Epilogue

1.1K 49 16
                                    

Gagawin mo ba akong mukbang?! Napalunok ako ng laway at umiling. Mahina ko naman siyang tinulak. Delikado beh kapag nasaktan siya baka doble pang ibibigay niya sa akin. 

"Hindi ako masarap, Kieran! I swear!" Agad ako umatras. "Ako na nga lang magluluto. Hindi porket nagugutom ka ako na ang kakainin mo, nakakaloka."

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at agad na bumaba ng kwarto. Nakakaloka beh! Hindi naman ako nainform na isa pala ako sa biktima ng mga horror story. Nakakainis! Akala ko pa naman bl 'to!

Ang hirap talaga kapag na scam. Napabuga nalang ako ng hangin habang nagluluto sa kusina.

Muntik pa talaga ako mapasigaw ng bigla niya akong yakapin. Nasa likod ko siya habang ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.

Mag focus ka, Selena! Baka masunog ang bahay na 'to at pareho kaming mamatay—wait! Kung pareho kaming mamatay dalawa, may possibility ba na makabalik ako sa totoo kong mundo?

"Gaano mo ako kamahal, Kieran?" Natigilan ito sa tanong ko. Halatang nagulat.

"I didn't expect you na tanungin mo ako ng ganyan." Ngumiti lang ako habang nakatuon ang atensyon ko sa pagluluto. "To the point na kahit sa impyerno ay susundan kita."

Grabe naman iyan, lods. Nag expect ka talaga mapupunta ako diyan, ganyan ba ako kasama?

"Hindi ko naman hahayaan ang sarili kong mapunta doon," bulong ko sa sarili.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Oh my gosh! Ano ba?! Kinikilig atay ko—charot.

"Bakit mo ba natanong?" malambing niyang tanong. 

"Wala lang. Naisip ko lang." Kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Ramdam ko ang kanyang matalim na pagtitig sa akin. Ano ba?! Baka matunaw ako?!

"Kung ano man iyang binabalak mo, Moon. Wag mo na ituloy." Kumalas na siya sa pagkakayakap at naramdaman kong naglakad na siya palayo.

Paglingon ko ay nakaupo na siya sa sofa. 

"Ha? Wala naman akong pinaplano ah," pagsisinungaling ko.

Pagkatapos ko magluto ay agad ko na nilagay ang ulam sa lamesa. Naghanda na ako ng makakain namin habang hindi pa rin nawawala ang kanyang matalim na pagtitig sa akin.

Stop looking at me like that baka matunaw ako?!

•••

Napaluhod ako habang hawak na hawak ko ang aking dibdib. Ang sakit ng dibdib ko.

"Are you okay, Selena?" I looked at Kiel. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nag aaalala siya.

"Y-yes. Don't mind me." Tumayo na ako at tinitiis nalang ang sakit sa dibdib ko.

"Malapit ka ng kunin," he said. 

Alam niyang hindi ko gustong mamatay ako pero hindi ko talaga kaya eh. Araw-araw ako makokonsensya kapag pinatay ko siya.

"Sana nga lang sa langit ang bagsak ko," nakangiti kong sabi sa kanya.

Umiwas lang siya ng tingin na para bang may alam siya at ayaw niya sabihin sa akin. 

Someone knock at the door dahilan para maagaw niya ang atensyon ko. Bumukas ang pinto and as expected agad naglaho si Kiel.

Napapaisip tuloy ako kung guardian angel ko si Kiel. I just smiled at napailing. Kahit ano nalang talaga ang iniisip ko.

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon