"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" wala sa sarili kong tanong.
"You have a dirt on your face," he said.
Agad ko kinuha ang salamin ko, "Oo nga no, hindi ko napansin."
Umupo siya sa tabi ko at inakbayan niya ako dahilan para mapangiwi ako.
"Alam mo ba iniistalk ka ng kuya mo." Napangiwi ako at umirap.
"Lods, kung lolokohin mo lang ako iyung kapani-paniwala naman." Napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa inis na nararamdaman ko.
Tumayo na ako at aalis na sana, "Uhh Moon."
"Ano?!" Inis akong lumingon sa kanya.
Dahan-dahan niyang tinuro ang palda ko dahilan para mapakunot ang noo ko. Agad ko ito tinakpan gamit ang dalawang kamay ko.
"Manyak ka talaga!"
"Araw mo ba ngayon?" Mas lalo ako nagtaka sa sinabi niya.
"Araw?" Napahinto ako ng marealize ko ang ibig niya sabihin. "B-ba't mo natanong?"
Bumuntong hininga ito at hinubad ang jacket niya at ginamit pantakip sa palda ko. Namilog ang aking mata at ginulo niya ang buhok ko bago umalis. Mga ilang minuto pa ay bumalik siya na may dala-dalang napkin. Hindi ako makapaniwala.
Binili niya 'to para sa akin?
"Maiwan na muna kita." He patted my head bago tuluyan umalis.
Ako naman si tanga hindi makapagsalita dahil sa gulat.
•••
Hayst! Ang sarap talaga ng streetfoods! Walang makakatalo sa corndog nila.
"Kuya look oh parang bola ang mukha niya. Ang bilog." Dahan-dahan akong lumingon sa nagsalita.
Isang batang lalaki. Black hair and green eyes at iyung isa na nakahawak sa isang kamay niya ay si Ezra.
He gave me a warm smile at umiwas ako ng tingin. Litse! Kung hindi lang bata 'to kanina ko pa 'to sinabunutan—charot lang hehe.
"Pagpasensyahan mo na ang bata." Tumango lang ako at hindi na tumingin sa kanya.
"Manong, ito na po ang bayad."
Aalis na sana ako pero agad niya hinawakan ang wrist ko kaya tumingin ako sa kanya.
"Yes..." Huminto ako ng makita siyang seryosong nakatingin sa akin pero agad din naman itong ngumiti.
Namamalik-mata lang ba ko?
"Where are you going?" he asked.
"Sa kaibigan ko lang," inosente kong sagot.
Kumunot ag noo niya, "Hindi diyan a
ang bahay ni Rose."Ayy grabe siya. Sakit nun ah. Pinapamukha niya talaga sa akin na isa lang ang kaibigan ko.
"Grabe ka naman, pre. Si Rose lang ba ang kaibigan ko dito?" Nahurt mo ang aking damdamin ha. "Alis na ako. Wag ka magsusumbong kay Zhyeus, iiyak talaga ako."
BINABASA MO ANG
Captivated Hearts
Romance(Completed) Selena Valencia ay isang babaeng mahilig magbasa ng bl. Tumatakas siya sa gabi para makabili ng bagong kwento ng boys love. Pero hindi niya akalain ng dahil lang sa pagsuway niya sa mama niya ay mababago ang buhay niya. Pumasok siya sa...