko 'yung crush niya. May kasama siyang makulay ang buhok. P'wede pala 'yon dito? Baka special treatment dahil maganda siya? Or baka naman natural na kulay iyon ng buhok niya? Hila-hila siya nung Zelena. Mukhang inis pa nga iyong babae. Baka gano'n talaga siya. RBF.



"Bisitahin natin si Markus! Magbati na kayo, ikaw naman may kasalanan!"



"Hoy, kasalanan niya 'yon! Bakit ako magso-sorry? Mauna siyang mag-sorry-"



"Kaya kayo palaging nag-aaway, eh. Ang taas ng pride mo. Try mo kayang lunukin," inis na sagot ni Zelena. Na-real talk. Sakit ah. "Tingin mo, a-attend si Xhaiven ng debut ko?"



"Aba malay ko. Lunukin mo rin pride mo, mag-first move ka na. Tanginang 'yan, hirap na hirap lumandi? Kung ayaw mo mag-first move, doon ka nalang sa marunong mag-first move."



Nang makalayo na sila, napabuntong-hininga ako. Parang na-stress ako sa usapan nila. Mabunganga rin pala iyong Zelena. Akala ko tahimik. Mukha kasing anghel sa harap ni David. Kabaliktaran niya iyong kaibigan niya. Halatang matigas ang loob n'on.



Napaigtad ako nang may tumakip sa mga mata ko. Umakyat ang kaba sa dibdib ko nang magmatigas ang lalaki. Paiyak na sana ako dahil hindi ko natatanggal ang mga kamay niya nang marinig ko siyang tumawa. Nakilala ko agad ang may-ari ng mga kamay na tumatakip sa mga mata ko. Hinampas ko ang braso ni David. Tumatawa siyang nagtungo sa harapan ko. Nakasimangot tuloy akong tumingin sa kaniya.



"Natakot ka ba? Sorry." Umupo siya sa tabi ko at may pag-aalala na sa mukha. "Sol... I'm sorry."



"Ayos lang. Kinabahan lang ako. Kumusta exam mo?" Ngumiti siya sa akin at nag-thumbs up. "Tingin mo, pasado ka sa lahat?"



"Syempre, nag-aral naman ako. Nakuha ko nga lahat, e. Ikaw ba? Kumusta 'yung ibang subject mo? Pasado?"



"Math palang naman iyong tsinekan. Tingin ko naman may score kahit paano 'yung iba, hindi naman siguro ako zero. Ano? Tara na ba? Libre kita ng shawarma." Muli siyang ngumiti sa akin at kinuha na ang bag ko.



Nag-commute kami ni David papunta sa malapit na mall. Sinagot niya na ang pamasahe naming dalawa. Sabi ko nga ay dapat ako naman pero 'di siya pumayag.



Nang makapasok kami sa mall, maraming napapalingon kay David. Syempre, maraming magkakagusto sa kaniya. Matangkad, guwapo, at malinis tingnan. Nagulat ako nang hawakan ni David ang siko ko at hilahin ako palapit sa kaniya. Muntik ko na palang matamaan iyong batang kumakain ng ice cream.



Huminto kami sa bilihan ng shawarma. Hinayaan niya 'ko sa pag-order. Dalawang order na dahil nakatipid naman ako sa buy 1 take 1 promo nila. Tinanaw ko si David na bumibili ng inumin namin. Iyong dalawang tindera halos magtulakan na. Nagpasalamat ako sa tindera ng shawarma nang ibigay niya sa akin ang orders ko.



Nang ilapag ko ang supot sa lamesa, sakto naman na naupo na rin si David. He slid a drink in front of me. Binigay ko na rin sa kaniya ang dalawang shawarma. Sinabayan ko pa ng ngiti ang pag-abot sa kaniya.



"Thank you, Dawn!" masayang pagpapasalamat ni David. "Wait, picture tayo. Dapat may documentation ang celebration ng achievements mo!"



He took out his phone and took some selfies with me and pictures of me. When he was done, we started eating. Pareho kaming tahimik habang kumakain. Hindi siguro siya sanay na nagkukuwentuhan habang kumakain. Hindi na rin ako umimik bilang respeto.



"After nating kumain, libot tayo?" biglang tanong ni David. Tumango ako at masayang ngumiti. "I'm sorry if I'll bring this up. Ever since that day, I think about you most of the time. I'm worried.. Are you sure you're okay?"



"Mmm nagiging okay naman, e. Nga pala, akala ko nakauwi ka na nung gabing 'yon. Bakit nando'n ka pa?" Kumunot ang aking noo.



"Nag-dinner ako sa karinderya. 'Di ko kasi feel kumain sa bahay. In good terms naman kami ng family ko, sadyang busy lang talaga sa kaniya-kaniyang business sa buhay." Napakasimpleng tao ni David. "Sol, alam mo, kung kailangan mo ng tulong sa kahit anong bagay, nandito lang ako."



"Bakit mo 'ko tinutulungan? Marami kang ginagawa, David.. Kaya bakit?" Natigil siya pag-inom. Tumingin siya sa mga mata ko na tila ba naroon ang sagot.



"Naaalala ko sa 'yo ang kapatid ko. Saka marami ka pa kasing maaabot, Sol. Kailangan mo lang ng suporta."



Habang nagtitingin-tingin kami sa isang shop, may nakita akong isang pamilya. Pangako ko sa mga magiging anak ko na makakasama nila ang tatay nila kahit na siguro'y maghiwalay kami. Ayokong maramdaman ng mga anak ko na wala silang tatay. Hindi ako papayag na gano'n.



Naagaw ni David ang atensyon ko nang i-spray niya sa palapulsuhan ko ang isang tester ng pabango. Pinaamoy niya 'yon sa akin. Mabango naman pero hindi ko type. Umiling ako sa kaniya at nag-thumbs down. Naghanap ulit siya ng pabango. Nang wala siyang mahanap, inaya niya na ako sa katabing boutique.



Kaagad akong nagtingin sa mga headband. Ang mahal nga lang. 150 isang headband. Grabe naman 'yon. Pero ang gaganda ng designs! Lumapit sa akin si David at may kinuhang headband. Manipis lamang iyon at mga paru-paro ang disenyo. Gold ang kulay ng buong headband, parang iyong sa mga Diyosa. Isinuot iyon sa akin ni David at napangiti siya.



"Bagay sa 'yo. Bilhin na natin." Aangal sana ako nang dumiretso na si David sa counter. Tinuro niya ang suot kong headband at binayaran na ito.



"Bagay sa girlfriend-"



"Hindi ko girlfriend. Parang kapatid ko na 'yan." The cashier smiled awkwardly.



"Thank you, sir." Lumapit na sa akin si David nang makuha na ang sukli.



Nakatayo lamang ako roon, gulat pa rin sa nangyari. Kumunot ang noo ni David habang nakatingin sa akin. Mahina niya akong hinila palabas ng boutique. Hanggang sa makalabas kami, hindi pa rin ako umiimik.



"Hindi mo ba type 'yan? Puwede naman sigurong palitan-" Natigilan si David nang yakapin ko siya. "Sol... Anong problema?"



"Thank you. Na-appreciate ko, sobra. First time kong magka-headband. Sabi kasi ni mama, sayang daw ang pera."



"Ano ka ba, deserve mo 'yan. Sol, look at me." Tumingala ako sa kaniya. "I'm here to treat you the way you should be treated."



__________________________________

To Love the DawnWhere stories live. Discover now