Chapter 1

1.8K 75 2
                                    

"Aray!"

"Diba sinabi ko na sa'yo na tigil-tigilan mo na ang kakabili mo ng bl! Wala kang mapapala diyan!" Tsk! Sayang ang ganda ni mama kung palagi nalang siyang galit. Napapout naman ako at lumingon kay papa. "Hindi ka matutulungan ng papa mo this time, Selena!" Tinuro niya ang katawan ko. "Tignan mo ang payat-payat mo na!"

"Eh sino ba naman hindi papayat eh ang baon niya ay pinag gastos niya lang sa libro." Sinamaan ko naman ng tingin si kuya.

Lagot ka talaga sa akin! Napahilot naman si mama sa sintido niya.

"Hon, kalma lang. Alam mo naman na 'yan lang kasiyahan ni Selena."

"Shut up! Zayden!" Inis akong tinignan ni mama dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Kapag pangalan na talaga ang itatawag ni mama kay papa, kabahan na siya. "Her obsession needs to stop! Hindi na nakakabuti sa kalusugan niya 'yan! From now on! Wala ka ng allowance na matatanggap galing sa akin!"

Oh no! Not my allowance?!

"But ma-"

"No buts!" Napalingon ako kay papa at guhit sa ekspresyon ng mukha niya na wala siyang magagawa dahil takot siya kay mama.

Inis akong pumasok sa kwarto ko. Rinig ko pang tinatawag niya ako pero hindi ako nakinig. Mga ilang oras na ang nakalipas bigla nalang may kumatok sa pinto ko and I didn't answer.

Bumukas ang pinto at naramdaman kong papalapit ito sa akin. Hinaplos niya ang likod ko dahilan para mapalingon ako sa kanya. I saw her wearing a jacket and a black shade.

Para siyang artista.

"Portia?"

She waved at me. Si Portia lang pala ang nandito. Mabuti naman at naisipan niya ako bisitahin. After so many months! Nakatakas na din siya sa obsessive niyang asawa.

"Hi bebs!" Agad niya ako niyakap pero mga ilang minuto pa ang lumipas ay kumalas siya at napakunot ang noo niya. "Ang panget mo maging malungkot."

Mas lalo lang ako napapout dahil sa sinabi niya. Never ako naging panget no! Aware ako sa self ko na maganda ako!

"Si mama kasi eh! Paano na ako makakabili ng bagong bl ngayon?! May bago na naman release!" Agad ko niyugyug ang braso niya.

Napailing nalang si Portia, "Pinabili mo nalang sana 'yan ng damit, Lena. I don't understand why are you so obsessed with bl."

Napairap nalang ako dahilan para mapangiwi siya. Si Portia ay pinsan ng mama ko pero parang same age lang kami.

Iniispoil niya ako kahit hindi na siya pinapayagan ni mama. Nagmana 'ata ako sa kanya, matigas ang ulo eh hehe.

"Ate! Ang dami ko ng damit." Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Eh hindi na nga makasya sa kabinet eh. Sobrang-sobra na binibigay mo sa akin."

"Magsasalita pa ba ako sa mga bl na story, mangga at iba pa na nakakalat dito sa kwarto mo. Halos hindi na ako makapasok sa kwarto mo dahil sa mga bl." Napalingon siya sa paligid. Puno ito ng mga nagkakalat na bl na mga kwento. "Alam mo mapupunta ka talaga sa novel na puno ng mga bl kapag sumubra ka."

Ay teh! Sana magkatotoo ang joke mo. Ayaw ko na palagi nalang nandito, parati nalang akong kinokontrol ni mama.

"Pwede ba 'yon?" tanong ko sa kanya dahilan para mapatampal siya ng noo.

Binigay niya sa akin ang pera dahilan para mapangiti ako. This is what I need right now?! Agad ko siya niyakap.

"Omg! The best ka talaga, Portia!"

I heard her giggle, "Ako pa alam mo naman hindi kita kayang pabayaan eh."

Pinisil niya ang pisnge ko at binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti.

"Mukhang kailangan mo ng umalis, auntie. Baka hinahanap ka na ng baliw mong asawa." Sinamaan niya ako ng tingin and I just giggled.

Naalala ko pa nuon, nagwala ang asawa ni Portia dahil ilang minuto na siya na wala sa bahay. Hindi ko talaga magets 'yong asawa niya. Bakit baliw na baliw siya kay Portia? Well, hindi naman nakakapagtaka dahil maganda naman si ate pero grabe naman 'yon.

"Ayy oo nga pala." Baka pasabugin na talaga ng asawa niya ang bahay namin. Kinuha niya ang expensive niyang shoulder bag. "I need to go. Tumakas lang kasi ako eh. Call me if you need anything! Bye bebs!"

Hindi na niya ako hinintay pang magsalita at umalis na lamang siya. Napabuga nalang ako ng hangin. Napangiti ako ng makita ang pera na hawak na hawak ko.

"Pupunta na ako my baby! Wait ka lang kay mommy." Tumawa ako na para bang nasisiraan ako ng bait.

Ang swerte ko talaga dahil kilala ko si Portia.

"Hindi ko talaga alam kung bakit may baliw akong kapatid."

Sinamaan ko siya ng tingin. Kuya have white hair and violet eyes while me i have green eyes and Violet hair. Both my parents are good looking. May mga classmate nga ako na pumupunta dito para makita lang si mama at papa at lalong-lalo na 'yong kuya ko.

Well for me, maganda naman ako kaso na cre-creepyhan sila sa akin halos lahat nalang kasi ng nakikita ko ay pinagshi-ship ko except ni papa at kuya.

"Hehe, wag ka maingay ha." Umiling nalang siya at umalis nalang.

Hindi man pinapakita ni kuya sa akin alam ko naman na mahal niya ako.

•••

Napalingon ako sa kaliwa't-kanan. Natulog na nga sila. Napangiti nalang ako ng nakakaloko at hindi nagdalawang isip na lumabas ng bahay. Takbo ako ng takbo habang hindi nawala sa labi ko ang ngiti ko.

Finally! Finally! Finally!

Pagbukas ko ng book store ay agad nawala ang ngiti ko dahil ubos na ang libro. Gusto ko na talaga maiyak ngayon. Badtrip!

Napahinto ako ng may nakita akong lalaki na pula ang buhok and super gwapo niya beh! I think magkakacrush ako sa kanya. Napailing nalang ako ano ba 'tong nasa isip ko.

"You can have this." Napanganga ako at agad tinanggap ang libro. Ngayon ko lang 'to nakita. I didn't know this story exist!

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya and he gave me a warm smile.. Aalis na sana siya pero agad ko hinawakan ang wrist niya. Parang may something sa kanya.

"How much is this?"

"No need to pay me. Sa'yo na iyan. I think you need that."

"Umm... ano kuya ano palang pangalan mo?"

He looked at me again pero parang malungkot ito or sadyang nababaliw lang ako.

"Kiel."

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon