"Huh?"
He giggled binigay niya sa akin ang pagkain na inorder ko.
"I'm just kidding. But incase na mahihirapan kang umuwi pwede ka naman tumira dito," saad niya.
"You're really a kind person. Kieran." Nag thumbs up ako. "Kaya gustong-gusto kita eh!" Mukhang nagulat siya dahil sa sinabi ko. Hindi na kasi siya gumalaw. "Hehe, don't get the wrong idea, lods. Baka mapatay ako sa secret admire mo. Mahirap na masakit mapatay."
Tumawa naman ito at napailing. Sinasabi ko na nga ba eh ako lang ang kaligayahan ng batang ito. Heheheh joke lang.
"Sige na po. Kailangan ko ng dalhin 'to sa kaibigan ko." Bumuntong hininga ako at bumulong. "Baka binugbog na 'yon."
"What?"
Umiling naman ako at binigyan siya ng matamis na ngiti. Ico-comfort ko muna si gbf, lods. Baka ano pang mangyari doon at tutubuan pa 'yon ng sungay.
"I just know, Rose needs me. Kaya sa susunod nalang, Kieran. Bye!"
Habang naglakad-lakad ako ay bigla nalang ako nakaramdam ng kaba. Ba't ganun? Wala na nga si Luan dito, huhu! Dali-dali naman akong umalis. Napahinto ako ng bigla nalang may umiyak dahilan para matigilan ako.
"Gosh! Hindi niyo naman sinabi sa akin na may pagka horror pala ang kwento na 'to!"
Agad na ako tumakbo. Nang makapunta na ako sa bahay ni Rose ay agad ako nag doorbell. Pakibilisan po! Mga ilang segundo pa ang nakalipas ay bumukas na ang pinto. Agad naman ako pumasok kaysa naman hintayin kong may sumaksak sa akin dito.
"Oh anyare sa'yo? Para kang hinahabol ng multo," natatawa niyang sabi.
"May multo dito?" Agad ako napalingon sa paligid. Napalunok nalang ako ng laway.
Nakita kong napangiti ito ng nakakaloko. Tinuro niya ang nasa likod ko.
"Ano iyang nasa likod mo?" Napasigaw na lamang ako.
At agad siya niyakap. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.
"Nasaan?! Nasaan?!"
Tumawa naman ito dahilan para inis akong tumingin sa kanya. Nakakainis talaga siya! Bumili pa ako ng pagkain to cheer him up pero ganito lang gagawin niya sa akin. How dare you?!
"Kung nakita mo lang hitsura mo! HAHAHAHAH nakakatawa!"
"Atlease maganda ako!"
Pinagmasdan niya ang mukha ko. Natigilan pa ito. Baka hinuhusga na niya buong pagkatao ko, bawal iyan beh! Umatras na ako sa kanya and I rollled my eyes. Anong klasing kaibigan ka?!
"Saan banda?" Tinaasan ko siya ng kilay dahilan para mag peace sign siya. "Joke lang!"
"Sa susunod, hindi na talaga pagkain ibibigay ko sa'yo kundi bato na."
Nagpuppy eyes naman ito dahilan para mapangiwi ako. Nandidiri akong tumingin sa kanya.
"Bato ang ipapakain mo sa akin?" Umiyak naman siya ng peke. "Hindi iyan deserve ng isang magandang katulad ko."
Tinapon ko sa kanya ang unan, "Eww, Rose! Hindi bagay sa'yo!"
"Fyi! Mas bagay sa akin magpacute no! Kaysa naman sa'yo kaya allergic 'yong kuya mo sa'yo eh!" Napangiwi naman ako.
Napahawak ako sa dibdib ko, "Ayy wow beh! Hindi mo naman need ako irealtalk. Hanggang ngayon hindi pa rin nafa-fall si kuya sa'yo. Inarrange marriage pa naman kayo."
Natigilan ito. Mukhang nasobraan 'ata ako sa pagkasabi. If my brother doesn't fall inlove with Konan, I'm sure his crazy bitch mother will kill him. Baliw talaga mama niya, pinagpilitan niya talaga na maging babae 'yong anak niya.
"Right, hindi pa rin naiinlove sa akin ang kapatid mo. But there's nothing we can do, magpapakasal pa rin kami."
"Umalis ka nalang kaya dito. Sama ka sa akin mang ibang bansa." Lumingon naman siya sa akin at kinain ko ang pagkain na binigay ko sa kanya. "What?"
"Magandang idea 'yan parang magtatanan tayo." Tumawa naman ako at napailing.
"Hindi ako marunong ng buhay mahirap, beh. Baka sabay tayong mamatay dahil sa gutom," biro ko sa sa kanya.
"Do you want to die?" Napahinto ako sa sagot niya.
"Anong klasing tanong 'yan?" kabado kong tanong.
Lods, ang plano lang ay sasamahan kitang tumakas dito hindi sasamahan kitang magpakamatay, nakakaloka.
"Nevermind. Kumain ka na nga lang napakachismosa mo." Napapout ako sa sinabi niya.
Siya kaya nag open ng topic na ganyan. Niligtas na nga kita noon, ng dahil sa'yo kaya sumanib ako sa katawan ni Moon at ito iyung punishment ko. Bumuga nalang ako ng hangin.
"Nakakaloka." Umiling nalang ako at kumain nalan habang nakatingin sa glass window nila. "Bakit gusto mo magpakamatay?"
"What?"
"You want to die, right?" Lumingon ako sa kanya dahilan para magtama ang mata naming dalawa. "Why?"
"I hate my life, Moon." He gave me a warm smile na alam ko naman na peke. "I want to have a new life na may freedom ako."
Hindi niya ba narerealize na unti-unti niyang binubulgar ang sekreto niya sa akin. Well, bahala na bestfriend niya naman ko.
"Hindi ka ba masaya sa buhay mo, Rose?" I asked.
Lumingon na naman sya sa akin and I just gave him an innocent look. After all, hindi niya pwedeng malaman na alam ko lahat—Hindi ko na sure kung alam ko ba lahat dahil nagbago na ang kwento.
"Secret! Baka imyday mo?" Umiling nalang ako.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Binigay ko sa kanya ang pagkain na binili ko.
"Baka maubos ko 'to kapag hindi mo kainin sige ka." Kumunot ang kanyang noo at lumingonn sa akin.
Hoy dae! Hindi ako masamang tao para maglagay ng lason diyan. Hahay mga tao nga naman sa novel hindi man lang appreciate ang kabaitan ko.
"Saan mo ba nabili iyan?" Grabe naman siya kung makapanghusga.
"Tsk! Masarap kaya magluto si Kieran," bulong ko.
Mas lalo na iyong nagluto, masarap. Ehem—ayy joke!
"Kieran? Who's that?" Ayy narinig pala ni ganda ang sinabi ko.
Future karibal mo, lods.
Ba't ba sa tuwing may chinichika ako, nagbibingihan lang 'to pero pag nagmention ako ng lalaki kahit pa siguro malayo ako ay maririnig niya.
Paglalaki na talaga ang usapan. Umiling nalang ako. Sayang naman ang pogi niya na sana bagay siya sa akin—charot lang.
"Ang pogi niya, Rose!" Hinawakan ko ang kamay niya. "At super bait pa! I'm sure magugustuhan mo sya."
Walang gana niya naman akong tinignan.
"Mas pogi pa ako do'n."
Ha?
BINABASA MO ANG
Captivated Hearts
Romance(Completed) Selena Valencia ay isang babaeng mahilig magbasa ng bl. Tumatakas siya sa gabi para makabili ng bagong kwento ng boys love. Pero hindi niya akalain ng dahil lang sa pagsuway niya sa mama niya ay mababago ang buhay niya. Pumasok siya sa...