Chapter 42

691 33 2
                                    

Wow! Na realtalk ako do'n ah. Napahawak ako sa dibdib. Sakit! Ganun na ba talaga ako kapanget sa paningin niya para ano... Huhu!

Pero okay lang. Kaysa naman ma fall siya sa akin at tuluyan na talaga ako mag suffer dito sa novel na 'to. Hindi naman kasi dapat ako 'yong nandito eh!

"Ang sama naman ni Kieran," nakapout niyang sabi.

Infernes bagay sa kanya magpa cute kahit hindi naman halata. Napailing nalang ako sa naisip ko. Nadidistract na naman ako.

"Hoy! FYI! Hindi masama 'yong Kieran ko! Nakakaloka ka!" Ikaw nga 'tong masama eh. Pinahamak ba naman ako.

Kung ano-ano nalang siguro sinasabi niya kay Konan para mabaliw 'yon! Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi, ang nakakaloko niyang ngiti. Naiilang talaga ako sa tuwing tinitignan niya ako ng ganyan. Feeling ko kasi pinaglalaruan niya lang ako.

"Hindi ka ba curios kung anong tinatago niya sa garden na 'yon?" Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Tinatago? Ano na naman itatago sa akin ni Kieran? Mukhang wala naman kasi siyang dapat itago sa akin at kung meron man 'yon alam ko naman na may rason siya.

"Tinatago? Anong tinatago?"

"Kayamanan." Sinamaan ko naman siya ng tingin dahilan para mapatawa siya. "Nagbibiro lang." He patted my head and hindi pa rin nawawala ang masama kong tingin sa kanya. Kahit kailan talaga hindi talaga ako natutuwa sa lalaking 'to. Kahit una ko palang kita sa kanya ay masama na ang kutob ko sa kanya. Hindi ko gusto ang aura niya. Dahil siguro sa nabasa kong kwento. "Something na ayaw niyang malaman mo."

"Ayaw niyang malaman ko?" T*ng*na! Talaga ang lalaking 'to! Pinapa-curios ba naman ako?!

"Ayaw mo bang malaman mo?" tanong niya habang hindi pa rin nawawala ang kanyang nakakalokong ngiti.

"Tigil-tigilan mo ako, Luan! Alam ko naman na may rason si Kieran para itago sa akin 'yon! At kahit kailan! Hinding-hindi ko siya pag iisipan ng masama!"

He giggled kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sa tingin niya siguro may nakakatawa sa sinabi ko.

"Ikaw bahala, Moon. Sana mataas pa buhay mo. Because I don't want my precious girl to be gone forever."

Hindi pa ako tapos makapagsalita ay agad na siya nawala. Tsk! Hindi man lang ako hinintay.

Bumukas ang pinto dahilan para mapalingon ako do'n. I saw Kieran looking at me as if parang pinagmasdan niya kaluluwa ko.

Bakit naiilang ako sa mga titig niya?

"Yes, Kieran? May gusto ka bang sabihin sa akin?" Pilit kong pinatatag ang aking sarili. Matapang kong tinignan ang kanyang mata kahit gusto ko ng umiwas ng tingin. Hindi ko talaga keribels ang mga nangyayari. Hindi naman sana tama 'yong hinala ko. Kasalanan talaga ito ni Luan. Pinag- ooverthink pa kasi ako.

He smiled at me and patted my head, "All i want to say is don't worry everything will be okay."

Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Bakit parang kinakabahan ako? Feeling ko talaga may masamang mangyayari eh.

"What do you mean? Ayos naman lahat ah," taka kong sabi sa kanya.

"Si Rose. Nabalitaan namin tumakas... And your brother... Nabalitaan namin na umalis din siya. And i think hinahanap ka niya." Natigilan ako sa sinabi niya.

"W-what?" Napakagat nalang ako ng labi. "Aalis nalang ako dito."

Lalagpasan ko na sana siya pero agad niya hinawakan ang wrist ko dahilan para lumingon ako sa kanya. 

"I'm going with you." Hindi ko inaasahan na sasama siya sa akin.

Umiling ako at inalis ang wrist ko sa pagkakahawak niya. Nakita ko ang pagkadismaya sa ekspresyon sa kanyang mukha. Gusto ko naman na may kasama pero baka mapahamak lang siya dahil sa akin. 

"Hindi pwede, Kieran. Madami ka ng natulong sa akin at hindi ako papayag na ipahamak kita. Nang dahil lang sa akin baka mangyari ang kinakatakutan ko." Hinawakan niya ang kamay ko at mas lumapit sa akin.

"When Zhyeus left me, my life seems so meaningless." Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mata. Kahit ako ay naaawang tignan siya. "Akala ko wala ng kwenta ang buhay ko. Total wala naman taong gustong makasama ako. But you came, you give me light, Moon. And I was happy na makasama kita."

"K-kieran." Hindi ko alam na ganito pala ang naging impact ko sa kanya. 

"I don't want to lose you Moon. I want to stay with you forever." Hindi ako makapagsalita. Pinagmasdan ko lang ang malungkot niyang mukha.

"But it's dangerous, Kieran. Hindi mo kilala si Theoron. He's a monster... My brother is a monster!" Hinawakan ko ang braso niya. "This is for your own sake, Kieran. I hope you understand me."

"Nangako na ako sa sarili ko na sasamahan kita kahit nasa peligro pa iyan. All I want is to stay with you and protect you with all my life, Moon."

"Kieran, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo ng dahil lang sa'kin." Nagulat nalang ako ng hinila niya ako at niyakap niya ako.

"I love you, Moon." Namilog ang aking mata dahil sa narinig ko. What the heck?! Sakto naman ako sa kain, ba't ako nag i-imagine ngayon?

"Ha? M-mahal mo ako bilang kaibigan diba?" kabado kong tanong sa kanya.

"Alam mo na ang sagot sa tanong mo," mahinahon niyang sabi sa akin.

"P-pero..."

"Hindi naman kita pipilitin eh. Gusto ko lang talaga na aware ka sa nararamdaman ko. Hihintayin kita, Moon." Hinaplos niya ang buhok ko at umalis na siya.

Nakanganga lang ako dito at hindi makapaniwala sa narinig ko. This is not happening?! No! Hindi 'to pwede!

"Oh... My... God! I'm in a big trouble!" Ngayon unti-unti ko ng nagegets ang nangyayari sa kwento.

"Ngayon mo lang talaga narealize no?" Walang gana akong napalingon sa lalaking ginawang comedy movie ang life ko.

Chariz! Ibang buhay pala ang kinokontrol ko ngayon.

"Palibhasa kasi hindi ka nakaranas nito kasi halimaw ka," bulong ko sa sarili ko.

Sa tuwing nagtatama kasi ang mata naming dalawa ay naiinis ako. Kitang-kita ko kasi kung paano niya ako i-look down.

"Pero marami ka pang dapat malaman."

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon