Chapter 32

748 45 2
                                    

"Kieran." Gusto kong lumapit sa kanya pero napagdesisyunan kong wag nalang.

Mas lalo lang akong paparusahan ni Theoron. I don't know why he is acting like this pero ang possessive niya masyado.

"Let's go." Hinawakan ni Theoron ang kamay ko at nilagpasan si Kieran.

Napatingin ako sa likod ko at nakita si Zhyeus na nakatingin kay Kieran. Ang lamig ng kanyang titig kay Kieran. What the heck happened to those two?!

•••

Nang makapasok na ako sa classroom ko. Namilog ang aking mata ng makita ang bodyguard na nakapabalibot sa upuan ko. Agad ako napatingin kay Theoron at sinamaan siya ng tingin. Ganun pa din ang ekspresyon sa mukha niya. Ang lamig.

Lalapit na sana sa akin si Rose bigla nalang siya hinarangan dahilan para taasan niya ito ng isang kilay.

"What the heck?!" Napakagat nalang ako ng labi ng makitang naiinis na si Rose. "What is happening?!"

"I'm sorry, ma'am. Pero hindi ka pwedeng lumapit kay Moon."

Tinignan ako ni Rose, halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na naguguluhan ito. Binigyan ko lang siya ng pasensya-na-look.

Umalis na siya pero ramdam ko ang kanyang inis kahit hindi siya nakatingin sa akin.

•••

Hindi ko na talaga maintindihan kong anong nangyayari. Napakamot ako sa batok ko habang inis na nakatingin sa kuya ko. Muntik pa talaga ako mapasigaw ng bigla nalang may humila sa akin. Namilog ang aking mata ng makita si Luan. Dinala niya ako sa madilim na lugar at nilagay niya ang hintuturo niya sa labi niya hudyat na tumahimik ako.

"What are you doing?" taas kilay kong tanong sa kanya.

Sumandal siya sa pader habang hindi nawala ang nakakaloko niyang ngiti sa kanyang labi. Mas lalo lang ako nainis dahil sa pagmumukha niya. Kahit ang gwapo niya ay naiinis pa din ako.

"If i were you, tatakas na ako." Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi.

Paladesisyon ka beh? Kung okay lang sana ikaw na magpatuloy na hanapin ang demonyo na 'yon para makauwi na ako sa bahay. Hihintayin ko nalang na mahanap mo na chaka ako babalik pero hindi eh! Dapat ako talaga maghanap! Kung hindi lang sana buhay ko ang nakasalalay dito edi sana kanina pa ako umalis!

"Hindi ako pwede umalis dito." Taka itong napatingin sa akin at lumapit siya sa akin. Umatras naman ako hanggang sa wala na akong maatrasan. Kinorner niya ako sa pader. Nakatingin pa rin ako diretsa sa kanyang mata.

"Totoo ba talaga ang rumors na may gusto ka sa kuya mo?" Namilog ang aking mata dahil sa tanong niya.

Kumakalat na pala ang chismis na may gusto ako sa kuya ko?! Ito talagang mga tao na 'to. Kahit dito ay madami pa ring chismosa! Napailing na lamang ako. I can't believe this.

"Seriously? Naniniwala ka ba diyan?" mataray kong tanong.

"Hindi naman talaga ako maniniwala diyan kung hindi ko makikita sa aksyon mo." Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil sa sinabi niya.

"Mahal ko ang kuya ko as my older brother. Kadiri ka beh," nandidiri kong sabi sa kanya.

He chuckled. Edi wag ka maniwala hindi naman kita pinipilit. I rolled my eyes at umalis pero ramdam ko pa rin na sinusundan niya ako ng tingin.

•••

Agad ako pumasok sa library at hinabol ang hininga ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa hirap na pag hingal.

Napahinto ako nang makita si Ezra na nakatingin sa akin habang may hawak na libro.

"Ezra," banggit ko sa pangalan niya.

Napangiti ito ng banggitin ko ang pangalan niya. Sinara niya ang libro at lumapit sa akin.

"Nandito na si Kieran. Why don't you go to him? Baka ma lonely 'yon?" Napabuga nalang ako ng hangin.

Hindi nga ako makalapit kay Rose kay Kieran pa kaya? Tumakas nga lang ako sa mga body guard na nakapalibot sa akin. I'm sure lagot na naman ako sa kuya ko. Matigas ang ulo ko eh at wala na silang magagawa pa do'n.

Umupo ako sa upuan na kaharap niya. At narinig ko pa talagang napatawa ito.

"Anong nangyari sa'yo para kang nawalan ng isang million?" natatawa niyang sabi.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at napakamot nalang ako sa batok ko.

"Hindi ko na alam saan ako lulugar!" Halos mabaliw na ako. Hindi ko na gets talaga nangyayari sa buhay ko.

"Sa puso ko." Napangiwi nalang ako sa sinabi niya dahilan para mas lalo siyang mapatawa.

Anong nakakatawa? "Tapos kapag na fall ako hindi naman ako icru-crushback."

Napailing nalang ako. Bulong ko lang 'yon. I'm sure naman hindi niya iyon narinig.

"Paano ka nakakasigurado, Moon?" Napangiwi nalang ako sa sinabi niya. "I like you kaya hindi malabong hindi kita magustuhan."

"Sus, pinapaasa mo lang ako eh." Napairap nalang ako. Bigla nalang bumukas ang pinto kaya agad ako nagtago sa likod niya.

Mas matangkad sa akin si Ezra kaya hindi ako masyadong makita.

"Nakita niyo ba si Miss Cervantes?"

Inosente lang napailing si Ezra at napatango naman ang bodyguard bago umalis. Bumuntong hininga ako. Mukhang kailangan ko ng umalis.

"Mukha ka na talagang prinsesa niyan." Walang gana ko naman siyang tinignan.

"Sinabi mo pa." Huminga ako ng malalim at napailing nalang.

Walang gana akong tumayo. Babalik na ako. Baka mapatay pa ako ni kuya kapag nalaman niyang tumakas ako ulit.

"Aalis ka na?" Walang gana akong napatango. "Is it your kuya gone too far? Wala ka ng freedom."

Huminga na naman ako ng malalim at umiling.

"Kaya nga eh. Hindi ko na siya maintindihan. Hindi naman siya ganyan dati."

"Is it because may na realize ang kuya mo?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Pero alam kong peke ang ngiti niya. Feeling ko talaga eh may alam silang Luan pero hindi nila sinasabi sa akin. Kailangan ko ba talagang hulaan?

"Ano naman na realize ni kuya?" irita kong sabi tanong sa kanya.  Nag sparkle naman ang mata ko. "Narealize niya na ba na kailangan niyang matutunan na mahalin ako dahil kapatid niya ako?"

"You know Theoron will never treat you as his sister, right?" mapaglaro niyang sabi dahilan para mapangiwi ako. "Iba ang pagtingin niya sa'yo."

Captivated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon