Chapter 60

607 23 2
                                    

"Patayin mo na!"

Ngumiti lang ako at umiling. Hindi siya makapaniwala sa desisyon ko. Alam naman kasi niya ang mangyayari.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Kieran sa akin at lumabas ng kwarto habang yakap na yakap ang sarili ko. Ang ginaw kasi. 

"Mas pipiliin mo bang mamatay?" seryoso niyang tanong. 

"No, pero ayaw ko rin pumatay para lang mabuhay." Malungkot akong lumingon sa kanya. "Is there no other way, Kiel? Kailangan ko ba talagang pumatay para lang mabuhay?"

Umiwas siya ng tingin habang halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na nalulungkot siya.

"Wala na akong alam na ibang paraan, Moon."

"I guess, papalpak ako." Hinawakan niya ang braso ko dahilan para gulat akong mapatingin sa kanya.

"You can't do this, Moon! Malulungkot ang mga taong mahal mo sa buhay!" Hindi lang ako nagsalita at nakatingin lang sa sahig. Iniisip ang mangyayari. "Don't tell me, nagkagusto ka sa lalaking 'yon?"

"What?"

"You can't fall inlove with anyone here, Moon! Hindi sila tao! Hindi sila totoong tao! They're just a fictional character na nakakasama mo!"

"I know, Kieran. Pero alam mo naman na hindi ko magagawa iyon. Hindi ko kaya kahit ano pang ipilit mo sa akin. Hindi ako masamang tao!"

Tumahimik kaming dalawa ng mga ilang minuto. He hold my wrist and hug me tightly.

"I failed again.... I failed to protect you." Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap. Mukhang mas malungkot pa siya sa akin.

Ayaw niya bang mamatay ako? Mabuti pa si Kiel hindi selfish. Siya lang 'yong lalaki dito na tama magmahal eh.

"Wala kang kasalanan, Kiel. So don't blame yourself," malungkot kong sabi.

"No, kasalanan ko."

"Wag mong akuin ang kasalanan na hindi mo naman gustong mangyari, Kiel." Kumalas ako sa pagkakayakap at ngumiti. "Pakialagaan 'yong mama ko ha."

Tumango nalang ito.

•••

Nanonood lang ako sa ganda ng buwan. Nilalasap ang masariwang hangin na tumatama sa balat ko.

"Are you having fun?" he asked.

Lumingon ako sa kanya at kumunot ang aking noo.

"Luan?" Seryoso ang kanyang mga titig sa akin.

Ano na naman ba problema ng lalaking 'to? Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Fun? Sa tingin mo ba masaya ako?!" inis kong tanong sa kanya.

"But you seem to be having fun with him?" Umiwas siya ng tingin.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. Para naman siyang nagseselos nito. Bakit ba sobrang bigdeal na sa kanya ang mga nangyayari? I just rolled my eyes.

"Teka nagseselos ka ba?" Pinanliitan ko siya ng mata dahilan para taka siyang mapatingin sa akin.

"Ako? Nagseselos? Pfft! Hindi ah!" Pinitik niya ang noo ko dahilan para mapa 'aray' ako. Sobrang lakas ba naman ang pagpitik sa noo ko. "Bakit naman ako magseselos? Sino ka ba?" 

"Sus, ayaw pa talaga aminin." Sakit naman sa atay 'yong sino ba ako? Ako lang naman 'to si Selena, iyung mahal na mahal ka.

"Pelingera ka talaga." Nye nye nye! Sus aminin mo nalang kasi na may gusto ka talaga sa akin. Inaaway pa ako. "Pero seryoso ka ba sa desisyon mo?"

"About what?" nakangiti kong tanong. 

"Hahayaan mo nalang ba na mamatay ka kaysa kay Kieran?" he asked. Hindi lang ako nagsalita dahilan para mas lalong ikainis niya. "Kieran is a bad person, Moon! Nililigtas mo ang masamang nilalang!"

"What do you expect me to do, Luan? Be a murderer kagaya niyo?!" Napabuntong hininga na lamang ako. Pilit pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. "Mas mabuti pang wag mo na akong isipin, Luan. Hayaan mo nalang akong mamatay."

"Bakit naman ako susunod sa'yo?" Napairap nalang ako sa tanong niya.

Nakakalito talaga 'tong lalaki na 'to.

"Tinatanong pa ba iyan?" Gosh! Mukhang sasabog ang utak ko dahil sa mga sagot ni Luan sa akin. "Hindi naman ako importante sa buhay mo eh. Problema ko ay problema ko lang. Labas ka na do'n."

"Kung sana ganun lang kadali." Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. "I find myself hard to let you go, Selena."

"What?"

"Nagtataka nga ako eh. Hindi naman kita gusto. Wala akong nararamdaman sa'yo but I really want to protect you, Moon." Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "Ayaw kong mangyari sa'yo ang nakatadhana sa'yo."

"Naaawa ka ba sa akin?" I asked.

Natigilan ito sa sinabi ko. 

"Hindi."

"Pfft! Liar!" Ang cute mo naman magsinungaling, Luan. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Nakatingin lang ito sa ekspresyon ng mukha ko. "Don't worry about me, Luan. I know what I am doing." Tinapik ko ang kanyang balikat. "Thank you for always watching me from afar."

•••

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at nagulat nalang ako na wala na sa tabi ko si Kieran. Umalis ba siya?

Agad ako tumayo at lalabas na sana pero bigla nalang bumukas ang pinto at niluwa siya. May dugo ang kanyang kanang braso dahilan para magtaka akong tignan siya.

"What happened?" I asked.

"Nothing. Wag mo na ako pansinin." Umupo siya sa kama at nakasunod lang akong tumingin sa kanya habang hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagtataka.

"Sigurado ka ba eh parang matatanggal na 'ata braso mo eh!" Agad ako lumapit sa kanya.

Kumuha ako ng bandage sa drawer at agad lumapit sa kanya. Pinunit ko ang kanyang damit pero nagulat ako ng dahan-dahan humilom ang kanyang sugat. What just happened?

"I didn't need to hide this to you anymore. Alam mo naman na hindi ako tao," ani niya.

Napaatras ako habang hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagkagulat.

"Yeah i almost forgot." Na hindi ka tao.

Umupo ako sa tabi niya at pilit kinakalimutan ang nangyari. Immortal pala si Kieran. Sinaktan na ba siya ni Theoron pero nagsinungaling lang siya.

Wala naman kasi siyang sugat.

"Nagugutom ka na ba? Anong gusto mong kainin?"

"Ikaw bahala." Nakatingin lang ito sa akin kaya binigyan ko siya ng inosenteng tingin. May ginawa ba akong mali? "Kahit ano nalang wala kasi akong maisip kung anong gusto ko ngayon eh."

Lumapit siya sa akin at napahinto ako ng sobrang lapit na ng mukha niya sa akin.

"Alam mo bang gusto kitang kainin, Moon?"

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon