"Okay na rin 'yung roses and candles. 'Yung debutant? Ready na ba?"Ngumiti sa akin ang makeup artist nang matapos siya. Pinaharap niya ako sa salamin upang tingnan ang sarili. That fresh look made me look more feminine. My hair was a bit curled in a mermaid wave. I hugged the makeup artist. Nagulat pa siya pero natawa at napayakap din sa 'kin.
"Ngayon lang ako nagkaroon ng client na ganito. Ang bait bait mo, ma'am Solana."
"Na-aappreciate ko lang po ang trabaho n'yo at ang resulta!" masayang sagot ko nang humiwalay ako sa kaniya. "Thank you talaga! Mauuna na ako, magbibihis pa ako."
Nagbihis na ako ng boho outfit ko. Tube top na dibdib ko lang talaga ang natatakpan at mahabang palda. I checked myself in the mirror. I'm not that curvy. Pero biniyayaan ako sa hinaharap at sa likod. Sadyang maliit lang ako kaya minsan feeling ko hindi bagay sa katawan ko. Tinatawag nga akong minion, e!
Ni-remind na ako ng event organizer na kailangan na ako. Nakangiting nilagay ng hair artist ko ang flower crown bago ako sinenyasan na puwede na. Abot tainga ang ngiti ko nang maglakad ako sa event hall ng resort. I was walking through a carpet of flowers. I looked around and saw my friends and classmates. David was also there. I smiled with my eyes when our gazes locked. He gave me a bright smile. Napalingon tuloy si papa sa kaniya.
"Exactly eighteen years ago, in a not-so-far away land, a sunshine rose. She grew up being a sunshine girl. She is loved by almost everyone for her radiant beauty inside and out. And now, we are about to witness her maturity. Once again, our simple yet very stunning lady of the night, Solana Eos De Cardenas!"
The program wasn't too long. Nakarating na agad sa 18 roses. Sa first 15, iyong mga kaklase kong lalaki at mga pinsan. Si Larrick ang pang-16.
"Puwede ka na makulong," biro ni Larrick habang isinasayaw niya ako. "Malaki ka na talaga, 'di na ikaw 'yung baby Sol namin ni Rissa. Sol, kapag may problema ka, nandito pa rin kami. Proud na proud ako sa 'yo from small to big achievements. I wish nothing but your happiness, Solana. My time's up. Your future is waiting." He smirked when he said the last line.
"For the 17th dance we have Mr. David Maverick Ponce De Leon."
David fixed his top before walking toward me. My heart beat in a faster pace. My lips parted when David kissed the back of my hand while looking straight in my eyes. He placed both of my hands on his shoulders. I stopped breathing for a second when he placed both of his hands on my waist.
"Iniba mo naman... Boyfriend?" biro ko kay David. Mahina siyang natawa. "Puwede mo na 'kong ligawan, 18 na ako." Ngumiti lang si David sa joke ko.
"Happy birthday, Solana. You've grown so fast. I'll always be here for you. I'm not a fan of long messages, sorry." Ngumiti ako sa kaniya. "If you need me, I'm just here. If you miss me, I'm just here." Mahina kong nahampas ang balikat niya sa pang-aasar niya.
When it was my last dance, I cried so hard. Papa apologized for all the things he has done. It made me feel better but not not that better. Nabawasan lang 'yung pain dahil inamin niya na may kasalanan siya. Pero hindi na mababago ang pananaw ko sa kaniya.
There was an after party. My parents allowed me to drink. Si mama tulog na at si papa naman nakikipag-inuman sa mga kumpare, kapatid, at bayaw niya. Si Rissa naman ang kasama ko sa pag-inom. Iyong mga kaklase ko na umiinom, ayun sa isang gilid. Nagta-take rin ako ng shots mula sa kanila. Si Larrick wala na, nakatulog na sa kalasingan. Nagkaroon lang ako ng pagkakataon na makapagpahinga nang pagtulungan na nila ni Dan na alalayan si Rick.
Hinanap kaagad ng mga mata ko si David. Kahit na umiikot na ang paningin, pinilit kong maglakad. Natagpuan ko si David sa buhangin, umiinom. Siya lang ang naroon. Medyo madilim pa sa parte niya, wala ring mga tao. May distansya pa iyon sa cottage namin. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi niya. Nilingon niya ako at kumunot ang noo niya.
"Are you drunk?" he asked. As a response, I rested my head on his shoulder. "Solana, how much did you drink?"
"Konti lang naman... Minsan lang naman 'to.." Umayos ako ng upo at nilingon siya. "Hinanap kita.. I want my day to be more memorable."
I put my arms on his sides, cornering him. I closed my eyes as I let my lips touch his lips. I felt sleepy as I did that.
Hindi na ulit kami nagkita ni David the whole summer. Nagme-message pa rin siya sa 'kin sa social media accounts ko pero hindi ko siya pinapansin. Dahil na rin siguro sa takot na baka may nagbago na dahil sa ginawa ko noong birthday ko.
Chineck ko ulit ang mga bagahe ko. Kumpleto na talaga. Pinili kong mag-aral doon sa probinsya ni mama. Nagkasakit si lola at kailangan niya ng kasama. Mas mura rin ang pag-aaral doon. Malaking tulong na 'yon sa pamilya ko. Tumayo na ako nang sabihin ng konduktor na puwede na sumakay. Tinulungan pa ako ng konduktor sa mga dala ko. Nang sasakay na ako, may humatak sa palapulsuhan ko. Sa naramdaman palang, alam ko na siya 'yon. Walang iba...
"You're leaving? It's really true. I thought your friend was just joking around." I turned around to face him.
"David, kailangan ko na umalis. Mag-chat ka nalang-"
"But you're not responding to my messages. I got worried, Sol. Akala ko kung napaano ka na. Susunod ako sa 'yo and we'll talk." I was left there with my lips parted.
Buong byahe kong inisip ang sinabi ni David. Sumilip ako sa bintana ng bus at nakita ko ang kotse ni David. Ano bang ginagawa niya? Hindi ba siya nag-iisip?! Nagsasayang siya ng gas at energy! Gustuhin ko mang bumaba ay hindi ko magawa. Natatakot sa puwedeng mangyari. Nasasayang din ako sa binayad ko para sa ticket! Binuksan ko ang messenger ko at binasa ang chats ni David.
When I woke up, the bus was already bound for parking. Inayos ko na ang sarili ko. Nang makababa ako sa bus, nakita ko si David na halatang naghihintay. Halatang pagod na siya sa pag-drive. Nang mailapag ng konduktor ang mga bagahe ko malapit sa akin, dumiretso ako kay David. Niyakap ko ang kaniyang beywang. Pagod niyang isinandal ang ulo sa aking ulo. Naawa pa ako dahil kinailangan niyang yumuko upang maabot ang ulo ko.
"Bakit ka sumunod?" mahinang tanong ko sa kaniya. "Ang tagal ng byahe... Sigurado akong napagod ka."
"Pinag-alala mo 'ko."
__________________________________
YOU ARE READING
To Love the Dawn
RomanceWhere and when does happiness begin? Solana Eos De Cardenas, a sunshine girl, was having fun being the typical student who doesn't worry about her studies but gets disappointed when she gets low scores. She has always been late for her classes whic...