Chapter 19

919 42 2
                                    

What the heck just happened? Seryosong nakatingin sa kanya si Ezra. Tumayo ito habang hindi pa rin umiiwas ng tingin kay Luan.

"Ikaw dapat ang lumayo sa kanya, Frias." Binigyan ako ng matamis na ngiti ni Ezra at hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry, Moon. Luan is just out of his mind right now. Wala siya sa sariling katinuan niya."

"Don't let his innocent face fool you. Hindi—"

Nagulat ako nasa isang iglap bigla nalang siya napaupo sa sahig. Tinulak lang siya ni Ezra gamit ang isang kamay at ganun na ang impact. Nakanganga akong lumingon sa kanya.

What the heck?!

Lumingon sa akin si Ezra at halos hindi ako makagalaw. The way he looked at me. Nakakatakot! Hindi ko ma explain. Magsasalita na sana siya pero agad ako napaatras. Napalunok nalang ako ng laway.

"Sige i continue niyo nalang iyan, hehe." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at umalis nalang ako.

Baka ako pa ang matamaan ng suntok niyong dalawa.

•••

Nakatingin lang ako sa likod ko baka kasi sinususundan ako ng dalawa. Hindi ko talaga sila magets beh. Akala ko ano friends sila pero bakit sila nag aaway? Kumunot ang noo ko at bakit nila ako pinapalayo sa isa't-isa? Nasa peligro na naman ba ako?

Napahinto ako ng bigla nalang ako may nabangga sa harapan ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya and I saw Theoron looking at me coldly.

"K-kuya."

"What are you doing here?" he asked coldly.

"What?" Kumunot ang noo ko at tumingin sa paligid.

Ibang section na pala ito, "Hehe miss you po."

Hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap sa likod dahilan para mawalan ako ng gana. Ba't palagi nalang akong pinupush? Mukha ba akong push botton?

"Bumalik ka na sa classroom mo." Napapout akong lumingon sa kanya at niyakap siya.

"Naaah! Ayaw ko!" Lalapitin lang ako ni ano Luan do'n.

Baliw na 'yon.

"Did something happened?" Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.

Si kuya ba talaga 'to? Baka impostor ito ah?

"Luh kuya, nag alala ka ba sa akin?" tanong ko habang nakangiti ng nakakaloko.

Umiwas ito ng tingin, "You're annoying."

Hindi na niya ako hinintay pang magsalita at umalis na siya. Ako naman si ewan sinundan siya. Sinamaan niya lang ako ng tingin at binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti. Hindi na niya ako tinulak pa, hindi din naman kasi niya ako mapapaalis. Partida malakas 'to, charot lang.

Nang makapasok na kami sa classroom niya ay lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Agad sila lumapit sa akin dahilan para magulat ako.

"Wow! Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang kapatid ni Cervantes!"

"Omg! Magkamukha sila ng mama niya!"

"No! Iyung papa niya!"

Natigilan ako ng bigla nalang may humawak sa kamay ko. Blonde hair and blue eyes.

"May boyfriend ka na ba?" Napanganga nalang ako sa tanong niya.

Is it always like this?!

Natahimik ang lahat ng bigla nalang sinapak ni Theoron ang kamay ng lalaki. He looked at him coldly na parang papatay na ito.

"Sa susunod na hawakan mo pa ang kamay niya. Wala ka ng kamay."

Wala ni isa nagsalita. Is he always like this? Hindi kasi ito nakasulat sa libro kaya hindi ko knows. Grabe nakakatakot talaga si kuya hindi ko magets kung bakit madami pa din nagkakagusto sa kanya. Hinila na niya ako at pinaupo sa tabi niya.

"Kuya—"

"You're getting on my nerves. Shut up."

Napapout nalang ako at lumingon nalang sa bintana. Nakasama ko nga si kuya eh ang sungit-sungit naman.

•••

Walang gana naman akong lumingon kay Zhyeus na kanina pa nakatitig sa akin. Bumuga nalang ako ng hangin.

"What?" walang gana kong tanong.

"Gumala ka na naman ng hindi mo sinasabi sa akin," sabi niya ng hindi nakatingin sa akin. "I told you. Magsabi ka sa akin at sasamahan kita."

"Hindi naman mangangagat si Kieran eh, chill." Natigilan siya dahil sa sinabi ko.

He looked at me seriously dahilan para matigilan din ako. Lods, wag ka naman ganyan lods. Hindi ko naman aagawin sa'yo iyung bebe mo eh. 

"Kung ako sa'yo lumayo ka sa kanya." Kumunot ang noo niya. "And why the fuck did you met him in the first place?" Hindi ako makapagsalita. Bago to ah. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Mukhang napagtanto niya ang inasta niya kaya tumikhim ito. "Wag ka na ulit lalapit sa kanya. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa'yo, Moon."

Hindi na siya nagsalita pa at agad na umalis. Tsk! Hindi man lang inubos ang pagkain niya. Napabuga nalang ako ng hangin at ngumiti.

Too late nag apply na ako bilang waiter. I giggled ng maalala ko ang sinabi ko kay Kieran.

Bakit ang weird nila? I heavily sighed at umiling nalang. Kinain ko ang pagkain ko at tumango-tango nalang.

Mabuti nalang talaga at masarap ang pagkain nila dito. Nakakawala din ng stress. Nang matapos na akong kumain ay niligpit ko ang mga plato at nilagay sa lababo. Kumunot ang aking noo ng bigla nalang may sumigaw sa labas.

Jusko! Bakit ba parang nasa horror movie ako?

"No, Lena. Wag mong buksan," sabi ko sa sarili ko.

Hindi pwede. Baka mamatay lang ako.

•••

Sana pala nanatili nalang ako sa bahay. Kahit kasama ko si Theoron do'n. Sigurado naman ako makikita ko pa ang araw. Kumunot ang noo ko ng my nakita akong pigurang lalaki na nakatalikod. At tinatapakan nya ay tao na hindi na gumagalaw.

Teka patay na ba iyan?

Dahan-dahan lumingon sa akin ang lalaki kaya hindi ako nagdalawang isip na tumakbo.

Takot. Iyan lang ang nararamdaman ko ngayon.

Bakit niya ba pinapatay ang inosenteng tao? Anong kasalanan ng mga tao sa kanya? Sinong kasunod? Ako ba? Dahil ako ang nakakita sa kanya.

Nang makapasok na ako sa bahay ay agad ko nilock ang pinto. Hinahabol ko ang sariling hininga. Bigla nalang may malakas na tumama sa pinto ng labas dahilan para mapasigaw ako at mapaupo sa sahig.

"What happened?" I looked at Zhyeus halata sa ekspresyon ng mukha niya na nag alala siya.

"Zhyeus!"

Agad ko siya niyakap dahilan para matigilan siya.

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon