Chapter 24

846 37 4
                                    

"Ha?"

"Sabi ng kuya na 'yon po." Inosente siyang lumingon sa akin. "Mahal ka po niya."

Bumuga nalang ako ng hangin at pinisil ang cute niyang pisnge. Para siyang siopao—charot lang.

"Sana totoo 'yang sinasabi mo, bata. Sana mahal nga ako ng kuya ko." Nagsimula na kaming maglakad.

Kapatid ba 'to ni Ezra? Pero wala naman nakasulat sa ano na meron siyang kapatid or sadyang nakalimutan ko lang talaga.

•••

Napahinto kami sa paglalakad ng makita namin si Ezra na nakatingin sa amin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at binitawan na ang kamay ng bata.

"Kuya!" Agad lumapit ang bata kay Ezra at niyakap ito ng kuya niya.

Ang sweet naman nila.

"Moon."

"Yes?"

"Thank you for taking care of my little brother." Binuhat na niya ang bata at ngumiti naman ako.

Ang cute nilang tignan. Sana ganun din kami ni Theoron kaso ang sama ng ugali ng lalaki na 'yon eh daig pa ang babaeng may regla.

"Walang anuman. Matanong ko lang no offense ha. May kapatid ka pala?"

"Yes." Binaba na niya ang batang lalaki. "Maglaro ka muna doon." Tumango ang bata at agad na umalis. Sinundan ko ng tingin ang bata pero napahinto ako ng lumingon sa akin si Ezra. "You're wondering bakit hindi kami magkamukha ng kapatid ko?"

"Luh, wala akong sinabi." Umiwas ako ng tingin and he chuckled.

Naramdaman kong lumapit siya sa akin kaya umatras ako kunti. Lods, baka suntukin mo ako ha, wag ganyan bad 'yan.

"That boy is adopted. Nawalan siya ng alaala dahil sa car accident. Both his parents died."

Saklap naman pala nangyari sa bata na 'yon. Mabuti naman at nandyan si Ezra para tulungan siya.

"You're really a kind person, Ezra. Minsan mo lang makikita ang kabaitan sa ibang tao," wala sa sariling sabi ko.

Natigilan ito kaya nabalik ako sa realidad at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Moon, are you okay?" he asked.

Huh? Anong pinagsasabi nito? Okay naman ako ah, wala akong sakit. I chuckled at tinapik ang balikat niya.

"I'm okay. Tara na, magsisimula na ang klase." Umuna na ako sa kanya dahil hindi ako komportable sa mga titig niya.

•••

"Hoy." Tinatapik ako ni Rose kaya inis ko siyang tinignan.

"Ano na naman 'yan, beh? Baka mapagalitan na naman tayo ng prof niyan kasi ang ingay mo?" irita kong sabi at lumingon na sa harap.

"Sungit naman nito." Mas lalo siyang lumapit sa akin. "May ginawa ka ba kay Ezra?"

"Like what?"

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon